Lumipas ang mga araw, hindi na masyadong nagpaparamdam si Fredo sa magkaibigan. Palagay nga ni Magda ay natakot na ito. Ngunit kung ano pa man ang dahilan ay wala na silang pakialam pa doon.
Nagkaayos na rin ang mag-lolo na s'ya namang ikinatuwa ni Magda at lalong higit na ni Larexson. Tanggap na rin ni Ceferino ang hawak na Mutya ng kaniyang Apo. Wala na naman na siyang magagawa dahil nariyan na iyon. Ang tanging magagawa niya na lang ay gabayan ito sa mga dapat nitong gawin.
Isang-gabi, sa bahay ni Magda. Katatapos lamang nitong maligo. Tumungo at humarap siya ng altar na may tatlong kandilang nakasindi. May binabanggit itong hindi mawari na tila kakaibang salita. Maya-maya pa ay bumuhaghag ang kaniyang buhok, bahagyang pumula ang mga Mata, tumulis ang mga kuko. Ngunit ang kaniyang katawan ay ganoon pa rin.
Kinuha niya ang baso na may lamang tubig sa kaniyang tabi, at ang ilalim ng baso ay pinaibabaw sa apoy ng kandila. Pagkatapos ay ininom n'ya ang tubig na laman nito.
Nakasanayan niya ng gawin iyon tuwing Gabi. Isa iyong orasyon upang hindi siya mahanap ng kaniyang mga magulang at maamoy ang kaniyang dugo.
Subali't lingid sa kaniyang kaalaman, ay kanina pang may nagmamasid sa kaniya. Sina Fredo at ang mga kaibigan nito.
"Sabi ko na nga ba, may tinatago 'yang babaeng 'yan. Aswang s'ya! Tamang-tama lang 'yong pagpunta natin. Huh! Humanda s'ya sa 'kin. Bukas na bukas ay pagpi-piyestahan na siya ng mga Tao." mariing wika ni Fredo na may masamang binabalak. Inaya na nito ang mga kaibigan para umalis na doon.
Kinabukasan. Nagtaka si Larexson dahil tila dinudumog ng Tao ang bahay na tinitirhan ni Magda. Sumisigaw ang mga ito at pinapalabas ang dalaga. Kaya naman agad siyang lumapit sa isa sa mga Tao roon at nagtanong.
"Ano pong nangyayari dito? Bakit nagkakagulo? Ano hong merun?" tanung niya sa Ginang.
"Naku mabuti naman at nandito ka, Rex. Alam mo ba na iyang kaibigan mo'ng si Magda ay isang Aswang! Kaya kami nandito para...para tugisin siya!" sagot nito.
Natakot naman si Larexson para sa kalagayan ng kaniyang kaibigan. Kaya naman dali-dali siyang tumakbo papasok, ngunit sa likod siya dumaan para hindi siya makita ng mga Tao. Kailangan niyang mailayo doon si Magda.
Nang makapasok siya sa loob, agad niyang hinanap ang dalaga. At nakita niyang nakasuksok ito sa isang sulok. Nilapitan niya ito at hinawakan sa mga kamay, agad naman siya nitong niyakap ngunit kumalas din ito agad.
"Ayos ka lang ba?" tanung ni Rex dito.
"Alam na nila ang totoo kong pagkatao, hindi ko alam kung pano nila nalaman. Gusto nila akong patayin. Bakit gano'n sila? Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila ah. Natatakot ako, Rex. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. . ." umiiyak na saad ni Magda na natatakot na rin para sa kaniyang sarili.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Itatakas kita rito." saad ni Rex.
Inalalayan nitong makatayo ang dalaga. "Doon tayo sa likod dumaan,"
Magkahawak kamay pa silang lumabas ng bahay. Ngunit isang lalaki ang nakakita sa kanila sa pagtakas, sumigaw Ito sa mga kasamahan at hinabol ang dalawa.
Ilang-saglit pa ay napatigil sila nang may mga humarang sa kanilang harapan.
"Wala na kayong matatakbuhan. Ibigay mo sa amin ang babaeng 'yan, Larexson. Kung ayaw mo'ng pati ikaw madamay dito!" sigaw nang may kaedarang lalaki. Napapalibutan na sila ng mga Taong Bayan.
"Ano ba'ng masamang ginawa sa inyo ni Magda para gawin n'yo 'to sa kaniya, ha?! Sinaktan n'ya ba kayo? Ginawan niya ba kayo ng masama? Naging malupit ba siya sa inyo? Hindi ba't hindi? Kaya't anong karapatan n'yo para gawin 'yan?!" balik na sigaw ni Larexson sa mga Tao na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Magda.
![](https://img.wattpad.com/cover/377907812-288-k197537.jpg)
YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AdventureIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...