7

31 3 0
                                    

MALOI

Mmm, ang sarap naman! Ang lambot lambot saka ang init sa pakiramdam. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking katawan. Hays sana laging ganito. I feel safe and warm. Mmm!

Bigla akong napamulat ng aking mga mata nang unti-unting nagsisink in sa utak ko ang masarap pero kakaibang pakiramdam ko ngayon.

Bumungad sa akin ang nakaexpose na balikat na marahang gumagalaw dahil sa mabining paghinga nito. Please, Maloi! Sabihin mo sa sarili mong panaginip lang ito! Unti-unti akong tumingala at napatutop sa aking bibig nang salubungin ako nang mahimbing na natutulog na mukha ni Miss Mikha.

Wait lang! Kalma lang self! Hindi ito totoo! Panaginip lang ito, Maloi! Pumikit ka ulit at sa muli mong pagmulat nasa loob ka na ng kwar-- Tuluyan na akong napabalikwas  ng bangon at pinagmasdan ang paligid. "Jusku! Hindi ito ang kwarto ko!" Nakagat ko ang aking labi at napatutop ulit sa aking bibig nang bahagya pang gumalaw si Miss Mikha sa aking tabi dahil sa biglaan kong pagbalikwas. Pigil pigil ko ang aking hininga habang nakamasid sa kanya. Please huwag ka munang mumulat! Huwag kang didilat! Matulog ka pa, please!

Nakahinga ako ng maluwag nang ilang minuto ang lumipas ay tumalikod lang siya saka muling humimbing sa pagtulog. Nakagat ko ang aking mga daliri at napapikit ng mariin.

Anong katangahan ang ginawa mo, Mary Loi Yves?! Paanong nangyari na nakarating ka dito sa kwarto at sa kama ni Miss Mikha!!!!

Wala sa sarili na napatingin ako sa pinto at parang nakakaloko namang nag replay sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi.

Sa unang pagkakataon, sa loob ng ilang buwan na nakilala ko si Miss Mikha ngayon ko lang siya nakitang nagalit. Sa sobrang takot, ni hindi ko namalayan na nanginginig na ang buo kong katawan at ang lakas lakas na ng kaba sa aking dibdib.

Kahit hindi ko alam ang dahilan kung ano ang bigla niyang ikinagalit, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang pakalmahin siya.

"Ssshhhh.. O-Okay l-lang M-Miss Mi-Mikha.." Hinagod hagod ko ang kanyang likod dahilan para lalo lang siyang mapahagulhol sa aking mga balikat.

Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kaba sa dibdib ko. Akala ko sasaktan na ako ni Miss Mikha. Pero hindi ko alam kung bakit mas natakot ako para sa kanya. Ewan ko, basta ayoko ng makita ulit ang ganitong side nya. Pakiramdam ko ibang tao siya.

Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Sa kaibuturan ng aking puso, may nagsasabi na mas okay na sa harapan ko siya nagkaganito. Paano na lang kung nangyari ito na kaharap nya ay ibang tao? Ano na lang ang iisipin nila? Baka mapahamak pa si Miss Mikha. Lalo pa nga at may iniingatan siyang reputasyon.

"M-Maloi, I-I'm r-really s-sorry.." Parang bata siya na humahagulhol.

Tipid akong ngumiti saka inayos ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang mukha. "Naiinitindihan ko, Miss Mikha. Baka masyado ka lang napagod or naburnt out. Mas okay na rin ito, atleast ako ang kasama mo 'di ba?" Puno ng guilt ang ekspresyon ng mukha nya ngayon kahit pa nga hindi naman nya ako nagawang saktan physically.

Napakagat labi siya saka tumango habang sumisinghot. Para siyang bata. "M-Muntikan na k-kitang m-masaktan. K-Kung n-nangyari iyon baka h-hindi ko mapa--"

"Sssshhh, its okay." Ewan ko kung ano iyong bumubulong sa akin, pero hindi ako naniniwala na kayang gawin sa akin ni Miss Mikha iyon. Malakas ang kompyansa kong hinding hindi kami aabot sa ganoong sitwasyon. Ang takot na bumalot sa akin kanina ay hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Miss Mikha.

"Maloi..." Mahina niyang sabi habang nakatingin ng derecho sa aking mga mata. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa.

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now