MIKHA
Parang nanlaki ang ulo ko nang makita ko kung paano isayaw ng lasing na binatilyo si Maloi sa gitna ng dancefloor at kung paano siya bumulong bulong sa tenga ng babae.
I know she's tipsy already lalo na kung ang pagbabasehan ko ay ang mga ikinikilos niya. But is this enough reason to be that much close with some random guys?!
Dapat talaga hindi mo na siya pinayagan pang lumabas kasama sina Colet! I don't care if its her birthday but what the heck?! Bakit kailangang sa bar pa nila i-celebrate ang birthday nya!
Mas lalo ko pang nilakihan ang aking paghakbang upang mabilis akong makalapit sa dancefloor. "That's enough!" Mariin kong sabi saka hinawakan si Maloi sa braso. Nakita ko pa ang pagkagulat niya pagkakita nya sa akin.
"M-Mikha?"
"Hey sandali. Nag eenjoy pa kami!" Singit ng binatilyo saka pilit inaalis ang pagkakahawak ko kay Maloi.
"Ikaw lang ang nag eenjoy! Don't you see how uncomfortable she is?!" Itinulak ko siya dahilan para tuluyan na kaming makaagaw ng atensyon ng ibang customers.
"Mikha wait lang.." Mabilis namang awat sa akin ni Maloi saka ako hinila palayo.
"What?! Don't stop me! I wanted to give this guy a lesson!" Mariin kong sabi saka muling lumapit sa lalaki at muli siyang itinulak tulak. "You should know how to respect a lady!"
"Mikha tama na please!" Niyakap ako ni Maloi sa bewang saka muling hinila palayo sa lalaki.
"Hey! Anong nangyayari dito?!" Sinamaan ko ng tingin si Colet namg lumapit siya sa amin. Tinulungan nya ang lalaking itinulak ko.
"Sino ba 'yang babaeng 'yan, pinsan!" Inis na sabi ng lalaki. Gusto na rin niya akong sugurin kung hindi lang siya inaawat ni Colet.
"He's your relative?!" Baling ko kay Colet. Lalo pang nadagdagan ang init ng ulo ko nang marinig ko ang tinuran ng lalaki. Relax, Mikha Lim! You're in a public place.
"Ano bang nangyayari dito?" Muling tanong ni Colet na pinagsalitang tingnan ang pinsan niya, ako at si Maloi.
Hinawakan ko si Maloi sa kanyang braso at pilit itinago sa aking likuran nang magtangka siyang magsalita. "Pagsabihan mo iyang pinsan mo, Colet! Huwag na huwag ko siyang makikita ulit at talagang magkakalintikan tayo!"
"Ano bang ginawa ng pinsan ko ha?!"
"Mikha halika na!" Muling awat ni Maloi. "Colet, mauna na kami ha? Sige na. Tatawagan na lang kita."
"Pinayagan kong sumama sa'yo si Maloi para mag-enjoy! At hindi para bastusin ng pinsan mo! Kung hindi mo siya kayang protektahan o bantayan, huwag ka ng magtangka pa na ayain siya ulit!" Mariin kong banta. Binalingan naman ni Colet ang pinsan niya na napatungo.
"Maloi, pasen--"
"Don't touch her!!!" Mariin kong pigil kay Colet nang magtangka siyang lapitan ito. "Don't you ever dare try to get near her again!" Hinarap ko si Maloi saka siya inakbayan at hinila palabas ng resto bar. "Let's go!"
Hindi naman na nagtangka pang sumunod si Colet. Narinig ko na lang siya nang sigawan nya ang kanyang pinsan.
Tahimik lang kami parehas ni Maloi hanggang makarating kami sa condo. Pigil pigil ko ang sarili ko na huwag siyang masigawan. Ayoko nang maulit muli ang nangyari noong nawalan ako ng kontrol sa sarili ko.
"Sino pang tatawagan mo?" Sita ko kay Maloi nang mapansin kong may dinadial siya sa kanyang cellphone.
"Si Colet." Balewala nyang sabi.
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...