Part2: C-6 (Bihag)

10 3 0
                                    

"Oh, Mayleen. Bakit ka naparito?" masayang bungad ni Magda sa kaniyang kaibigan nang kumatok ito sa pintoan. Inalok niya pa itong pumasok ngunit tumanggi ito.

"Uhm, naparito lang ako kasi... hindi ba sabi mo gusto mo'ng makilala ang Ama ng anak ko, si Pablo?" wika ni Mayleen.

"Oo sana, pero bakit mo naitanong?" sagot ni Magda.

"Kasi...uhm. Nabanggit ko sa kaniya na gusto mo siyang makausap, maswerte na nga lang at napapayag ko siya. Naisip ko rin kasi ba baka Tama ka, na baka kapag nakausap mo siya ay magbago siya, magbago 'yong pakikitungo niya sa'min. Kaya kung pwede sana, sumama ka sa 'kin para magkita kayong dalawa at magkausap." saad ni Mayleen na parang naiilang. Na agad din namang napansin ni Magda.

"Natutuwa akong marinig 'yan pero, gusto ko kasi sana na isama ang Asawa ko, si Larexson. Kaya hindi ko sigurado kung ---"

"Sige na, Magda. Hindi ba gusto mo na magkaayos kami? Ito na 'yon, ito na 'yong pagkakataon natin para matulongan mo ako na maging maayos kami. At saka, hindi ba mamayang hapon pa ang dating na Asawa mo? Alam mo kasi mainipin kasi 'yon si Pablo, ayaw niya ng naghihintay ng matagal. Kaya sana pagbigyan mo na 'ko. 'Di ba magkaibigan naman na tayo? Alam mo naman kung gaano ko ka gusto na magbago ang turing at pakikisama niya sa 'kin at sa anak ko, 'di ba?" hindi na napigilan pa ni Mayleen ang lumuha sa harap ng kaibigan dahil sa dalawang dahilan.

Lumapit naman si Magda rito at hinawakan ang mga kamay nito, "Huwag ka ng umiyak, sige sasama na 'ko. At aayusin natin ang pagsasama n'yo ni Pablo." nakangiting wika ni Magda.

Napangiti naman si Mayleen dahil roon, ngunit 'di kalaunan ay napaiyak rin siya. Patawarin nawa siya ni Magda sa kaniyang gagawin.

___________________________

Dinala ni Mayleen si Magda sa isang abandonadong lugar----na parang roon itinatapon ang lahat ng mga basura sa Lugar na iyon.

"Uhm, Mayleen. Bakit dito tayo pumunta? Ano ba'ng lugar 'to? Sigurado ka ba na dito gustong makipagkita ni Pablo? Baka naman naliligaw lang tayo." nagtatakang saad ni Magda habang inililibot ang paningin sa paligid.

Nakararamdam din siya ng kakaiba na para ba'ng may hindi magandang mangyayari. Wala namang kibo at sagot doon si Mayleen. Magsasalita sanang muli si Magda para yayain na si Mayleen na umalis doon ngunit isang lalaki ang lumabas mula sa isa sa mga nakatambak na basura na kanina pang nagtatago roon.

"Pablo?" bulalas ni Magda.

"Halika na, Mayleen. Umalis na tayo rito!" pilit na hinihila ni Magda ang kamay ng kaibigan para umalis ngunit hindi ito sumasama, bagkus ay umiyak lamang. Doon napagtanto ni Magda na tama nga ang kaniyang hinala. Iisa lang ang Pablo na kilala nila ni Mayleen.

"Nagkita ulit tayo, pinakamamahal kong Magda." nakangising saad ni Pablo habang unti-unting lumalapit sa kanila.

"Napakasama mo talaga! Pati si Mayleen dinadamay mo sa mga kasamaan mo! Ginamit mo pa s'ya para mapapunta ako rito!" matapang na asik ni Magda.

"Bakit ako lang sinisisi mo? Ginusto n'ya rin 'yon, ginusto niya na dalhin ka rin dito. Para maging kapalit ng buhay nila ni Carlo."

Napatingin si Magda sa kaibigan, "Totoo ba 'yon? Ginawa mo ba talaga 'yon?" saad niya.

Tumango naman si Mayleen na patuloy pa rin sa pagluha. Masakit marinig sa kaniya na ang mahal pala ng lalaking mahal niya ay ang kaniyang kaibigan. Kaya pala hindi siya nito magawang mahalin. Pero gayunpaman ay wala siyang anumang sama ng loob kay Magda dahil hindi naman nito kasalanan na mahal ito ni Pablo.

"Patawarin mo ako kung nagawa ko 'yon sa 'yo, sana mapatawad mo 'ko." ani Mayleen.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, hindi mo kasalanan 'yon." saad ni Magda na lumapit lalo kay Mayleen.

"Dapat na ba akong maiyak?" nang-iinsultong wika ni Pablo at saka nagbitaw ng malakas na pagtawa, na lalong ikinainis ni Magda.

"Alam mo, Magda. Hindi naman natin 'to kailangan pang patagalin, sumama ka lang sa 'kin at tatahimik ang mga Buhay nila! Hindi mo kailangan ang Larexson na 'yon, hindi natin siya kauri. At 'di hamak naman na ma's magaling ako sa kaniya!" wika ni Pablo.

DAHIL sa inis ni Magda sa kanina pang nang-iinsultong si Pablo ay hindi niya na napigilan pang magsalita.

"Talaga? Ma's magaling? Kaya pala natalo ka lang n'ya noon! At isa pa, huwag na huwag mo'ng ikukumpara si Larexson sa'yo, dahil sa ugali pa lang, napakalayo niya na sa'yo! Kaya huwag kang umasa na sasama ako sa isang katulad mo! Dahil hindi ako pumapatol sa mga asal demonyo na gaya mo!" asik ni Magda na anumang oras ay handa niyang kalabanin si Pablo para maprotektahan ang kaniyang sarili at ang kaibigang si Mayleen.

DAHIL sa inis ni Magda sa kanina pang nang-iinsultong si Pablo ay hindi niya na napigilan pang magsalita.

"Talaga? Ma's magaling? Kaya pala natalo ka lang n'ya noon! At isa pa, huwag na huwag mo'ng ikukumpara si Larexson sa 'yo, dahil sa ugali pa lang, napakalayo niya na sa 'yo! Kaya huwag kang umasa na sasama ako sa isang katulad mo! Dahil hindi ako pumapatol sa mga asal demonyo na gaya mo!" asik ni Magda na anumang oras ay handa niyang kalabanin si Pablo para maprotektahan ang kaniyang sarili at ang kaibigang si Mayleen.

Tila nagpantig naman ang mga ni Pablo nang marinig ang mga salitang iyon. At dahil doon ay nanggigigil siyang lumapit kay Magda at mahigpit na hinawakan ang buhok nito.

"Ikaw na rin mismo ang nagsabi, magkaiba kami ng Larexson na 'yon. Kung kaya ka niyang respetuhin, ako hindi!" gigil na saad ni Pablo at akmang hahalikan si Magda ngunit buong-lakas nitong itinulak ang bastos na lalaki at sinipa pa sa harapan nito dahilan upang mamilipit ito sa sakit.

Wala ng sinayang pa na oras si Magda, agad-agad niyang hinila si Mayleen palayo sa lugar na iyon.

"Bilisan mo, Mayleen. Takbo lang!" saad ni Magda na patuloy sa pagtakbo.

Makaraan ang ilang-saglit, sa patuloy nilang pagtakbo ay bigla na lang natalisod si Mayleen dulot nang kung ano mang bagay na naapakan niya. Medyo malayo rin ang pagitan nila ni Magda.

"Umalis ka na, Magda. Iwanan mo na 'ko rito! Hayaan mo na 'ko! Iligtas mo ang sarili mo! Tumakbo ka na!" saad ni Mayleen na nahihirapang tumayo dahil sa sakit ng Paa na saktong tumama pa sa bato.

Hindi naman alam ni Magda kung ano ang gagawin. Kung siya lamang mag-isa ay kayang-kaya niyang tumakas mula kay Pablo. Ngunit inaalala niya si Mayleen, batid niyang kapag iniwanan niya ito ay maaari itong patayin ni Pablo.

Ilang-saglit pa, biglang lumitaw si Pablo mula sa ilalim ng Lupa na sa tapat mismo ni Mayleen at ginapos niya ang kaniyang isang kamay sa leeg ng Babae at itinutok rito ang mahahaba niyang kamay.

"Sige subokan mo'ng umalis, Magda. Dahil isang hakbang mo lang, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang Babaeng 'to!" saad ni Pablo na may pananakot.

"Huwag mo siyang pakinggan, Magda. Umalis ka na!" pagsabat naman ni Mayleen. Sinaway naman ito ni Pablo at sinabihang manahimik na lang.

"Gagawin mo ba talaga 'yan sa Ina ng anak mo Pablo, ha?!" sigaw ni Magda na patuloy pa ring nagugulohan sa kung ano ang dapat gawin.

"Wala akong pakialam! Kilala mo 'ko, Magda. Kapag sinabi ko, ginagawa ko! Kaya ngayon mamili ka, patayin ko ang Babaeng 'to, o sasama ka sa 'kin?" muling tanong ng masamang Abwak na si Pablo.

Dahil doon, wala ng nagawa pa si Magda kung 'di ang sumuko kay Pablo. Kilala niya ito, kapag may sinasabi ito ay ginagawa talaga nito. Ayaw niyang mapahamak ang kaibigan, paano na lang si Carlo kung sakaling patayin nga nito si Mayleen? Hindi kakayanin ng konsensya niya na may mapahamak na Tao dahil lang ma's inisip niya ang kaniyang sarili.

Ang Mutya Ni LarexsonWhere stories live. Discover now