Nang makita iyon ng dalawa ay agad-agad itong lumuhod sa harapan ni Larexson at nagmamakaawa.
"Patawarin mo kami, Rex. Napilitan lang naman kami eh, si Rigor lang ang may gusto na gawin 'to sa 'yo. Maawa ka sa'min, huwag mo kaming isusumbong kay Boss Ching, ayaw naming mawalan ng trabaho. Nakikiusap ako sa 'yo..." saad ni Ryan. Ganoon rin si Larry.
Napabuntong hininga muna si Larexson bago sagutin ang dalawa. "Wala akong balak gawin 'yon, pero kung uulitin n'yo pa 'to, ako mismo ang magtatanggal sa inyo." ani nito.
Agaran namang napatango ang dalawa. Nang makaalis na si Larexson, agad na nilapitan ng dalawa si Rigor na ngayon ay galit na sa kanila.
"Bitawan n'yo 'ko! Mga wala kayong silbi! May pag hingi hingi pa kayo ng tawad mga l*ntik kayo!" galit na wika ni Rigor. Hindi na lang umimik ang dalawa.
___________________________
Isang-buwan ang lumipas, gaya ng nais ni Larexson ay hindi na nga siya ginulo pa nina Rigor. Pero makikita mo pa rin ang galit sa mga Mata ni Rigor para kay Larexson. Naging maayos at mabuting Manager rin si Larexson, hindi niya nga binigo si Yui Ching.
Samantala. Pauwi na si Magda galing mamalengke, nang may makita siyang babaeng umiiyak Sa may tabi ng kalsada. Sa tantya niya ay kasing edaran niya lang. Hindi niya sana ito papansinin dahil unang-una ay hindi niya naman ito kilala at ayaw niyang mangialam sa kung anuman ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Ngunit tila ba may nag-uudyok talaga sa kaniya na lapitan iyon.
Inabutan niya ito ng panyo pampunas sa mga luha nito. "Uhm, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" tanong niya rito.
Napalingon ito sa kaniya, at para bang biglang nahiya. "Huwag kang mahiya, ito oh, pamunas mo. Basang-basa na kasi 'yang damit mo eh." wika ni Magda.
"Ako nga pala si Magda, Ikaw? Anong pangalan mo?" sabi niya pa ulit.
"Mayleen." maikling sagot ng babae na si Mayleen.
"Ang ganda naman ng pangalan mo. Uhm, matanong ko lang, hindi sa nangingialam ako pero...bakit ka umiiyak?" malumanay na saad ni Magda.
Napayuko naman si Mayleen, "Wala naman, nalulungkot lang ako kasi... hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko. Kahit may anak na kami, parang wala lang sa kaniya. Pupunta lang siya kapag kailangan n'ya ako, kapag kailangan niya ng katawan ko. Naaawa ako sa sarili ko kasi, hindi ko magawang makawala sa buhay na pinili ko na akala ko Tama. Gustong-gusto ko ng umalis pero mahal ko siya, at ayukong ilayo ang anak ko sa Ama niya. Kaya wala akong magawa kung 'di ang magtiis na hindi ko alam kung hanggang kailan." malungkot at naiiyak na kwento ni Mayleen.
Tila kinurot naman ang Puso ni Magda nang marinig iyon. Parang siya lang noon, nais niyang makawala sa buhay na nais ng kaniyang mga magulang noon, pero wala siyang magawa. Ngunit mabuti na lang at nakilala niya si Larexson na siyang nagligtas at naglabas sa kaniya mula sa kadiliman ng buhay.
"Gano'n nga talaga siguro 'no? Kapag mahal mo ang isang Tao, handa kang magtiis kahit nasasaktan ka na. Alam mo kasi naranasan ko rin iyan sa mga magulang ko noon, kinukulong nila ako sa buhay na ayaw ko noon. Pero maswerte ako sa napangasawa ko ngayon, dahil napakabait niyang Tao. Alam mo ang mapapayo ko lang sa 'yo, d'yan sa sitwasyon mo. Sundin mo lang kung ano ang tinatakbo ng Puso mo, huwag kang matakot sa kung anuman ang pwedeng mangyari, basta lagi lang positibo ang isipin mo...malalampasan mo rin 'yan." naiiyak at nakangiting saad ni Magda na hinawakan pa ang balikat ni Mayleen.
Ginantihan rin siya ng ngiti ni Mayleen, at kahit papaano ay gumaan ang kaniyang loob.
"Salamat ha? Kasi kahit ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala, napapagaan mo ang loob ko. Napakabait mo. Sana magkita tayo ulit." nakangiting wika ni Mayleen. Ngumiti at tumango na lang si Magda.
_______________________________
Nagtataka naman ang mag-asawang Larexson at Magda, nakikita at nararamdaman nila ang lungkot at galit na nagtitimpi sa kanilang anak na si Kenzo. Nang tanungin nila ito, ay ayaw sumagot. Alam nilang may problema na naman ito sa eskwelahan.
