Chapter 63

133 4 4
                                    

Chapter 63

Nakarating kami sa malaking private pool kung nasaan sila Kuya. Konti lang ang mga nagswiswimming pero kapansin pansin na karamihan sa kanila ay may lahi. Foreigner kumbaga. Maririnig mo kasi sa accent ng pagsasalita nila. Maliwanag sa paligid ng pool. May maliit na bar dito at maliwanag ang ilaw na nasa magkabilang gilid. Meron ding beach dito sa Pangasinan pero mukhang mas dinadayo ngayon ang mga resort na katulad nito.

Lumapit kami sa kinauupuan nila Kuya. Nagtatawanan sila at masayang nagkukuwentuhan. Sinalubong kaagad kami ni Dana at Jasper ng makalapit kami. Nakashirt din si Dana samantalang si Jasper naman ay nakatrunks na lang.

"Sinamahan ko si Kuya Jasper.. may kinuha lang saka nagbihis na din ako." Sabi ni Dana. Napatango lang ako ng maalala na wala nga pala siya kanina nung nagbihis kami.

Maya maya pa ay nagkayayaan na para mag swimming. Nanguna si Jhen at Drake na tumakbo sa pool. Napanganga lang ako ng makita na nakashorts lang si Drake. May abs din pala siya? Akala ko kasi wala.. err. Sumunod sa kanila sila Dana na nagtanggal na din ng shirt. Si Arnold at Jasper naman ay tumalon na din sa tubig. Naiwan kami nila Kuya, Rachelyn, Nica at Ken. Naglakad na din kami dun papalapit. Tinignan kong mabuti yung pool at napakagat ng labi. Ang linaw ng tubig, nagrereflect yun sa ilaw at sobrang nakakatempt magswimming.

Lumapit sa akin si Nica at Rachelyn. Si Ken naman at Kuya ay pumunta na dun sa kabila at nauna ng magtanggal ng damit. Tinitigan ko lang si Ken habang tinatanggal niya ang shirt niya. Kitang kita ko ang pagsinghap ng mga babae sa kabilang side habang pinapanood sila. Nanigkit ang mga mata ko. Anong tingin nila dito? Live show? Mabilis na natanggal ni Ken ang shirt niya at tumambad ang six pack abs niya. Lalong nanlaki ang mga mata ng mga babae sa kabilang side. Napamura ako sa isip. Bwisit talaga. Kaya ayoko ng night swimming eh. Kahit pala sunset o ano, ayoko! Kasi nga may ganto! Pakshet. Kulang na lang dukutin ko yung mata ng mga malalanding babaeng yun.

"Easy Amber.. mabuti pa mag enjoy na lang tayo. Huh." Kalmadong sabi ni Nica sa tabi ko. Nagsalubong lalo ang kilay ko. Easy?! How can I be easy kung alam kong may ibang nagnanasa sa boyfriend ko?! Damn it! At bakit si Nica parang wala lang kahit pa nakikita niyang pati si Kuya ay pinagnanasahan na din?

Nagbaling ulit ng tingin sa akin si Nica at parang nagets naman niya ang iniisip ko. "Hindi nila makukuha ang dalawang yan sa tingin Amber.. so no worries." Sabay smirk na sabi niya. Napabuntong hininga ako. Oo nga naman at hindi nila makukuha lang sa tingin. Pagnasahan nila at maglaway sila hanggat gusto nila! Pero hindi nila makukuha si Ken! Never!

Naunang magtanggal ng damit si Rachelyn at napaawang na lang ang bibig ko ng makita ang swimsuit na suot niya. Black swim suit na lalong nagpaputi sa maputing kutis niya. Bumagay rin ito sa hubog ng kanyang katawan. Napangisi ako at dahan dahang tumingin kay Arnold. Nasa gilid siya ng pool at nakakapit dito para hindi tuluyang lumubog sa tubig. Titig na titig lang din siya kay Rachelyn na kulang na lang ay malusaw ito kasabay ng malaking pagnganga niya. Lalo akong napatawa. Tawa na may halo ng tunog. Napasimangot lang si Rachelyn at humalukipkip. Nagtanggal na lang din ako ng damit habang naiiling pa. Una kong tinanggal ang shirt ko. Kasunod ay ang shorts ko ng biglang magsalita si Nica.

"And that's what you called.. 'extreme hot," Sabay wink sa akin at talon sa tubig.

Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Extreme hot? I know right. My goodness. I feel like blushing and shivering all over my veins and body. Ngumisi lang si Rachelyn sa akin saka nauna ng tumalon sa pool. Nagbalik ako ng tingin kila Arnold, kasama niya na ang ibang boys. Ngayon ay sa akin na sila nakatingin at pare parehas nakabig 'O' ang bibig. Samantalang si Ken naman ay nakatitig lang sa akin ng matalim na naging dahilan upang bumilis ang pintig ng puso ko. Nawala na ako sa katinuan at dali dali na lang tumalon sa tubig.

My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon