📌--Note: Please, expect some errors po. Medyo baguhan pa lang kasi ako nong naisulat ko 'tong story na 'to, 2 years ago na kaya sana unawain niyo nalang mwheheh. Thanks!💜
_______
SIYAM na taon na ang lumilipas mula nang magsama sina Larexson at Magda. Mayroon na din silang anak, lalaki, walong taong gulang, pinangalanan nila itong Kenzo. Mabait na Bata si Kenzo at masunurin.
Ngayon ay kasalukuyang nakatira sina Larexson sa Probinsiya ng Samar. Maayos at tahimik naman ang pamumuhay nila doon. Walang gulo. Hindi na rin sila ginagambala pa ng mga magulang ni Magda na magmula ng maitakas ni Larexson si Magda mula kay Pablo ay hindi na nga nagparamdam pa ang mga ito. Ni hindi nga nila alam kung buhay pa ba ang mga ito dahil ilan-taon na rin ang nakalipas.
Bagama't may sama ng loob si Magda sa kaniyang mga magulang dahil sa pagpilit ng mga ito sa mga bagay na hindi niya gusto gaya na lang ng pagpapakasal kay Pablo, ay hindi niya pa rin maiwasang mangulila sa mga ito at hanap-hanapin ang presensya ng mga magulang.
Pero gayunpaman, naisip niya rin na ma's mabuti na ring wala na silang koneksyon sa isa't-isa para hindi na muling gumulo ang tahimik nilang pamumuhay ni Larexson kasama ang kanilang anak.
Isang-araw, kauuwi lang ni Larexson galing sa kaniyang trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang Factory kung saan gumagawa ng mga Simento.
May pag-aalalang sinalubong naman siya ng Asawang si Magda. Gabi na kasi siyang nakauwi. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko kung ano ng nangyari sa 'yo, pinag-aalala mo talaga ako lagi." bahagyang nakasimangot pa si Magda na ikinatawa na lang ni Larexson.
"Pasensya na, dumaan pa kasi muna ako sa puntod ni Lolo para bisitahin siya kahit saglit lang." sagot ni Larexson.
Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng mamatay ang kaniyang Lolo Ceferino dahil na rin sa katandaan nito. Pero gayunpaman, lahat naman ng kaalaman nito tungkol sa paggamit ng Mutya ay naipasa naman niya kay Larexson. At ngayon nga ay ma's naging bihasa na si Larexson sa kung paano gamitin at pangangalagaan ang kaniyang Mutya.
"Bakit naman hindi ka nagsabi? Edi sana sabay-sabay nating dinalaw do'n si Lolo." sabi ni Magda.
Lumapit naman sa kaniya si Larexson at niyakap sa likoran ang Asawa. "Gabi na kasi. Saka alam mo naman na masyadong delikado para sa inyo ni Kenzo ang lumabas kapag gabi. Pero 'di bale na, sa makalawa naman ay ikatlong taon na ng pagkamatay ni Lolo, doon na lang natin siya dadalawin ng sabay-sabay." saad ni Larexson at hinalikan sa pisngi ang magandang Asawa.
Maya-maya pa ay dumating ang kanilang anak na nakasimangot. Dumiretso agad ito ng Mesa kung saan may mga nakahain ng pagkain. Nagtaka naman ang mag-asawa kung bakit parang nagdadabog ang kanilang anak. Unang lumapit rito si Larexson.
"Bakit naman nakasimangot ang mukha ng guwapo kong anak, ha? Sabihin mo sa 'kin, anong nangyari? May umaaway na naman ba sa 'yo sa eskwelahan?" tanong ni Larexson sa anak habang hinahaplos ang buhok nito.
"Eh kasi po, Itay. Inaasar na naman ako ni Carlo, sinasabi niya na may pinat4y raw kayong mga Tao noon. Masama daw po kayo ni Inay." nakasimangot pa rin na sabi ni Kenzo.
"Eh anak, hindi mo naman kailangang maapektuhan do'n kasi hindi naman 'yon totoo. Huwag mo na lang silang pansinin, masanay ka na na may mga gano'n talagang Tao. Basta ikaw, mabuti ang na sa Puso mo at hindi ka kagaya nila, 'yon ang mahalaga. Kaya hayaan mo na sila, mapapagod din 'yang mga 'yan sa kaaasar sa 'yo." pagpapayo ni Larexson sa anak.
"Alam ko naman po iyan, Itay. Pero...hindi lang naman po 'yon ang dahilan kung bakit ako nagagalit eh."
"Eh ano pang dahilan?"

YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
PertualanganIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...