Chapter 21 (Confession)

248 5 3
                                    

(A/N: Sa unahan ko nilagay para mabasa niyooo lovely readers! Baka kasi di niyo binabasa pag nasa dulo. -_- Anyway mahaba na ulit itong u.d dahil matagal na akong hindi makakapag ud. May emergency kasi, hope you understand. At kung may makikita man kayong typo dito. Pagpasensyahan, next time ko na ieedit.. And plss. Kahit wag na kayoo magvote! Magcomment lang kayoo utang na loob. Pero syempre joke lang yun J Vote, and Comment! It will highly appreaciated.. Thanks. At pakibatukan na lang ako kung mabitin man kayo! Haha. Joke lang)

Chapter 21

Ken’s Pov

Naglalakad ako ng nakayuko pauwi na sana ng bahay ng may marinig akong sumigaw.

“ANO BANG KAILANGAN MO?!! HUH!”

Pamilyar ang boses at alam kong siya yun. Nag angat ako ng ulo at hinanap kong nasaan siya. Nung napatingin ako sa kabilang gilid nung kalsada sa tabi ng mga bahay. Doon ko natagpuan yung pinanggalingan nung boses.

Hindi ako nagkamali si Amber nga..

Mabilis siyang naglalakad habang pilit sinasabayan nung kung sinong lalaki.

At nung makilala ko kung sino ba yung lalaking yun, kaagad na nag init ang ulo ko.

It was Justine! Kaagad akong tumawid at pumunta dun sa side nila. Walang tao ngayon dito, wala nga ding sasakyan ang nagdadaan.

Sinundan ko sila mula sa likuran nila, weird dahil hindi man lang nila ako kaagad napansin.

Nakita kong biglang hinawakan ni Justine yung kamay ni Amber na naging dahilan kaya lalong uminit yung ulo ko.

Pakshet.. Ano bang trip ng lalaking to?! Nakuwento kasi sa akin ni Glizel na nagkausap na daw sila ni Justine, sinabi pa nga daw na mahal pa din siya. Pero ano to?! >_<

“AMBER I NEED YOU!” sigaw na naman ni Justine! Shet naman! Ano bang sinasabi niya kay Amber!? Buwisit. Nag iinit lalo yung ulo ko >_< kala ko ba si Glizel ang mahal niya?!

Tapos bigla na lang..

“JUSTINE!!”

Narinig kong biglang sigaw ni..

Glizel?!! O.O

Anong ginagawa niya dito? Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na!

Pero teka..

Nung nakita kong natigilan si Amber at Justine at akmang lilingon na..

Bago pa ako makapag isip ng matino..

Kaagad kong hinatak si Glizel at…

Hinalikan!

Oo hinalikan ko!! Wala na akong ibang maisip na paraan eh! >_< Masyado na kasing sagabal ang storya ng dalawang to.. Kailangan ng magawan ng paraan!

O.O – Ganyan reaction ni Glizel.

Kahit nga ako din medyo nagulat sa ginawa ko. Nung napatingin ako kay Justine nakita ko yung galit na galit na mukha niya. Pero nung kay Amber..

Hindi ko expected.. nakita ko yung pagtulo ng luha niya..

B-bakit siya umiiyak? 0.0 Natulala ako sa kanya. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya.

Tapos biglang sumugod si Justine at tinulak ako. But still na kay Amber lang ang atensyon ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Alam kong sumisigaw si Justine pero hindi ko pa din matanggal yung tingin ko kay Amber. Hanggang sa nakita kong..

Bigla na lang siyang tumakbo palayo habang patuloy na umiiyak.

Pakshet bakit ganito?

Natauhan lang ako ng suntukin ni Justine. Napaupo ako sa semento.

My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon