5

20 3 0
                                    

MALOI

"Kung bakit sinarapan mo ang timpla ng kape nya, Yves! At kung bakit binihisan mo siya noong natutulog siya kahit hindi mo naman na 'yon trabaho pa! At kung bakit kung pagsilbihan mo siya ay parang prinsesa kaya ngayon ikaw ang magiging PA nya!" Marahas kong ipinagpapasok sa aking duffel bag ang ilang piraso kong damit habang panay ang paninisi ko sa aking sarili. "Masyado kang pabida!"

"Huy Maloi, okay ka lang ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Elsa na ngayon ay nakatayo na sa aking likuran. "Mukha ba akong okay sa paningin mo ha, Elsa?!"

Nakakaloko naman siyang tumawa. "Ayaw mo ba talagang maging PA ni Miss Mikha?!"

"Oh bakit ikaw gusto mo?!"

"Hindi na uy! Masaya na ako rito! Saka masaya na akong panoodin na lang siya sa TV kesa makasama siya!"

"Oh eh bakit tinatanong mo pa ako alam mo naman na pala ang sagot?!" Ginulo gulo ko ang aking buhok saka nagpipiksi. "Nakakainis talaga, Elsa!!!!!! Ang dami daming katulong dito sa bahay, bakit ako pa ang napili nya, jusku!!!"

Parang nakakaloko pa na naglaro sa utak ko ang nakakaloko nyang ngisi. Napatingin ako kay Nanay Risa at mabilis na lumapit sa kanya nang pumasok siya sa maid's room. "'Nay Risa, please tulungan nyo naman ako! Baka pwede nyong pakiusapan si Madam. Huwag na lang ako please!" Hinawakan ko pa siya sa braso nya at inalog alog ito.

Napapalatak si Nanay Risa. "Batang ito. Ano bang pinoproblema mo? Mabait naman si Miss Mikha ah!"

Nagkatinginan kami ni Elsa. "Oo 'Nay! Nuknukan talaga ng bait si Miss Mikha! Pero ayoko pa rin na maging PA nya! Okay na po ako rito sa mansyon!"

"Eh wala rin naman akong magagawa pa Maloi. Kung nagdesisyon na si Madam, iyon na ang masusunod."

Nanlumo ako at muling naupo sa aking kama saka isinara ang aking bag. "Bakit kasi inaway away ko noon si Miss Mikha!?" Bulong kausap ko sa aking sarili. Tinapik tapik ako ni Nanay Risa saka kami muling iniwan ni Elsa.

"Dapat kasi pinepreno mo iyang bibig mo eh!"

Muli ko siyang sinamaan ng tingin. "Ngayon ba ang tamang oras para sisihin mo pa ako, ha Elsa?!"

Napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ko ang unang enkwentro namin ni Miss Mikha.

Kinatok ko ang bintana ng pulang kotse na nakapark sa tapat ng garahe ng mga Lim. "Excuse me ho?!" Hindi ako tumigil sa pagkatok sa bintana ng sasakyan hanggang hindi ito ibinababa ng kung sino mang driver at kausapin ako.

"Yes??" Itinaas ng babaeng driver ang suot suot nyang sunglasses.

"Hindi ho kayo pwedeng magpark sa tapat nito!" Maka yes akala mo kung sino! Hindi porke magara ang sasakyan nya may karapatan na siyang magtaray.

"Why not?!" Nakataas na ngayon ang kilay nya.

Inayos ko ang manggas ng aking damit saka itinuro ang malaking gate. "Napakaobvious naman ho na private property ito at nababasa nyo naman siguro ang sign na 'No Parking' 'di ba?!"

Ngumisi lang siya ng nakakaloko saka saglit na sinulyapan ang itinuro ko. Napaatras ako dahil binuksan nya ang pinto ng sasakyan at saka siya bumaba. Pinasadahan pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka napapalatak. "Don't you know me?!"

Ngumisi lang din ako ng nakakaloko saka humalukipkip sa harapan nya. Kahit mas matangkad siya sa akin, hindi nangangahulugan na magpapatinag ako sa kanya. Maganda man siya sa aking paningin mukhang madilim naman ang ugali nya! "Busy ako sa buhay ko kaya wala akong panahong kilalanin ang kagaya mo. Ngayon kung naiintindihan mo ang sinabi ko at ang nakasulat dito Miss, pwedeng pakitanggal mo na lang ng sasakyan mo! Baka dumating na iyong amo ko, ayokong maabala sila!"

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now