Part2: C-8 (Pag-asa)

14 4 0
                                    

Nang makauwi si Larexson sa kanilang bahay, nagtaka siya dahil masyadong tahimik ang paligid. Tila hindi siya sanay na na ganoon ang sitwasyon. Nilibot niya ang buong bahay ngunit wala talaga. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. Naalala niya si Pablo, paano kung kinuha nito ang kaniyang mag-ina? Paano kung sinasaktan na nito si Magda at Kenzo? Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ni Larexson.

Ilang-oras pa siyang naghintay dahil baka may pinuntahan lang ang mga ito. Pero hanggang sa gumabi na ay hindi pa rin dumadating ang mga ito. Nag-aalala na talaga siya. Hindi na siya mapakali. Lakad dito lakad doon na ang kaniyang ginagawa. Hindi niya naman alam kung saan siya pupunta dahil hindi niya rin alam kung nasaan ang mga ito.

Ilang-saglit pa, habang naghihintay siya sa may tapat ng pinto, ay may isang tao ang biglang sumulpot sa harapan ng gate ng kanilang bahay. Nagtaka si Larexson, saglit niya pa itong tinitigan, pagkuwa'y may bigla na lang itong binatong papel na binilog bilog pa. Pagkatapos ay umalis na rin.

Dinampot naman ni Larexson ang papel na iyon at tiningnan kung ano ang nakasulat. At nagulat siya sa laman ng sulat na iyon. Nakasaad doon ang sulat na galing kay Pablo, na kung nais pa daw ba niyang makita ng buhay ang kaniyang mag-ina ay pumunta lamang siya sa lugar na sinabi nito sa sulat. Napayukom ng kamao si Larexson, kung babasaging baso lamang ang papel na iyon malamang ay nabasag na dahil sa tindi ng pagkayukom niya sa kaniyang kamao. Tama nga ang kaniyang hinala, hawak nga ni Pablo ang kaniyang mag-ina.

Nang gabi ding iyon ay agad na siyang naghanda ng mga gamit na dadalhin niya. Kasama na roon ang baril na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Lolo noon na hindi niya rin nagamit noong una silang nagharap ni Pablo. At syempre ang kaniyang hawak na Mutya, ang Mutya ng ngipin ng kalabaw. Hindi na siya halos nakatulog nang gabing iyon dahil sa labis labis na pag-aalala sa mag-ina niya.

Kinabukasan. Dumaan muna siya sa puntod ng kaniyang Lolo at doon ay humingi ng gabay.

"Lolo, sa labang ito, sana kasama pa rin kita. Gabayan n'yo ho sana ako sa pangalawang laban namin ni Pablo." wika ni Larexson sa harap ng .puntod ng Lolo. Pagkatapos niya doon ay dumiretso na siya sa lugar kung saan sila magkikita ni Pablo na batid niya ring naroon ang kaniyang mag-ina.

Makaraan ang ilang-oras, narating na rin niya ang lugar na sinabi ni Pablo sa sulat. Isa iyong abandonadong lugar, sa loob niyon ay may malaki at lumang bahay.

Saglit muna siyang tumigil, pagkuway hinawakan ang kaniyang Mutya na nakasabit sa kaniyang leeg na ginawa niyang kwentas.

"Ikaw na ang bahala sakin, gaya ng hiling ko kay Lolo, patnubayan mo rin sana ako. Ikaw at ang aking pamilya lamang ang aking lakas, makisama ka sana sa labang  ito. Samahan mo akong iligtas ang mag-ina ko." bulong ni Larexson sa kaniyang Mutya na animoy tao na kinakausap. Ilang-sandali pa ay pumasok na rin siya sa abandonadong lugar na iyon.

Samantala. Nakakulong sa isang bakal na kulongan sina Magda at Mayleen na animoy para silang mga preso na naka bilanggo.

"Isa ka rin palang Abwak, katulad ka rin pala ni Pablo." pagbasag ni Mayleen sa katahimikan nilang dalawa. Nagulat talaga siya sa mga rebelasyong naganap.

"Oo, patawad kung hindi ko agad sinabi sa 'yo." sagot ni Magda.

"Ayos lang, hindi mo naman responsibilidad na sabihin ’yon sakin, eh." ani Mayleen.

. "Galit ka ba sakin, Mayleen?" biglang tanong ni Magda nang tumahimik na naman sila.

"Kasi...baka iniisip mo na, kasalanan ko kung bakit hindi ka magawang mahalin ni Pablo, dahil magpasa hanggang ngayon, gustong-gusto niya pa rin akong makuha. Pero maniwala ka, walang namagitan samin. Kahit kailan hindi ko siya minahal at mamahalin, dahil si Larexson lang ang tanging na sa puso ko." paliwanag ni Magda.

"Alam ko naman 'yon eh, hindi mo kasalanan  ’yon. Kasalanan ko rin naman kung bakt ako nasasaktan ng ganito. Dahil masyado akong umasa na magbabago pa sya. Masyado akong nagpa-alila sa pag-ibig kosa kaniya.Kaya kasalanan ko rin. At saka, patawarin mo ko, ha? Kasi kung hindi dahil sakin wala ka sana rito, hindi ko naman kasi alam na ito pala ang plano niya." mangiyak-ngiyak na wika ni Mayleen.

"Magda, kung anuman ang mangyari sakin dito, ikaw na sanang bahala sa anak ko ha? Kahit na may dugo siya ni Pablo, sana mahalin mo pa rin siya na parang tunay mo ring anak." at doon na nga tuloyang bumuhos ang mga luha ni Mayleen.

"Ano bang sinasabi mo, Mayleen? Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan, makakaalis tayo rito. Darating si Larexson, naniniwala akong ililigtas niya tayo. Walang mangyayaring masama, ok? saad ni Magda at hinawakan ang mga kamay ni Mayleen. Ramdam niya kasi ang takot na nararamdaman nito.

Aminado rin siyang natatakot siya, ngunit hindi para sa kaniya, kung 'di para sa kaniyang anak na ngayon ay na sa katabi niya lang at takot na takot rin.

Pinadukot kasi ito ni Pablo sa kaniyang mga alagad na abwak sa eskwelahan kasama na rin si Carlo.

"Umalis na po tayo dito, Inay. Ayuko na dito natatakot po ako. Mga halimaw po yong mga lalaking kumuha samin ni Carlo, nakita ko po na bigla silang lumusong sa ilalim ng lupa, tapos humaba po ang mga kuko nila. Ano po bang ibig sabihin non, nay? Mga halimaw po ba sila? Kakainin po ba nila tayo?" naiiyak na saad ni Kenzo. Bagamat may pagka-matured nga mag-isip ay hindi niya pa rin maiwasan ang magtaka at matakot sa mga nilalang na nakita niya, na ang hindi niya alam ay kauri niya rin.

"Huwag kang mag-alala, anak. Makakaalis rin tayo rito,  magtiwala ka lang sakin at sa papa mo." wika ni Magda.

"Darating po ba si Itay"

"Naniniwala akong darating siya, hindi niya tayo pababayaan." niyakap na lang ni Magda ang anak para maiparamdam na mahal na mahal niya ito. Samantalang si Mayleen at Carlo naman ay ganoon din.

Ang Mutya Ni LarexsonWhere stories live. Discover now