MIKHA
"Wow! Are you really smiling, Lim?!"
Nakakaloko ang ngisi ni Jhoanna nang tingnan ko siya. "No! I'm frowning!" I retorted sarcastically and snorted. Pero hindi pa rin maalis alis ang ngiti sa aking labi.
"Mikha, dapat na ba akong kabahan kasi ngumingiti ka ng ganyan without any fans in the area?" Nagkunwari pang lumilingon sa paligid si Jhoanna na tila nagchecheck kung may mga fans ba sa paligid. Samantalang nasa loob lang naman kami ng private office ng isang TV station.
Ayokong magreklamo sa kakulitan ng babaeng kaharap ko ngayon dahil (masakit man tanggapin) matalik ko siyang kaibigan. We grew up together. At hindi pa kami nagkasawaan dahil parehas din kaming nag-aral abroad.
We even decided to build a partnership in an entertainment agency kung saan we are both co-producer. Besides, siya rin ang tumatayong Manager ko as an artist.
"Tigilan mo nga ako!" Ayokong patulan ang pang-aasar nya dahil walang sino man ang makakasira ng mood ko ngayon.
I smiled at the thought. Hindi pa rin mabura sa isipan ko ang namumulang mukha ni Maloi nang ngitian ko siya at kindatan. Oh God, does she even aware how attractive she looks like? I mean, kung una mo siyang titingnan, para lang siyang tipikal na babae, pero habang tumatagal mo siyang tingnan paganda siya ng paganda.
Tapos ang katawan nya na hindi naman masyadong payat at hindi rin masyadong mataba ang isa sa kahinaan ko. I know I may sound like a pervert right now, but damn! She's just my ideal girl! May mangilan ngilan na rin naman akong nakafling sa US, pero iba pa rin kapag kapwa mo Pilipina. Besides we're talking about Maloi here.
"Mikha?! Hello! Can you come back to earth?!" Pumitik pitik pa sa harapan ko si Jhoanna.
"What?!?" I rolled my eyes and ignored her.
"Are you even listening to me?!? And can you stop ignoring me!" Hinampas nya ako sa hita dahilan para mapangiwi ako.
"Ouch! What's your problem ba?!"
She immitate my action and rolled her eyes. "You are my problem! You keep on complaining to me na walang nag-aasikaso sa'yo at walang nag-iintindi everytime may shoot ka. Pero kapag binigyan naman kita ng PA, tatarayan mo lang at papahirapan kaya ka nilalayasan!"
"Because you keep on giving me incompetent PA's!"
"At choosy ka pa?! Sa palagay mo sinong tatagal sa ugali mo ha? My God Mikha, everytime na naghahire ako ng PA for you, its either papakitaan mo sila ng kamalditahan o ikaw mismo ang magpapalayas. Pasalamat ka nga at wala pang lumalabas na bad issue against you!"
"Jho, please lang, do you think I don't have my reasons? What can I do kung iyong mga nahire mo ay hindi makasabay sa mga pangangailangan ko."
"Napaka perfectionist mo kasi at napaka demanding!"
I snorted. "I'm not perfectionist! Like for example the last PA, masama bang magpatimpla o magpabili ako ng kape sa kanya? I gave her a clear instruction tapos at the end mali pa rin iyong ibinigay nya sa akin? Its just a basic task, Jho! What if may ipinagawa pa akong mas mahirap dun?!"
Napailing-iling na lang si Jho saka napabuntong hininga. "Then much better ikaw na ang maghanap ng sarili mong PA!" Asik niya saka tumayo sa kanyang kinauupuan. "Let's go! Nagmessage na sila!" Tukoy nya sa production team kung saan may meeting ako para sa guesting ng isang TV show.
Sinulyapan ko muna ulit ang aking sarili sa salamin saka tumayo at sumunod sa kanya. "And where do you think I find time to look for one?!"
She gave me a side glance. "Then maghintay ka hanggang makahanap ako ng bago!" Mahina niyang sabi. "And by the way, the condo unit is already furnished and ready to be moved in."
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...