Chapter 17: Can't Lie

69 7 1
                                    


Gab's Pov.

Nung andito na kami sa BINIVerse University. We met Mr.Gomez sa entrance, nakakapanibago lang dahil dati kasi ilang beses ko siya makita sa campus na gumagala or sometimes nakikipag-usap sa amin para kamustahin kami. Mr.Gomez is a caring person pagdating sa mga students dito and he's the reason why I'm a psychologist kasi nakitaan niya ako ng potential in this kind of profession.

Nilibot niya kami sa mga facilities ng University and walang pinagbago maliban sa upgraded na yung mga rooms kasi dati ceiling fan lang ang meron dito pero ngayon, lahat ng classrooms, aircon ang ginagamit and partida, smart tv pa at upgraded na din yung mga seats and tables nila. Nangyari to dahil din sa nangyaring donation event and umattend ako don, since I'm grateful na dito ako grumaduate, I've donated here some money para mapaayos ang school nato.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko man lang naaninag or nakita si Jhaira sa classroom niya, pinakita kasi sa amin ng principal and kaya ko nalaman na eto ang classroom niya ay dahil nakasulat sa List of Officers yung name niya, president pala siya. I suppose naman na dapat nasa classroom man lang siya or nasa cafeteria dahil yan lang naman dalawa ang pinupuntahan namin nung nagkikita pa kami dito.



" Can we get straight to the point? Let's not beat around the bush na, Mr.Gomez," Tanong ko and he nod. Inaya niya kami na dun mag-usap sa loob ng office niya para hindi maingay.



Nandito na kami sa loob as we take our seats. Lumabas muna si Mr.Gomez kasi may kukunin lang daw siya saglit. Kaya napatingin nalang ako sa kaibigan ko. Sobrang confused na ata sila kung bakit andito kami aside from the topic na diniscuss na nila Kuya Gian.

Ang job ni Kuya Gian is mag take ng observations sa bawat students na representative ng bawat class kaya hindi na namin siya kasama dito dahil on duty na siya.



" Diba, dito ka nag-graduate, Gab? " Tanong ni Amiah at tumango ako.


" Kamusta ka pala nung dito ka nag-aral? " Tanong ni Malkie and I sighed kasi dapat walo kami ang nandito pero dalawa lang natirang matibay na dito mag-stay.



" Quite challenging kasi BINIVerse has a high standard kumbaga, hindi sila agad-agad nagpapapasok ng nag-aaply na dito mag-aral, kailangan matatag ka at kailangan all in ka and most importantly, malaki yung confidence mo," Explain ko. I'm telling the truth, the school's standard is so high na bihira lang ang nakakapasok dito ng libre, like me kasi naging scholar ako sa school nato.


" What's the challenging part? " Tanong ni Soul and I know what to answer. " Probably the audition, once you're approved as a student kailangan mong dumaan for audition dahil hindi lang angking talino ang kailangan nila sa skwelahan nato, they prioritize more the talent kasi yun yung purpose ng BINIVerse University," Sagot ko and she hummed.



" But I enjoyed every single part of my memories here," Dagdag ko.



" Sayang lang sa part na hindi ka namin nasamahan sa journey mo dito, ang saya siguro natin kung magkakasama tayong walo," Sambit ni Soul and I just chuckled.

STRINGS [ A BINI AU SERIES #3 ]Where stories live. Discover now