Chapter 59

132 1 0
                                    

A/N: Nagkamigraine ako kaya hindi ako nkkapag ud. Pero sa totoo lang kating kati na talaga ako magtype. Pinipigilan ko lang. HAHAH. At pinag isipan ko talaga to. Ang hirap ah. Feeling ko kumulot ang pilikmata ko. XDD

Chapter 59

#Treat him as a boyfriend

Sinamaan ko ng tingin si Ken ng makita ang nakakaloko niyang ngiti. Kulang na lang saksakin ko na siya ng hawak kong tinidor sa asar ko. Kasalukuyan na kaming naghahapunan ngayon sa dinning area ng bahay. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nga nawawala ang ngisi sa mukha ni Ken, pati ang mga makahulugan na tingin nila Rachelyn at Nica. Samantalang si Jhen naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso sa hindi ko malamang dahilan. Ewan. Ang weird. Dapat nga ako pa ang mahiya eh. Maabutan ba naman kami ni Ken sa ganung posisyon diba? Awkward. Pakiramdam ko tuloy ay uminit na naman ang pisngi ko ng maalala yun. Nakakahiya. Ang epic. Kahit pa sabihing wala naman talaga kaming ginagawa ni Ken but still! Naabutan nila kami sa ganung posisyon at worst ay nakatapis lang ako ng tuwalya. Ugh.

Natapos ang hapunan namin na hindi ako umiimik. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong sabihin. Lalo na kila Nica. Kailangan ko ba mag explain? Pag ginawa ko naman yun, baka isipin nila ang deffensive ko? Tss. Bahala na nga.

Pumunta kami sa garden na nasa likod ng bahay pagkatapos. Naglabas ng inumin si Kuya at kung ano ano pang pulutan. Magkakasama silang mga lalaki na nagpunta dun sa kabilang dulo ng garden while kaming mga babae ay dito tumambay sa may duyan. Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Napupuno nga din ng mga bituin ang langit. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang tagal ko na rin simula ng makabalik ulit dito.

Umupo ako sa may duyan at pinagmasdan ang paligid, tumabi naman si Nica sa akin at ngumiti. Si Jhen ay naupo sa mahabang kahoy na upuan na nasa tapat namin. Samantalang si Rachelyn naman ay nakatayo lang at nag uunat. Maya maya pa napukaw ang atensyon namin ng lumabas ng bahay si Dana na may dala dalang gitara at nagtatakbo papunta dun sa mga lalaki. Napailing na lang ako. Talaga tong si Dana, saan naman kaya niya nakuha yung gitara na yun?

"San nga pala si Kc? Iniwan niyo?" Basag ni Rachelyn sa katahimikan. Napaangat ako ng ulo at ngumiti sa kanya bago umiling.

"Nasa Korea siya, kinuha ng parents niya."

Napatango lang si Rachelyn. Tapos ay biglang nagsalita si Jhen na ikinagulat ko.

"T-Talaga? Ang nice naman! Korea pa talaga!" Bakas sa boses niya na pinipilit niyang maging normal katulad ng dati. Ngumiti siya ng tipid pero parang napipilitan.

Biglang tumikhim si Nica kaya napabaling kami ng tingin sa kanya.

"Dun na ba titira si Kc sa Korea?" Tanong niya.

Nag shrug ako. "Not really sure." Di ko naman kasi talaga alam since biglaan lang ang pagkuha ng parents ni Kc sa kanya.

Nag nods na lang din si Nica at tumingin na kay Jhen. "How about you Jhen? Care to tell us, what's your up to?"

Napaubo ako sa ginawa ni Nica. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko. Dala rin siguro ng pagkagulat. Kung minsan kasi may pagka straightforward talaga si Nica. And I hate it. I hate it kapag ganyan siya. Di ko din alam kung bakit pero ayoko lang talaga. Pati si Jhen ay nanlaki ang mata. Hindi kaagad siya nakasagot at parang nag isip muna.

"A-ano bang i-ibig mong sabihin?" Stummering. Kitang kita sa mukha ni Jhen ang pagkabalisa niya. Mabilis siyang nag iwas ng tingin kay Nica.

Napatingin ako kay Rachelyn para malaman kung anong reaksyon niya. Nakakunot lang din ang noo niyang nakatitig kay Jhen. Katulad ko, mukhang naguguluhan din siya.

"I know there's something that your hiding. It's written all over your face girl." Sagot naman ni Nica. Nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon