"Apo, sigurado ka na ba talaga riyan sa desisyon mo? Hindi na ba iyan magbabago? Kinakabahan ako para sa iyo, alam mo naman siguro na hindi mga pangkaraniwang Tao ang kahaharapin mo. Huwag ka na lang kayang tumyloy? Hayaan mo na roon si Magda, tutal ikaw na rin mismo ang nagsabi na mga magulang niya naman ang kasama niya." mababakas mo sa boses ni Ceferino ang pag-aalala para sa kaniyang Apo na si Larexson.
Nagbabalak kasi itong tumungo sa kuta ng mga ka-lahi ng kaibigan nitong si Magda upang bawiin at iligtas ito mula sa miserableng buhay na naghihintay rito.
"Lolo, kilala n'yo naman po si Magda, 'di ba? Kahit sa maikling panahon na nakasama at naging kaibigan ko siya, masasabi kong karapat-dapat siyang sumaya kahit na isa siyang Abwak. At hindi niya dapat maranasan ang buhay na nais ng mga magulang niya sa kaniya. Kaya ililigtas ko po siya, babawiin ko si Magda...kahit sa ano pang paraan. Dahil naging mahalaga s'ya sa akin, at hindi ko ho hahayaan na...magkalayo kaming dalawa." sagot naman ni Larexson na halatang mayroong ibig sabihin ang huli niyang sinabi. Na hindi niya lang basta ililigtas si Magda dahil kaibigan niya ito, kung 'di dahil may iba pang dahilan.
Napabuntong hininga na lang si Ceferino. Mukhang hindi niya na mapipigilan ang kaniyang Apo na tila pag-ibig na ang dahilan kung bakit ito nagkakaganoon.
"Oh s'ya sige, kung hindi na kita mapipigilan d'yan sa gusto mo ay bahala ka na. Basta't mag-iingat ka at babalik ka sa akin ng buhay. Ipangako mo 'yon, Apo." sambit ng Matanda.
Napangiti ang binata, "Opo, Lolo. Pangako, babalik po ako." sabi nito.
"D'yan ka lamang at may kukunin ako," Saad ng Matanda at pumasok sa kaniyang kuwarto. Ilang-saglit ay bumalik din ito na may dala ng baril.
"Bakit merun ho kayong ganiyan? Saan ho nanggaling 'yan?" takang sambit ni Larexson.
"Ibinigay ito sa akin ng aking matalik na kaibigan noon. At ngayon, Ibibigay ko naman ito sa 'yo. May bala na iyan sa loob, at ang bala niyan ay may halong sagradong dasal at inilublob sa tubig ng simbahan na may bendisyon ng Pari. Kaya't mabisa iyan pampatay ng Aswang. Pero iilan na lang ang mga natitirang bala niyan kaya huwag mo'ng sasayangin, gamitin mo lang kung kailangan. Sana makatulong iyan, Apo. At ipagdarasal ko na sana maging maayos ang lahat at makabalik ka rito ng ligtas, kasama si Magda." ngumingiti na lang ang Matanda ngunit naroon pa rin sa loob niya ang kaba at takot.
"Maraming salamat po, Lolo." wika ni Larexson at niyakap ang kaniyang Mahal na Lolo Ceferino.
____________________________
Patungo na si Larexson sa Kuta ng mga Abwak kung nasaan si Magda. Mabuti na nga lang at may isang Abwak rin ang nagturo sa kaniya kung nasaan ang kutang iyon. Kaibigan raw ito ni Magda na naglakas-loob pumunta sa kaniya upang humingi ng tulong para iligtas ito at hindi matuloy ang kasal.
Habang naglalakbay, mga sigawan at paghingi ng tulong ang narinig ni Larexson na sa tingin niya ay hindi naman kalayuan sa kinaroroonan niya. Dahil sa kuryosidad ay pumunta siya doon, at kitang-kita niya kung paano lapain ng mga nakakatakot na nilalang ang magkakaibigan na sina Fredo. Ang iba nilang kasama na naghahanap sana kay Magda ay nakatakas na, tanging sila na lang ang naiwan doon na pinagpe-piyestahan ng mga Aswang.
"Tulongan mo kami, Rex! Tulongan mo 'ko! Maawa ka na! Ayuko pang mamatay! Tulongan mo 'koo! Rexxxxx!" pagmamakaawang sigaw ni Fredo habang dinadagit ito ng Aswang. Nakita kasi siya nito kaya agaran itong humingi ng tulong.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Larexson, wala siyang balak tulongan ang mga iyon. Tutal naman ay, masasama ang ugali ng mga ito. At isa pa, sila ang dahilan kung bakit nasira si Magda sa mga Tao. Kaya para sa kaniya, hindi karapat-dapat na tulongan ang mga ito. Kung may tutulong man, ay hindi siya 'yon. Atsaka, si Magda ang prayoridad niyang tulongan, hindi ang mga Taong gaya ni Fredo at ng mga kaibigan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/377907812-288-k197537.jpg)
YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AventuraIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...