Chapter 2: Gabay ng Kaibigan

54 7 0
                                    

PATULOY na naglalakbay sina Larexson at Magda patungong bundok ng Pilas. Ayon kasi kay Magda, doon nila makukuha ang Mutya na sa tingin niya ay nararapat para kay Larexson. At iyon ay ang Mutya ng ngipin ng Kalabaw.

"Handa ka na ba, Rex? Tandaan mo, may mga pagsubok kang haharapin bago mo makuha ang Mutya. Maraming mga mababangis na hayop ang nagbabantay sa Mutyang iyon. Kaya kailangan mo'ng ihanda ang sarili mo." saad ni Magda na tumigil sa paglalakad dahil na sa harap na sila ng bundok Pilas. At kunting hakbang na lang ay mapapasok na nila ito.

Napabuntong hininga si Rex. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya dahil mukha ngang hindi madali ang gagawin nila.

Napansin naman iyon ni Magda na tila natatakot o kinakabahan ang binata.

"Huwag kang mag-alala, narito lang ako sa tabi mo. Tutulongan kita. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka," saad nito na tinapik pa sa balikat si Rex.

Napalingon naman ito sa kaniya, "Salamat."

"Oh s'ya, tara na at para hindi tayo gabihin." sabi ni Magda at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman agad sa kaniya si Larexson.

Maghihigit dalawang oras na silang palakad-lakad. Napapagod na rin si Rex lalo pa't mga patag at mga lubak-lubak na lupa ang dinadaanan nila.

"Nasaan na ba tayo, Magda? Kanina pa tayo lakad ng lakad dito. Magpahinga na muna tayo, napapagod na ako eh. Ang layo na ng nilakad natin." humihingal na sambit ni Rex na napasandig na lang sa puno ng malaking kahoy doon.

"Sige, pero saglit lang ha? Hindi tayo maaaring gabihin rito." sagot ni Magda.

"Bakit naman hindi?"

"Basta. Basta hindi tayo maaaring magtagal rito. Kailangan nating makuha ang Mutya sa lalong madaling panahon, o bago magdilim o lumubog ang araw."

"Parang ang dami mo namang alam na hindi mo sinasabi sa akin. Napaka misteryuso mo. Sabihin mo nga, saan ka ba talaga nanggaling? Ba't parang ang dami mo'ng alam?" bigla na lang tuloy napatanong si Rex habang nagpapahinga.

Bahagya namang natahimik ang babae na tila naiilang sa kasama.

"Biro lang. Ito naman, sumeryuso agad." natatawang saad ni Rex.

Napabuntong hininga si Magda. "Tayo na, magsimula na ulit tayo." sabi nito at naglakad ng mabilis.

"Hoy teka lang, kapapahinga ko pa lang eh. Sandali hintayin mo 'ko.!" natatarantang saad ng binata na tumakbo na para maabutan ang kasama.

Sa ilang-minuto pa nilang paglalakad, napatigil si Larexson at napalingon sa may bandang kaliwa niya. May kung anong mga ingay kasi siyang naririnig doon na hindi naman gaano kalakasan. Lumapit s'ya roon at hinawi ang mga matataas na damo na humaharang doon. Namangha siya sa nakita.

"Magda, tingnan mo 'to." saad niya na tinawag ang kaibigan. Mabuti at hindi pa naman ito gaano nakakalayo.

"Ano ba'ng merun d'yan?"

"Tingnan mo. . ."

Maging si Magda ay napanganga rin sa kaniyang nakita. Iba't-ibang uri ng hayop na makukulay ang nakikita nila. Kung iisipin mo ay para kang na sa mundo ng mga Diwata dahil sa ganda ng lugar na iyon. May mga puno roon na kay ganda tingnan na ibang-iba sa mga puno'ng nadaanan nila. May mga paru-paro ding nagliliparan.

Humakbang sila at tuloyang pinasok ang terituryo ng mga Hayop. Napakaganda talaga. Kung titingnan mo ay parang napakaamo ng mga Hayop na naroon. Ang kanilang mga Mata ay parang nangungusap.

"Totoo ba 'tong nakikita ko? Napakaganda!" bulalas ni Larexson.

"Ito na nga iyon. Narito na tayo, Rex!" saad din ni Magda na hindi rin maiwasang mamangha sa ganda ng lugar.

Ang Mutya Ni LarexsonWhere stories live. Discover now