Araw ng sweldo, ngiting makakahawak na naman ang pera ang mga ka-trabaho ni Larexson. At isa pa, pinangako sa kanila ng kanilang Amo noong nakaraang buwan na sa susunod na sahod nila ay mayroon silang bonus pero para lang iyon sa masisipag at karapat-dapat bigyan. At lima lamang ang mapalad na mabigyan nito. Mayroon naman ang lahat ngunit ma's lamang nga lang ang sa limang mapipili. Kasama na sa limang iyon ay sina Larexson at Vince na ikinatuwa naman ng mga ito.
"Congratulations sa inyo, sana ipagpatuloy lang ninyo ang inyong kasipagan at pagiging mabuting Tao. Siya nga pala, may maganda akong anunsyo sa inyo. Dahil nagretiro na ang dati niyong Manager, isa na sa inyo ang kukunin ko....na alam kong mapagkakatiwalaan at maaasahan." pag-anunsyo ng kanilang Amo na may-ari mismo ng Factory.
Agad naman na umasa doon si Rigor, dahil bukod sa matagal na siyang nagtatrabaho roon ay masipag rin siyang magtrabaho...kapag nakatingin ang Amo. Kaya nga isa rin siya sa limang napili para sa makaking bonus.
"At iyon ay walang iba, kung 'di si Larexson Lofranco!" masayang sabi ng may-ari ng Factory na si Yui Shing. Ang Ama kasi nito ay isang Chinese at naroon rin ang kaniyang Pamilya. Pero ma's pinili niyang tumira na lang sa Pilipinas at doon ay mag-negosyo.
Nagulat naman si Larexson nang tawagin ang kaniyang pangalan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, pero tinulak-tulak siya ng kaniyang mga ka-trabaho para pumunta sa unahan katabi ni Yui Shing.
"A-ako ho?" hindi makapaniwalang saad ni Larexson. Tumango ang lalaking Chinese.
"Ikaw ang napili ko dahil nakikita kong mapagkakatiwalaan ka, masipag at maayos kang mag-trabaho, Rex. Kaya nararapat lang na suklian ito. Sa ilang-buwan mo pa lang rito ay pinatunayan mo na agad ang iyong sarili para sa posisyon na ito. Kaya binabati kita, nawa ay paghusayan mo pa lalo ang iyong trabaho ngayong isa ka ng Manager. Ikaw na ang mamumuno sa mga tauhan natin rito, ikaw ang mag-aasikaso ng lahat ng mga ordes at delivers natin." mahabang salaysay ng Chinese na masaya rin para kay Larexson.
"Maraming salamat ho, pangako hindi ko kayo bibiguin." masaya ring saad ni Larexson. Ngayong mayroon na siyang puwesto sa factory nila, paniguradong tataas rin ang kaniyang suweldo na maibibigay niya sa kaniyang pamilya. Saglit na nawala ang pangamba niya para sa kaniyang mag-ina dahil sa muling panggugulo ni Pablo.
Samantala. Kung gaano naman kasaya si Larexson ay siya namang ikinalumo at kinadismaya ni Rigor dahil sa pag-aakalang siya ang mapipili bilang bagong Manager. Masama itong nakatitig kay Larexson, mukhang sumagad na yata talaga ang pagkainggit na nahantong na sa galit. Dahil doon ay padabog siyang umalis doon na sumunod rin naman ang dalawa niyang kaibigan.
"L*ntik! Ako dapat 'yon eh, ako dapat ang nandon hindi ang Larexson na 'yon. Sips*p talaga ang tar*ntadong 'yon. Limang-taon na akong nagtatrabaho rito samantalang siya ilang-buwan lang nakakuha agad ng posisyon? Humanda siya sa 'kin, ipapatikim ko sa kaniya kung paano ako magalit!" galit na saad ni Rigor at malakas na hinampas ang kaniyang kamay sa Mesa.
Tama ka diyan, napaka-sipsip! Akala mo kung sino!" saad rin ni Larry.
"Eh anong plano? Pap*tayin ba natin? Bubugb*gin? Pahihirapan?" saad naman ni Ryan.
"Mamayang uwian, haharangin natin siya sa daan. Ang alam ko siya lang mag-isa tuwing umuuwi kaya wala tayong po-problemahin." wika ni Rigor na hinahanda na ang kaniyang kamao para sa masamang balak nila kay Larexson.
"Eh paano pala kung makilala n'ya tayo tapos isumbong tayo? Oh edi wala na tayong trabaho tapos kulong pa!" bigla tuloy napaisip si Ryan.
"B*bo ka ba? Malamang hindi tayo magpapakilala, basta ako ng bahala dun. Basta siguraduhin n'yo lang na walang makakaalam ng gagawin nating ito, naiintindihan n'yo?" napatango na lang ang dalawa.
Natatawa na agad si Rigor habang iniisip n'ya ang mga maaari niyang gawin kay Larexson. At ang pagmamakaawa nito na huwag na siyang saktan habang tumutulo ang mga pulang likido sa bibig nito dulot ng pagbub*g nila.
______
NAGMAMADALI ng maglakad si Larexson para agad na siyang makarating ng kanilang bahay. Tila kinakabahan na naman kasi siya at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa kaniyang isip tungkol sa kaniyang mag-ina.
Habang naglalakad, napatigil siya nang may mga armadong lalaki ang humarang sa kaniya. Napairap na lamang siya, inaasahan niya na iyon.
"Huwag na kayong magtakip ng mukha, kilala ko kung sino kayo." wika ni Larexson sa tatlong lalaki na humarang sa kaniya. Nakabonet na itim ang mga ito. Nagtaka ang tatlo, dahil doon ay inalis na nila ang kanilang mga takip sa mukha.
"B-bakit ang bilis mo'ng malaman?" takang tanong ni Ryan na napapautal pa na may halong kaba. Iniisip niya kasi na baka isumbong sila ni Larexson.
"Kung may balak kayo sa 'kin, huwag ngayon, at huwag n'yo na ring tangkain. Hindi n'yo alam kung ano ang kaya kong gawin, baka pagsisihan n'yo lang sa huli." saad ni Larexson na may halong pananakot sa tatlo.
Wala siyang balak saktan ang mga ito at gamitin ang Mutya para sa mga ganoong klaseng Tao na hindi alam ang ginagawa, tinatakot niya lamang ang mga ito para tigilan na siya. Pero kung darating man ang araw na susubra na ang mga ito ay wala na siyang magagawa kung 'di ang patulan ang tatlong iyon.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumakad na muli siya, ngunit nakailang hakbang pa lamang ay naramdaman niyang may akmang susugod sa kaniya na tila hindi man lang natinag sa kaniyang pananakot.
Bigla siyang lumingon sa likoran at saka sinalo ang matigas na baston na dala ni Rigor na akma sana nitong ihahampas kay Larexson.
"Masyado na akong maraming pinoproblema, huwag ka ng dumagdag pa!" malumanay na saad ni Larexson ngunit kabaliktaran niyon ang ginawa niyang pagtulak kay Rigor na halos sampong hakbang rin mula sa kaniyang kinaroroonan.
Tumalsik ito kung saan nakatambak ang ilang basura doon. Nag-amoy basura tuloy ito idagdag pa ang sakit ng katawan dulot ng kaniyang pagkakabagsak.
![](https://img.wattpad.com/cover/377907812-288-k197537.jpg)
YOU ARE READING
Ang Mutya Ni Larexson
AvontuurIsang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siya...