Chapter 1: Simula

50 8 2
                                    

BATA pa lang nang mamatay ang mga magulang ni Larexson. Pinatay ito ng mga Aswang noong araw na sumugod ang mga ito sa Baryo nila. Mabuti na lamang at nailigtas siya ng kahit Lolo na siya namang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya.

Habang lumilipas ang panahon, nagbibinata na ito at dumadami ang kaalaman sa mundo.

"Lolo, bakit ho hindi kayo manggamot ulit? Gaya ng ginagawa n'yo dati. O kaya naman, sabihin n'yo nalang sa 'kin kung paano magkaron ng Mutya. 'Yong gaya rin ng mga kinikkwento n'yo sa akin dati. Grabe, ang astig talaga no'n, Lolo. Ang sarap siguro magkaroon ng Mutya." mga wika ni Larexson na katatapos lamang magbuhat ng mga kahoy na pinulot pa niya sa kakahuyan.

Habang ang kaniyang Lolo naman na si Ceferino ay nag-iinit ng Tubig na may talbos ng Bayabas.

"Tigilan mo nga ako, Larexson. Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo," sambit ng kaniyang Lolo.

"Rex nalang kasi, Lo. Masyadong mahaba 'yong Larexson eh. Sige na po kasi, turuan n'yo na 'ko kung pano magkaron ng Mutya. O kaya naman, kahit manggamot nalang."

"Hay naku! Magtigil ka na nga riyan sa pangarap mo at hinding-hindi iyan mangyayari. Ang mabuti pa, umigib ka na lamang ng tubig doon at ako ay maliligo. Sige na, kumilos ka na at pagkatapos no'n ay kakain na tayo." wika ni Ceferino.

Lihim namang nasaktan ang damdamin ng Binata sa mga itinuran ng kaniyang Lolo na huwag na siyang mangarap na maging Manggagamot o magkaroon ng Mutya. Ewan niya ba, pero iyon talaga ang hilig niya.

Siguro ay dala na rin ng mga ikiniwento ng Lolo niya noong Bata pa siya. Nakakahanga naman kasi ang mga karanasan at kakayahan ni Ceferino noong kabataan pa nito at nang may tinataglay pa itong Mutya. Kaya marahil ay nais niya rin maging kagaya ng kaniyang Lolo.

Napakamot nalang siya ng ulo, "Lolo naman eh," wika nito at binitbit na ang dalawang baldeng paglalagyan niya ng Tubig.

Sinundan nalang siya ng tingin ni Ceferino at bumuntong hininga. Gusto niya man ibigay ang nais nito ngunit natatakot siya na baka ikapahamak lang ito ang kagustuhan nitong magkaroon ng Mutya. Kung kaya't kahit masakit man sa kaniya na nakikitang malungkot ang Apo ay kailangan niyang tiisin.

Samantala, habang naghihitay si Larexson na mapuno ng Tubig ang kaniyang timba ay bigla na lang itong tinabig ng isang binata roon na sisiga-siga sa lugar nila.

"Teka sandali lang, Fredo. Wala namang ganiyanan, nauna ako sa 'yo eh." sambit ni Rex.

"Eh ano naman? Eh nagmamadali ako eh. Tabi nga d'yan, haharang-harang ka!" mayabang na saad ni Fredo na bahagya pang tinulak si Larexson.

Hindi nalang kumibo ang Binata. Hindi siya mahilig sa gulo kaya hindi siya pumapatol tuwing gano'n ang inaasta ni Fredo.

Ilang-saglit pa, isang babae ang dumating at tinabig rin ang timba na sinasahod ng sigang si Fredo.

"Hoy ano ba! Hindi mo ba nakikitang sumasahod pa ako, ha?" asik ni Fredo.

"Eh ano naman? Eh nagmamadali ako eh." sagot ng babae na ginaya ang sinabi ni Fredo kanina.

"Nang-iinsulto ka ba, ha? Hindi mo ba kilala kung sino ako? Bago ka lang siguro dito kaya hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sa 'yo. Hoy babae, baka magsisi ka lang!" pagyayabang na sagot ni Fredo.

"Grabe natakot naman ako. Huh! Nakakatawa ka!" sambit pa ng babae na tila hindi man lang natitinag sa mga binitawang salita ni Fredo.

Inis na inis na si Fredo. At sa inis nito ay sinampal niya ang babae, ngunit nagulat siya ng mahawakan ng babae ang kaniyang kaliwang kamay na ginamit niya sa pagsampal sana rito.

"Ang ayuko sa lahat, ay 'yong hinahawakan ang mukha ko!" sambit ng babae at saka malakas na sinipa ang harapan ng lalaki.

Napapilipit naman sa sakit si Fredo. Pakiramdam nito ay mawawalan na siya ng ulirat dahil doon.

Ang Mutya Ni LarexsonWhere stories live. Discover now