Chapter 44

167 4 4
                                    

Chapter 44

Pagkalabas ko sa rooftop. Hindi nga ako nagkamali, mabilis kong nakita si Ian. Nakayuko siya at nakasandal sa pader.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Kaagad akong natigilan ng mag angat siya ng mukha. Nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko kung gaano kalungkot ng tingin niya. Bakas din sa mukha niya yung nararamdaman niya. Para bang may pinagdadaanan siyang mabigat na problema?

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong sabi niya. Nagpatuloy na ako sa paglakad papalapit sa kanya.

"Hinahanap ka" Mahinang sagot ko. 

Umupo ako sa tabi niya.

Hindi na siya nagsalita. Sumandal na ulit siya sa pader saka tumingala sa langit.

"Narinig kita kanina. Ang ganda pala ng boses mo." Mahinang sabi ko ulit. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya. Patuloy ko lang siyang pinagmasdan.

"Pwede ba magtanong?" Tanong ko pa ng hindi pa rin siya nagsalita. Tinanggal ko na yung tingin ko sa kanya. Sumandal na din ako sa pader at tumingala sa langit.

"Sino siya?" Muli kong tanong ng hindi tumitingin.

"What do you mean?" Bulong niya.

Napasulyap ako sa kanya. Nakatingala pa din siya at nakatitig sa langit.

"That girl.. Yung girl na tinutukoy mo sa kanta." Nakangiting sabi ko.

Mabilis siyang nagbaling sa akin ng tingin. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata. Yung tingin na parang binabasa ang isip ko.

"Why?" Seryosong tanong niya.

"Anong why?" Napakunot noo ako.

"Why do you want to know?"

"Huh? Bakit? kailangan ba talaga ng rason sa bawat tanong ko? Kung ganon. Bakit di ka na lang kaya mag Lawyer kung laging valid reason ang hanap mo." Sarcastic na sabi ko.

Nagbuntong hininga lang siya. Nag alis siya ng tingin sa akin saka ipinikit ang mga mata.

"I once been inlove." Pagsisimula niya.

Natahimik ako. Hindi na ako nagsalita pa at pinakinggan ko na lamang siya.

"That's way back then. 5 years ago." Dugtong niya pa.

"I've been in love with a girl that can't never be mine."

Natigilan ako sa sinabi niya. Muli akong napasulyap sa kanya. Nakatingin siya sa langit pero kitang kita ko yung lungkot sa mga mata niya. Punong puno ng loneliness at pasakit.

"I tried my best to move on. But everytime I see her. The pain comes again. So I decided to go to Paris and drop out in this school" Malungkot na sabi niya.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Feeling ko parang ang bigat bigat talaga ng nararamdaman niya. Kasi kung nakamove on na nga siya dun sa babae, dapat hindi na siya kumanta pa kanina ng ganon hindi ba? Siguro nga mahal talaga niya to. Dahil hanggang ngayon nga eh hindi pa din niya nakakalimutan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I reach for his hand. Hinawakan ko yung kamay niya at pinisil. Walang malisya, gusto ko lang naman na maramdaman niya ang simpatya ko at ang presence ko.

Humarap siya sa akin. Muli niya akong tinitigan sa mga mata.

"A-Amber.. Would you be.. my friend? Just this moment. Can you be?" Mahinang sabi niya.

Tumango lang ako saka matipid na ngumiti. Maya maya pa nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin at..

Yakapin.

My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon