Ilang-sandali pa, pumasok ulit ang mag-ina sa silid kung nasaan sina Magda. At doon ay nagkapatawaran na ang dalawang Bata, nangako na rin si Carlo kay Magda na hindi niya na aawayin pa si Kenzo, kasabay na rin ng paghingi niya ng tawad rito. Na agad din namang tinanggap ni Kenzo dahil nga sa likad rin nitong kabaitan.
Natutuwa naman si Magda nang makita ang mga kaganapang iyon, ganoon rin si Mayleen.
"Alam mo ang galing talaga ng Tadhana, 'no? Ginamit pa talaga 'yong mga anak natin para magkita tayo ulit. Gaya ng hiling ko," nakangiting saad ni Mayleen habang magkasabay silang naglalakad ni Magda palabas ng eskwelahan. Iniwan na nila sina Kenzo at Carlo sa silid-aralan ng mga ito bago sila umalis. Ayos naman na ang lahat kaya wala na silang dapat na ipag-alala sa kanilang mga anak.
"Oo nga eh. Pasensya na nga pala ah? Kasi hinusgahan ko agad ang mga magulang ni Carlo na hindi ko alam ikaw pala 'yon. Nagkamali ako. Pasensya na talaga, pero natutuwa din ako dahil nagkita ulit tayo." natatawa na saad ni Magda pero seryoso naman ito sa kaniyang sinasabi.
"Siya nga pala, matanong ko lang. Ang Ama ba ni Carlo ay 'yong lalaking ikiniwento mo sa akin noon na hindi ka kayang...uhm, pahalagahan o mahalin? Iyon ba ang Ama ni Carlo? Anong pangalan niya?" hindi na napigilan pa ni Magda na tanungin ang bagay na iyon kahit nag-aalinlangan man. Baka kasi masaktan muli ang kaibigan.
Bumuntong hininga naman si Mayleen bago napagdesisyunang sagutin ang tanong ni Magda.
HINDI pa rin mapigilan ni Magda na isipin ang tungkol sa pangalan ng Asawa ni Mayleen. Nang sabihin kasi nitong Pablo ang pangalan ng lalaking minamahal ni Mayleen ay nagulat talaga siya. Bagama't alam niyang hindi lang naman ang kilala niyang Pablo ang nagngangalan ng ganoong pangalan ay hindi niya pa rin talaga maiwasan mapaisip ang tungkol sa bagay na iyon.
"Si Pablo kaya iyon?" tanong na naman ni Magda sa kaniyang sarili na hindi talaga mapakali. Pabalik-balik lang ang kaniyang nilalakaran sa loob ng kanilang Bahay. Lakad rito lakad doon.
Nag-aalala kasi siya. Paano nga kung ang Pablo na Asawa ni Mayleen ay siya ring Pablo na kaaway nila ni Larexson? Anong gagawin niya? Batid niyang masama ang ugali ni Pablo, paano niya mapo-protektahan si Mayleen at Carlo kung sakali man?
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala ang Pablo na Asawa mo, Mayleen. Bahala na!" sambit ulit ni Magda na napagdesisyonang puntahan ang Bahay nina Mayleen. Sakto at nagbigayan sila ng address ng kanilang mga Bahay bago sila naghiwalay noong huli nilang pagkikita.
____________________________
Samantala. Hindi naman maimpinta ang ekspresyon ni Mayleen nang muling dumalaw sa kaniyang Bahay si Pablo. Alam niya na ang dahilan kung bakit na naman iyon naroon. Gagamitin na naman siya. Ngunit sa isang banda ng kaniyang Puso ay masaya siya dahil kahit na ginagawa lamang siya nitong parausan tuwing pumupunta roon ay nakikita at nakakasama niya naman kahit na sa maikling oras.
Kasalukuyan siya niyong naghuhugas ng pinagkainan ni Carlo, pinaaalmusal niya kasi muna ito bago tumungo ng eskwelahan. Hindi niya lang muna pinansin si Pablo, umupo kasi ito ng sofa at doon ay humiga na parang pagod na pagod. Hinayaan niya muna ito at ipinagpatuloy na lang ang paghuhugas.
Ilang-sandali pa, naramdaman niyang yumakap ito sa kaniya mula sa likoran at hinahalik-halikan ang kaniyang leeg. Alam niya na ang susunod niyon. Kahit ayaw niya ay wala siyang magagawa, ayaw niyang magalit ito dahil tiyak na sasaktan siya nito.
Habang patuloy si Pablo sa ginagawa sa kaniya ay bigla naalala ni Mayleen ang sinabi ni Magda. ("Hindi ka dapat nagpapakuntrol sa iba, ikaw dapat ang gumagawa ng sarili mong kwento at huwag mo hahayaan na tapak-tapakan ka ng sinuman at sirain ang iyong puri. Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo, hindi ang ibang Tao.")

YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AdventureIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...