Chapter 19: Aminin

93 5 0
                                    


Jhaira's Pov.

Nakakabigla yung pagdating ni Ate Amiah at ni Ate Malkie, mas lalo na sina Gab at si Soul. Seeing them here makes me calm na para bang magiging okay na ang lahat. Para bang mawawala lahat ng problemang pinagdadaanan ko sa buong buhay ko.



" Huy Jha- Kanina ka pa tinatawag ni Ate Malkie oh," Tawag ni Soul sa akin. Kanina pa ata ako nakatulala sakanila.



Nasa office kami ni Tito Gomez, we're waiting for him na ayusin yung kaguluhan ko kasi baka daw may nakakita sakin sa balak kong pagtalon and some of the students have taken some videos of me trying to jump kanina sa rooftop, pinapa-delete niya na ata yun.


" Mukhang malalim iniisip mo ah, ayos ka lang ba? " Tanong ni Ate Amiah sa akin. " Kailan naging maayos yan eh balak ngang tumalon kanina," Sagot ni Ate Malkie.



" Wala, iniisip ko lang na If ever hindi tayo nagkahiwalay, okay sana ako, kuntento sana ako sa buhay ko pero iba yung pagkakasulat ng storya natin eh, ang gulo tignan, ang gulo basahin," Sabi ko at sumandal sa balikat ni Soul na hinayaan lang ako, akala ko magre-reklamo siya.


" Ano ka ba? Lahat naman ata tayo ay gustong magsama-sama sa iisang lugar, kaso meron ding mga bagay na kailangan mag-isa nating hinaharap," Payo ni Ate Amiah.


" We even thought na hindi na tayo magkikita but here we are, can't believe that Gab finding me will lead to finding the others like you," Dagdag pa nito while she's holding my hand.


" Actually, I have tried calling each of your numbers to seek help from you guys nung medyo stable pako," Sambit ko and Gab looked at me.



" Have you tried calling my number? " Tanong niya. " Ikaw yung last kong tatawagan pero hindi ko na ginawa kasi isip ko nun, nag-change ka na din ng number," Sagot ko and Gab facepalms.


" Did you know that never akong nagpalit ng number dahil alam kong some of you guys ay tatawag sa akin and I knew na isa ka dun," Sambit niya and I chuckled. Hanggang ngayon ba naman ay she's doing her own job as our silent angel along with her another soulmate na nonchalant rin.



" What happened to you ba at nagkaganyan ka? " Tanong ni Ate Malkie na tapos na atang mag-retouch along with Soul. Nagawa pa talaga nilang gawin yan sa puntong to ha.









Soul's Pov.

I've watched her fidgeting her fingers na mukhang kinakabahan sabihin sa amin lahat dahil alam niyang napaka-close namin sa mga relatives niya. We all knew her parents death pero never kami nagkaroon ng chance na bumisita nun, unstable na kasi kami nun that time and nalaman ko lang yun kay Mika.


" Tell us, Jha, we both knew na you needed this," Sambit ko and she took a deep breath para ipalabas yung takot na nararamdaman niya.


" Right, matagal ko na ngang gustong gawin to pero di ko alam kung san magsisimula," Sambit ni Jhaira. " Hirap din kasing sabihin, mas gusto ko nalang dibdibin," Dagdag pa nito.




" Jhaira, minsan kailangan mo ring aminin pag nahihirapan, dapat sabihin," Sambit ko.




" Nagsimula to nung nawala na sila mama at papa, pagkatapos nun, iniisip ko nalang ay wala na akong kakampi sa mundong to, sila nalang kasi ang nagisisilbing kaagapay ko sa hirap at ginhawa pero sila pa yung nawala," Sabi nito.


" Dinibdib ko yun habang napunta ako sa puder ng tita ko, si Tita Christine, kilala niyo naman kung sino siya, kung ano yung buong pagkatao niya," Kwento niya.



" Siya ba ang rason kung bakit takot kang magkamali? " Tanong ni Gab sakanya at tumango lang siya.



" Takot ako na ma-disappointed siya, kaya balewala sakin kung hindi ako kumain ng buong araw basta mapag-aralan ko lahat ng mga aralin sa skwela," Sabi ni Jhaira habang nakayuko at hawak-hawak ang kamay ko.



" Whenever na nagkakaroon ako ng more than two mistakes, nagagalit na siya at kinukumpara ako sa mga anak niya na laging matataas ang marka sa bawat asignatura," Dagdag pa nito na ikinaiyak niya.



" Yan ata yung oras na napagod ako kaya nagawa ko ang ganitong bagay, hindi na kasi ako makaisip ng tamang solusyon para matapos to eh, nakakapagod na rin kasi," Sabi niya para yakapin ko siya ng mahigpit dahil humihikbi na siya sa iyak.






" Matatapos na din yan, andito na kami at salamat sa pag-amin, huwag kang mag-alala, buhay ay di karera," 



STRINGS [ A BINI AU SERIES #3 ]Where stories live. Discover now