Muling bumuntong hininga si Larexson bago nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ng Kalabaw na nagtataglay ng Mutya.
Malakas ang pagtibok ng kaniyang puso---kabado. Ngunit gayunpaman, matapang pa rin siyang lumapit sa kinaroroonan ng Kalabaw. Napukaw n'ya ang atensyon nito dahilan upang humarap ito sa kaniya. Doon n'ya napagtanto na iba ito sa mga pangkaraniwang Kalabaw lamang. Ma's malaki ang katawan nito at ma's mahaba ang sungay. Ang mga Mata din nito ay namumula. Umungol ito na may kakaibang tunog.
"Kaya mo 'yan, Rex." sambit ni Magda sa kaniyang isipan habang nakatanaw mula sa kaniyang kinatatayuan.
Samantala. Wala pa ring tigil sa pagtibok ng malakas ang dibdib ng binata. Hindi n'ya alam kung paano ba paaamuhin ang isang Hayop na may Mutya. Hanggang sa maalala niya ang sinabi ng kaniyang Lolo noong Bata pa siya.
"Alam mo, Apo. Madali lang naman magpaamo ng isang Hayop, mabangis man iyan o hindi. Kailangan titigan mo lang siya. Mata sa Mata. Huwag kang kukurap hangga't hindi siya kumikilos. Sa pamamagitan niyon, maipapakita mo na wala kang gagawing masama sa kaniya. Kasi alam mo, Apo. Ang mga Hayop, nalalaman nila kung may masamang balak sa kanila ang isang Tao sa pamamagitan ng pagtitig sa mga Mata nito. At kung makita nilang wala kang masamang gagawin sa kanila, makukuha mo ang loob nila at maaari mo pa silang maging kaibigan. Gano'n lang iyon ka-simple."
Tila nabuhayan ng loob si Larexson nang maalala iyon. Humugot muli siya ng hininga bago sinimulang gawin ang itinuro sa kaniya ng kaniyang Lolo Ceferino. May mga alaga kasi silang iba't-ibang uri ng Hayop noon sa dati nilang tirahan. Pero hindi naman siya mahilig mag-alaga ng Hayop kaya hindi niya masyadong alam kung paano paaamuhin ang mga ito.
Titig na titig si Larexson sa mga Mata ng Kalabaw na ngayon ay nakikipagsabayan rin ng titig sa kaniya. Walang kumukurap. Tila nag-uusap at nagkikilanlan ang dalawa sa pamamagitan ng mga Mata.
Samantala. Nagtataka ang Diwata at si Magda sa kanilang kinaroroonan. Hindi nila alam kung ano ang ginagawa ni Larexson at bakit hindi ito gumagalaw habang nakatingin sa mahiwagang Kalabaw.
"Iyan ba ang paraan n'ya ng pagpapa-amo? Ang titigan lamang ang Kalabaw na iyon? Anong klaseng paraan iyan? Hindi n'ya basta-basta makukuha ang loob ng Kalabaw sa ganiyang paraan niya." naiwika ng Diwata. Habang si Magda ay patuloy pa rin na nag-aalala, at kung pwede lamang ay susunod s'ya doon.
Hindi na napigilan pa ni Larexson na ikurap ang mga Mata. Kasabay naman ng dahan-dahang paglapit sa kaniya ng Mahiwagang Kalabaw. Matalim ang mga tingin.
"Mukhang hindi yata gumana," saad ni Rex sa kaniyang isipan.
Sunod-sunod siyang napalunok ng laway na napapaatras na rin.
"Dya---dyan ka lang. Wala naman akong masamang gagawin eh. Kailangan ko lang ng Mutya mo." saad ni Larexson habang umaatras pa rin.
Subali't patuloy pa rin na lumalapit sa kaniya ang Mahiwagang Kalabaw. Matalim pa rin ang mga Mata at tila nagbabalak itong sunggabin s'ya gamit ang dalawang mahabang sungay nito.
Sa pagkakataong iyon ay tila tuloyan ng nawalan ng pag-asa ang binata. Hindi nga talaga madali. Tama ang kaniyang Lolo, sana ay sinunod n'ya na lamang ito. O 'di kaya naman ay nagpaalam muna siya bago sila umalis. Hindi 'yong bigla na lamang sila lumisan doon na parang wala itong halaga sa kaniya, kahit na sabihing nag-iwan naman s'ya ng sulat dito.
Ngayon ay maaari pa siyang mapahamak dahil sa katigasan ng kaniyang Ulo.
"Patawad po, Lolo." sambit ni Rex sa kaniyang isipan na napapikit na lang.
Maya-maya pa ay, kahit nakapikit ay may natitinag siyang liwanag na nag-iiwan ng replekayon sa kaniyang mga Mata. Kaya naman, dahan-dahan siyang napamulat.

YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AventuraIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...