MALOI
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang inis dahil sa narinig kong sinabi ni Miss Mikha. Hindi pa siya nakuntento sa pagpapagising niya sa akin sa kasambahay na siyang duty sa gabi, heto at inuutusan pa nya akong palitan siya at tanggalin ang make up nya.
"Kapag minamalas ka talaga oo!" Bulong ko sa aking sarili, at bagamat gusto ko ng ibagsak pasara ang pinto hindi ko naman magawa dahil baka ako ang malintikan kahit pa nga hindi ko naman na trabaho pa ang pinapagawa nya. "Gusto nyo bang mag warm bath Miss Mikha?"
Nangunot ang noo ko dahil parang wala siyang narinig. Nilapitan ko siya sa kama para sana ulitin ang aking tanong nang makita kong nakapikit na ang kanyang mga mata at medyo nakaawang pa ang kanyang mga labi. "Miss Mikha?"
Dahan-dahan akong umakyat sa kama nya saka sinundot sundot ang kanyang pisngi. "Tulog ka ba, Miss Mikha?" Hindi man lang siya natinag. "Tulog nga! Mas okay iyang ganyan ka! Kesa iyong gising ka na wala ka namang ginawa kung hindi mangbwisit ng tao! Ay hindi pala kung hindi bwisitin lang ako! Dahil ako lang naman ang kilala mo!" Akma ko sana siyang babatukan pero syempre baka bigla siyang magising. Napabuntong hininga na lang ako saka muling tumayo at inilibot ang tingin sa buong kwarto.
Since maayos na ulit ang lahat ng ginulo nya, (syempre salamat kay Elsa) pwede na ulit nya itong guluhin bukas! "Saan ba ang make up remover nya?" Naglakad ako papunta sa kanyang vanity mirror saka tiningnan ang mga gamit sa ibabaw nito.
"Kung buhusan ko kaya siya ng tubig para isang madaliang hilamos na agad?" Napangisi ako sa aking naisip saka umiling-iling. "Hindi Maloi, anak pa rin yan ng amo mo!" Parang baliw na pagkausap ko sa aking sarili. Pumasok ako sa banyo saka ako kumuha ng malinis na towel at nilabhan ito. Kinuha ko na rin ang bulak at cleanser na nahagilap ko sa may ibabaw ng sink nya.
Muli akong napabuntong hininga nang lapitan ko siya sa kanyang kama. "Ni hindi man lang nakuhang magtanggal ng sapatos! Hay naku! Mayayaman talaga!"
Agad ko siyang tinanggalan ng make up at pinalitan ng damit (pumikit ako habang ginagawa ko ito, pero syempre joke lang dahil parehas naman kaming babae) saka ko pinunasan ng towel na nilabhan ko gamit ang body wash nya. "Kaya pala ang bango bango nya." Sinamyo ko siya sa kanyang leeg. "Ang sarap mong kagatin kung hindi lang ako natatakot na mahawa ng ugali mo!" Bulong ko pa saka ako tumayo.
Muli ko siyang pinasadahan ng tingin (at nang masatisified ako sa pagpapalit sa kanya at nang maiayos ko ang paghiga nya), iniligpit ko na ang mga gamit nya saka ako muling lumabas ng kwarto. "Goodnight Miss Mikha!" Angil ko saka ko siya binelatan at pinandilatan ng mga mata.
***
"Maloooiiii!!!"
Napatigil ang dapat na pagsubo ko sa pandesal na may palamang ham nang umalingawngaw sa buong bahay ang napakagandang boses ni Miss Mikha! Sa sobrang ganda ng boses nya gusto ko na lang na hindi ito marinig! Mabuti hindi siya napapaos!
"Maloi tawag ka ni Miss Mikha!" Pukaw ni Elsa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mukha bang hindi ko narinig ang babaeng 'yon?! "Pwede bang isubo ko muna itong kinaka--"
"Maloi!!"
Naipatong kong muli sa plato ang hawak kong tinapay at napatayo nang bumungad na sa aming harapan ang may-ari ng napakagandang boses na'yon. "Y-Yes p-po Miss Mikha?" Para tuloy akong sundalo na nahuli ng kanyang commander.
"Why do you have to let me shout your name many times before you answer?!"
Dalawang beses pa lang, many times na ba agad 'yon?! "May kailangan po ba kayo?"
She raised her brows and crossed her arms. "Obviously! Why would you think I call you?"
Nuknukan na nga ng sungit, nuknukan pa ng pilosopo! Akala mo naman nakadagdag iyon sa appeal nya! Ikalat ko kaya sa social media ang mga pictures nyang kinunan ko kagabi habang natutulog siya?! Sinulyapan ko si Elsa na mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. Bwisit! Pihadong pinagtatawanan na naman ako ng babaeng ito. At kakantyawan na naman nya ako dahil hindi raw umuubra ang kasungitan ko kay Miss Mikha. Malamang, eh anak siya ng amo namin. Paano ko naman siya susungitan!
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...