"Si Carlo na naman ba iyan, anak?" tanong ni Magda na hinahaplos-haplos ang buhok ng anak. Tumango si Kenzo.
"Alam mo sumusubra na talaga 'yang Batang 'yan eh, palagi na Lang inaaway ang anak natin kahit wala namang ginagawa! Anong klaseng pagpapalaki ng mga magulang niya sa kaniya at ganoon ang ugali niyon? Alam mo bukas pupunta talaga ako ng eskwelahan at irereklamo ko ang Batang 'yon at kauusapin ko ang mga magulang niya!" hindi na maiwasan pa ni Magda ang magalit para sa Batang si Carlo na laging umaaway sa kaniyang anak.
Mahal na mahal niya si Kenzo at ayaw niya na inaapi-api ito. Napailing na lang tuloy si Larexson, nais niya man pigilan at pagsabihan ang Asawa ay hindi niya na ginawa pa, nais niya na rin kasing mabigyan ng leksyon o 'di kaya naman ay malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit parating nag-aaway ang kaniyang anak at si Carlo.
KINABUKASAN. Gaya ng sinabi ni Magda ay dumiretso na nga siya sa silid ng namumumo sa eskwelahan, o ng Principal office. At doon ay nagreklamo siya ukol sa palaging pang-aasar at pang-aaway sa kaniyang anak ng kapwa nito estudyante. Ipinatawag naman ng Punong Guro si Carlo kasama ang mga magulang nito.
Maghihigit isang-oras ding naghintay doon sina Magda at ang anak niyang si Kenzo. Ilang-saglit pa ay dumating na rin si Carlo at ang Ina nito. Wala itong kasamang Ama, pareho lang sila.
Nang magkita ang Ina ni Carlo at Ina ni Kenzo ay kapwa nagkatitigan ito.
"Ikaw ba ang Ina ni Carlo?" paunang tanong ni Magda sa babae.
"A-ako nga. Anong ginagawa mo pala rito?" sagot naman ng Ina ni Carlo na si Mayleen na ngumiti pa dahil hindi niya inaasahan na magkikita sila doon ng Babaeng nagpagaan ng kaniyang loob noong isang araw.
"Nandito ako para...ireklamo 'yang anak mo. Parati niyang inaaway ang anak ko kahit wala siyang ginagawa. Tuwing uuwi siya galing eskwelahan, parati na lang siyang malungkot at malumbay dahil d'yan sa mga pinaggagawa ng anak mo." bahagyang nalungkot at naging kalmado si Magda. Hindi niya kasi akalain na ang babaeng nakilala niya kahapon ay Ina pala ng Batang umaaway kay Kenzo.
Napayuko naman si Mayleen. "Kung gano'n ay pasensya na, ako na ang humihingi ng tawad para sa nagawa ng anak ko. Alam mo naman kung ano ang pinagdadaanan namin, hindi ba? Kaya sana kunting intindi sa anak ko. Atsaka, Bata pa naman 'yong anak ko, hindi niya pa masyadong alam kung ano 'yong mga ginagawa niya. Patawarin n'yo na sana siya." bakas sa tinig ni Mayleen ang pagkadismaya sa kaniyang anak dahil sa mga ginagawa pala nito sa eskwelahan.
"Pwede ho ba'ng mag-usap muna kami ng anak ko sa labas? Gusto ko kasi sana siyang kausapin nang kami lang." saad muli ni Mayleen. Tumango naman ang Punong Guro bilang pagsang-ayon.
Nang makalabas ang dalawa, ay kinausap ni Mayleen ang anak sa walang masyadong Tao.
Bahaha siyang lumuhod para makausap ito ng maayos.
"Bakit mo naman ginagawa 'yon, anak? Hindi naman kita tinuroan ng ganiyan, hindi ba? Alam mo ba'ng parang sinasaktan mo na rin ako kapag nananakit o nang-aaway ka ng isang Tao? Hindi ba kabilin-bilinan ko sa iyo na, kahit hindi tayo masyadong nabibigyan ng atensyon ng Papa mo, dapat maging mabuti ka pa rin. Hindi pa ba ako sapat sa 'yo para maging mabuti ka? Para mapalaki kita ng maayos, ha anak?" naiiyak na na wika ni Mayleen kay Carlo habang hawak ang kamay nito."Pasensya na po, Inay. Sabi po kasi sa 'kin ni Ama, awayin ko daw po ng awayin si Kenzo hanggang sa lumaban s'ya sa 'kin, pero hindi naman po siya nagagalit kapag inaasar ko s'ya eh, kaya akala ko po ayos lang sa kaniya 'yong ginagawa ko. Pasensya na po talaga, Inay. Pangako po hindi na ito mauulit, hindi ko na po aasarin si Kenzo..." umiiyak na rin na saad ni Carlo.
Napangiti naman si Mayleen sa mga sinabi ng anak, pero nadismaya rin siya lalo sa Ama ng anak niya na si Pablo. Dahil sa mga itinuturo nito sa kanilang anak.
YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AventuraIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...