Chapter 2

319 18 0
                                    



NILIBOT ng mga mata ko ang buong bahay at sobrang laki nun, iilan lang din yung maids puro lalaking mga nakaitim na may mga baril sa tagiliran ang mga nandito sa pamamahay na to, hindi ko nga alam kung sindikato ba tong mga to o politics, kasi daig pa presidente sa dami ng body guards.

"Mam...? Nandito na po yung damit niyo". Ani ng isang maid.

"Teka ate, pwede bang mag tanong?"

"Sige po ano po yun mam?"

"Yung..babae kanina? sino siya? siya ba yung may ari ng malaking bahay na to?"

"Opo mam, siya po si mam faye, nag iisang anak po ni señor.."

"Pwede pang mag tanong? Bakit ang daming naka itim na lalaki sa bawat sulok ng bahay? tsaka bakit may mga baril? hindi naman sindikato yung amo mo no?"

Nanatiling tahimik yung maid. "P-pasyensya na po mam pero hindi po ako pwede mag kwento tungkol kay mam faye at sa mga tao dito.. Maiwan ko na ho kayo"

"Teka isa nalang...". Aniya ko at hinabol ko siya bago pa man siya makalabas sa kwarto. "Anong pangalan mo te? ang bata mo pa para maging maid eh"

"Ahhh Febby po, part time lang din po ako, sige na po...maiwan ko na po kayo..bawal po ako mag tagal dito"

Dali dali itong lumabas sa kwarto at naiwan ako, pinagka titigan ko lang ang mga damit na nasa kama. Hindi naman sila mahilig sa itim no? halos itim na damit din kasi ang ibinigay sa akin.

Anak ata to ni satanas e. Ang hilig sa kadiliman. Ang laki laki nga ng bahay pero mukhang aswang yung nakatira dahil ayaw magpa pasok ng sikat ng araw sa loob ng bahay e.

Nang maka bihis na ako ay dahan dahan akong lumabas sa kwarto at akma na sanang bababa sa hagdan ng makarinig ng nag lalakihang boses.

"Excuse me mam? ihahatid kana po namin"

"Jusko kuya! aatakihin naman ako sayo, bigla bigla kang sumusulpot! pero thanks kaya ko na mag commute"

"Pasensya na ho pero kabilin bilinan ni boss na ihatid daw po kayo kung sang lupalop daw kayo nakatira"

i just rolled my eyes, ano pa nga bang magagawa ko? baka kapag hindi ko sinunod tong mga to tsugi na ako.

Apat na naglalakihang lalaki ang umescort sa akin palabas ng malaking bahay at isinakay sa magarang itim na sasakyan.

"Saan po kayo naka tira mam?"

Napaisip ako na baka tiktikan ako ng mgaa to kapag nalaman nila kung saan talaga ako nakatira. I have to think fast!

"Actually kailangan ko pa pumunta sa pinag tatrabahuan ko, drop niyo nalang po ako sa bluementritt". Ani ko.

"Sige po"

Ako lang at ang driver ang nasa loob ng sasakyan samantalang yung tatlong lalaki ay naka convoy sa sinasakyan kong kotse. Halo halo na yung kaba ko pero ang goal ko ngayon ay ang makatakas sa mga to.

Narating ko na ang restaurant ni charlotte , isa sa mayaman kong bestfriend. Dito nalang ako nagpa dropped at baka sundan pa ako nito sa bahay eh.

"D-dito nalang po, salamat po". Pinag buksan ako ng pinto at siya namang karipas ng takbo ko sa pag aakalang susundan ako pero thankful naman ako at hindi na sila sumunod.

"Yoko? Anong ginagawa mo dito? close pa yung store..". Ani ni charlotte na ngayon ay nag kakape.

"Bwiset kayo!? Bakit niyo ako iniwan sa bar!? alam niyo ba yung pinag daanan ko?!"

"Chill! ikaw kaya tong nawala, ang akala nga namin umuwi kana eh, saan kaba galing?"

Inagaw ko ang kapeng iniinom nito at ininom yun. "Muntik na ako mamatay!"

The Stranger behind meWhere stories live. Discover now