Samantala, marami-rami na rin ang mga napapatay na Abwak ni Larexson na mga kampon ni Pablo. Hanggang sa si Pablo na mismo ang kaniyang nakaharap. Pero sa pagkakataon na 'yon ay hindi na buo ang lakas ni Larexson para labanan ang tinuturing na Prinsipe ng mga Abwak na si Pablo. Dahil kasi sa dami ng nakaharap at nakalaban niya na aminado siyang ang iba roon ay malalakas rin kaya medyo nahirapan siya at nagtamo rin siya ng mga iilang sugat sa katawan. Pero dahil na rin sa tulong ng kaniyang Mutya at ng kaniyang lakas ng loob ay natalo niya rin ang mga ito. Ngunit tila hindi pa rin tapos ang laban, dahil marami pa siyang nararamdaman na mga enerhiya sa paligid.
"Nahirapan ka ba, Larexson? Huh! 'Yan kasi ang napapala ng mga masyadong mayayabang na kagaya mo! Sa tingin mo naman, magagawa mo kaming talunin lahat? Porke may Mutya kang hawak? Oo, alam kong may Mutya ka at alam ko rin na si Magda ang tumulong sa 'yo para makuha 'yan. Matapang ka lang naman dahil may Mutya ka, pero kung wala 'yan, alam kong hindi ka maglalakas-loob na pumunta rito, hindi ba? Nakakatawa ka!" nakangisi at tila nang-iinsulto na saad ni Pablo nang magharap sila ni Larexson.
"Eh ikaw? Matapang ka lang din naman dahil na sa likod ka ng mga alagad mo! Kaya mo nga sila tinipon rito lahat, 'di ba? Dahil takot kang harapin ako mag-isa! Hmm! Ikaw ang nakakatawa...at nakakaawa. Dahil hindi mo kayang kumilos mag-isa!" pabalik na insulto rin ni Larexson na talaga namang ikinagalit ni Pablo.
Bigla itong pumailalim sa lupa na siya namang ikina-alerto ni Larexson. Patingin-tingin siya sa paligid lalo na sa may parteng Lupa dahil batid niyang pinaglalaruan siya ni Pablo. Maya-maya pa, may biglang sumakal sa kaniya mula sa kaniyang likuran, inipit ng mga braso nito ang kaniyang leeg.
"Wala kang karapatang insultohin ako!" gigil na wika ni Pablo na patuloy pa rin sa pagsakal kay Larexson. Hindi naman siya makawala doon dahil sa lakas rin na taglay ni Pablo bilang Abwak.
Ilang-saglit pa, bigla na lang napatumba si Pablo nang may pumalo sa kaniyang batok. Dahilan upang makawala si Larexson mula sa kaniya. Paglingon ni Larexson, sumila'y sa kaniyang mga labi nang makita ang pinakamamahal niyang si Magda na agad din siyang nilapitan.
"Mabuti at ayos ka lang, akala ko kung ano ng nangyari sa inyo. Nasaan nga pala ang anak natin?" wika ni Larexson nang makalapit si Magda.
"Pinasama ko muna siya kay Mayleen para tumakas, huwag kang mag-alala dahil may tiwala ako kay Mayleen, alam kong hindi niya rin pababayaan ang anak natin. At may maganda rin akong balita sa 'yo, nagkaayos na kami nina Ama at Ina, ang totoo sila ang tumulong sa amin para makaalis kami sa kulongan na pinagkulongan sa'min. Tutulongan nila tayo, sama-sama nating haharapin si Pablo. Tatapusin na natin ito ngayon." sagot ni Magda habang inaalalayan si Larexson na makatayo.
"Mga traydor kayo! Mga wala kayong utang na loob!" asik ni Pablo sa mga magulang ni Magda na siyang pumukpok sa kaniyang likod.
"Kung ano man ang utang na loob namin sa 'yo, nabayaran na namin 'yon sa ilang-taon naming pagiging sunod-sunoran sa 'yo!" saad rin ni Sander na wala ng takot kay Pablo.
"Kung gano'n, magsama-sama na lang kayo sa impyerno!" asik muli ni Pablo na galit na galit na. Sumugod ito kay Sander at doon naglaban ang dating magkakampi. Tumulong naman si Wena, ang Ina ni Magda na labanan si Pablo.
Ngunit dahil anak si Pablo ng isa sa mga pinakamalakas na Abwak ay nahirapan pa rin ang mag-asawa na kalabanin ito. Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan. Isinangga ni Sander ang kaniyang sarili para protektahan ang Asawa sa pagsalakay ni Pablo kay Wena upang saksakan ito ng mahahaba niyang Kuko sa dibdib nito. Subali't hindi nagdalawang-isip si Sander na isakripisyo ang sarili para sa kaniyang Asawa.
Bumaon sa dibdib ni Sander ang matutulis na Kuko ni Pablo. Sumirit pa ang mga dugo nito sa kamay ng masamang Abwak.
"Amaaaaaa!" napasigaw si Magda nang makita ang mga pangyayaring iyon. Binalak niyang lumapit roon ngunit pinigilan siya ni Larexson sa hindi niya alam na dahilan.
YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AventuraIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...