Chapter 3

836 34 0
                                    





Padabog akong nag salin ng white wine na nirerequest ni sungit, bakit ba naman sa dinami dami ng tao sa mundo na pwede ko ma encounter that night, eh siya pa? gosh!

"Yo..Kanina pa kumakaway sayo yung nasa table na yun oh". Ani ni yuri sabay tinuro sa akin ang mesa kung saan nandon sila charlotte at ang pinsan niyang anak ni satanas.

"Pasalamat siya at isa siya sa amo natin argh!". Puno ng inis kong pinuntahan ulit ang table nila at inilapag ang white wine na nirerequest niya.

"Wine niyo po". Aniya ko in a sarcastic way.

"teka lang miss..yolk"

"Yoko!". Pag cocorrect ko sa pangalan kong pilit niyang minamali.

"Auhm, why don't you join us? tutal kaibigan ka rin naman ng pinsan ko"

"Im not interested..". mataray kong sagot. Tumalikod ako at nagpa tuloy sa trabaho. Ano tingin niya sa akin? friend niya? duh!?

"Wait yoko..". Pagpigil sa akin ni charlotte. "Free ka ba bukas? may raket akong ibibigay sayo"

"Anong raket? tsaka kailan kapa nag bigay ng raket sa akin hmm?"

"A-ah basta! Malaki bigayan, mag lilinis ka lang ng bahay tapos twenty thousand offer"

Napa singhap ako sa presyong binitawan ni charlotte. "T-twenty!?"

Kalahati na rin yun ng pang placement fee ko ah?

"Kailan!? saan?!"

"I'll text you the address..bye!". Ani nito sabay balik sa mesang kina pwepwestuhan nila. Tangina? twenty k!? sigurado ba talaga yun? Mansyon ata lilinisin ko eh?





--

"Oh yoko tinext ko na yung address ha!?". Ani ni charlotte sa akin sa kabilang linya na sinisiguradong natanggap ko yung text niya.

"Oo na, kita ko na. Salamat ha, laking tulong nito"

"No worries girl! sige na! enjoyyyyy". Sabi nito sabay patay ng phone. Nakangiti kong pinindot ang doorbell ng malaking bahay. Hindi ko tanaw yung bahay mula dito sa labas dahil sa sobrang taas na gate at dingding na naka paligid dito.

"Sino po sila?"

"Hello kuya guard! ako po si yoko, yung mag lilinis po..pinapunta po ako dito ni charlotte gonzalez po.." . Sabi ko dun sa guard na naka bantay. Dahan dahan nag bukas ang gate at pumasok naman ako.

Teka lang?

Don't tell me!?

NO WAY!!!

Ito yung mansyon na pinang galingan ko kahapon ha!? Charlotte!!!!!!

Lalabas na sana ako ng may nag lalakihang lalaki ang humarang sa gate. Jusko bata pa ako! Marami pa akong pangarap sa buhay..

"Mam, pinapatawag na po kayo ni boss..mag linis na daw po kayo"

"P-pero k-kuya.." . Nanginginig na ako sa puntong ito pero nawala yun nung nakita kong lumabas yung maid na nakausap ko dito kahapon. Si febby..

"Febby!!?". Mabilis akong nag tago sa likuran niya dahil sa kaba at takot. "A-aalis na ako.."

"Teka lang..Pinapatawag ka pa ni mam, sabi niya ikaw daw yung hinire niya as tagalinis ng kwarto niya.."

"Huh? A-anong kwarto? akala ko ba bahay niya?"

Umiling iling si febby. "May mga naka toka para doon, tara na nga..Tsaka wag kana matakot, normal lang na maraming tauhan si mam faye"

The Stranger behind meWhere stories live. Discover now