A/N: This will be the last pov of Ken before their separations. Lol XDD
(Click for the music at the side)
I would by: Henry Lau
Chapter 71
Ken's Pov
"Tukneneng Kenmark! Hanggang kelan mo ba balak maglasing dito?!" Sigaw ni Jasper sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa isang sulok ng bar at umiinom kahit hapon pa lang. Wala pang gaanong tao. Karamihan din ay mga kumakain lang ang nandito. Parang restaurant din kasi ang style nitong bar. Bukod doon ay slow lang din ang music. At bullshit lang dahil tugmang tugma ang mga kanta sa sawing puso ko. Bwisit.
Ginulo ko ang buhok ko at tumingin ng masama kay Jasper. "Kung napapagod ka ng samahan ako. Pwede namang iwan mo na lang ako dito at humanap ka ng ibang pagkakaabalahan dyan eh." Bulyaw ko out of frustrations. Napatingin tuloy sa amin yung mga nasa kabilang table. Pinandilatan ko lang silang lahat. Tangna nagiging warfreak na ko dito ah.
"Gago ka ba?! Sa tingin mo naman sa akin? Pababayaan ka dito? Baliw ka rin kasi eh! Bakit ba hindi mo sinabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit hindi mo pwedeng icancel ang arrange marriage na yan! Pootek kasing pamilya niyo. Ang makaluma. Sinaunang panahon pa yan eh!" Litanya ni Jasper sa akin. Sa totoo ilang beses na niyang nasabi sa akin yan. At sa totoo din ay hindi ko nga sinabi ang tunay na rason kay Amber kung bakit hindi ko siya magawang ipaglaban. Naisip ko rin naman kasi. Wala ng dahilan para sabihin ko. Tutal wala rin naman kaming mapapala eh. Bakit pa ba ako magpapakahirap para magexplain at magdahilan? Lalo lang kaming mahihirapan pag ginawa ko yun. Saka ang isa pa. Ayokong ako pa ang maging hadlang para sa kasiyahan at ikabubuti niya. Mas mabuti pa nga yun eh. Magalit na lang siya sa akin at kalimutan ako. Tutal wala rin naman akong kwenta. Saka para hindi niya na ako isipin pa at umasa. Kahit masakit sobrang sakit. Sigurado naman akong makakaya ko yun. Lalo na kung para sa kapakanan ng babaeng mahal ko.
Nanatili lang akong tahimik at ganun din naman si Jasper. Hindi na siya umimik pa pagkatapos ng paulit ulit niyang litanya. Ilang sandali pa ay dinukdok ko na ang ulo ko sa lamesa. Nakadalawang bote pa lang ako ng beer pero parang umiikot na ang paningin ko.
Maya maya pa ay parang napabalik ako sa katinuan ng tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha sa bulsa ko. Kinusot ko ang mata ko at unti unting binasa ang text.
From: Dana
'Ate Amber is now leaving. Pupunta na sila sa states at doon titira. Six pm will be their flight.'
Natigilan ako at natulala matapos mabasa ito. Parang bigla ding tumigil sa pagtibok ang puso ko. Aalis sila? Pupunta sa states at doon titira? Pinilig ko ang ulo ko at ilang beses humugot ng malalim na hininga. Sinilip ko ang wrist watch ko. It's already three in the afternoon! May three hours pa ako para sundan at pigilan si Amber. Napalunok ako. Hinarap ko si Jasper at pilit pinatatag ang sarili.
"P-pahiram ng kotse." Nanginginig na sabi ko. Ginawa ko ang lahat para mapigilan ang pagkabasag ng boses.
Napakunot lang ng noo si Jasper. "Huh? Baket naman?" Dahan dahan niyang kinuha ang susi sa bulsa niya. "San ka ba pupunta? Loko kabibili pa lang ng kotse ko. Samahan na kita. San ba---"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Hinablot ko na kaagad yung susi sa kanya at sumigaw ng. "Babayaran ko na lang kotse mo pag nasira!" Bago tuluyang tumakbo palabas ng bar.
"Hoy gago ka talaga Kenmark!!!" Pahabol na sigaw pa niya pero hindi ko na pinansin.
Tumakbo ako papunta sa parking lot at hinanap ang sasakyan ng kupal na si Jasper. Wala kasi akong tiwala sa driving skills ni Jasper kung sinama ko siya. Baka abutin kami ng bukas sa sobrang bagal. Buti na lamang at marunong ako magdrive. Naturuan din kasi ako ni Tita nung last na bakasyon. Dahil nga balak nilang bigyan na ako ng sariling sasakyan ngayon college, malayo na kasi ang school mula sa bahay.
BINABASA MO ANG
My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'
Romance˜What if they're not destined to each other in the present time? ˜Do you think in the future their love will bring them back together? ˜Or it's just their fate who brings them back with each other? ********* The story revolves around a childhood bes...