Chapter 47
Rachelyn's Pov
Seriously. I really don't know kung baket meron akong POV dito? =__=
Hindi naman sa ayoko. Pero gusto ko kasi ako na ang bida!
Aaahck. EME lang! ^0^
Anyway ano ba nangyari? Bakit bigla na lang tumakbo si Nica pababa ng STAGE? Wag niyong sabihing..
Napatayo ako sa upuan.
Sinundan ko ng tingin si Nica.
Tumakbo siya papunta sa likod ng school kung saan walang tao.
Susundan ko na sana siya ng mapansin si Jake na nauna ng sumunod sa kanya. Si Jake yung nakatatandang kapatid ni Amber. Patakbo itong sumunod kay Nica.
Nakahinga na ako ng maluwag. Siguro naman hindi siya pababayaan ni Jake? Ayoko namang sumunod na dun. Baka lalong maghinala ang mga tao. Bukod dun, baka mawala pa sa focus si Amber. Nag iba na kasi yung aura niya sa stage eh. Hindi na siya mapakali. Mukhang nag aalala din siya kay Nica. Tsk. Kasalanan ko to eh, dapat pala hindi ko na siya pinilit pang maging substitute vocalist.
Bumalik na ako sa pagkakaupo ko. Nagulat na lang ako ng si Jhen naman ang tumayo. Mabilis ko siyang pinigilan sa braso.
"San ka pupunta?" Tanong ko.
"Susundan ko siya bebe! Si Nica. Baka ano na nangyari dun." Nag aalalang sabi niya. Hindi na rin siya mapakali.
Pinaupo ko siya ulit. Tinap ko siya sa balikat.
"Hindi na kailangan beh. May kasama na siya. Wag kana mag alala. Kapag umalis din tayo at sumunod dun baka lalong mag alala si Amber. Tignan mo nga, hindi na siya mapakali sa stage." Mahabang sabi ko saka tinuro si Amber na nasa stage.
"Pero bebeh! Baka mapano yun." Nag aalalang sabi pa din niya.
"Nu ka ba! Pag sumunod ka dun sa tingin mo magugustuhan yun ni Nica? Saka okay lang yun. Magtiwala ka lang. Malakas ang pakiramdam ko. Seryoso Jhen, hindi ka kailangan dun. Makakaistorbo ka lang"
Napataas siya ng kilay.
"Makakaistorbo?" (~_^)
Nag nods ako. "Basta. Wag ka na magtanong!" (+__+)
Nag heaved a sigh siya tapos humarap na din sa stage.
Si Justine na pala ngayon ang nasa gitna ng stage. Hindi ko na gaanong maintindihan yung sinasabi niya eh. Masyado ng maingay. Mas nangingibabaw kasi yung tilian ng mga babae.
"KYAAAAAHHHH FAFA JUSTINEEEEE"
"ANG HOT HOT MOOO"
"BE MINEE"
Tilian ng mga nagkukumpulang babae di kalayuan sa amin. Seryoso, bakit ba ganyan sila makareact? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Psh. Akala mo naman artista yung pinapanood nila.
Napalingon ako sa stage ng magsalita ulit si Justine.
"So guys we're sorry for the inconvenience. From now ako na muna ang mag eentertain sa inyo. Well guys let's put it on this way. Since late na din at Christmas eve naman. What do you want us to do for your gift this Christmas Eve?" Asked Justine sa mic habang nasa gitna ng stage.
Muli na namang nagtilian ang mga tao. Tapos may isang bading ang tumayo sa kinauupuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa stage.
Hinablot niya yung mic ni Justine.
"GET YOU'RE CLOTHES OFF! WILL TAKE IT AS A GIFT! KYAAAAAHH!!" Malakas na sigaw niya na may kasama pang tili. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao at naghiyawan.
BINABASA MO ANG
My Violent Bestfriend/Girlfriend 'FIN'
Romance˜What if they're not destined to each other in the present time? ˜Do you think in the future their love will bring them back together? ˜Or it's just their fate who brings them back with each other? ********* The story revolves around a childhood bes...