"Nandito ka na naman!!" Pinamewangan ng walong taong gulang na batang babae ang kapwa nya bata na may makakapal na kilay.
"Why? Are you the owner of this park?"
"Hindi! Pero alam ko kukulitin mo lang ako para makipaglaro sa'yo eh!"
Ngumiti ng ubod ng lapad ang batang babae na may makapal na kilay. "Yes! I wanted to play with you!"
Pinagsalikop naman nya ang kanyang dalawang kamay at inilagay ito sa tapat ng kanyang dibdib. "Gusto mo palaging makipaglaro sa akin, eh hindi mo pa nga alam ang pangalan ko eh!"
"What's your name kasi?" Lumapit pang lalo ang batang babae sa kanya saka lalong ngumiti.
"Yves! Ikaw? Anong pangalan mo?!"
"I'm Janna!"
"Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo!"
"Yours is beautiful as well! Same like you!"
Ngumiti naman ang batang Yves na nagpalabas ng maliliit niyang ngipin. "Talaga? Baka nagsisinungaling ka ah!"
Mabilis namang umiling si Janna. "No! My Mom told me that lying is a sin! And all liars will go to hell!"
Nagkibit balikat naman ang batang Yves. "Okay. Sabi mo eh!" Tumalikod na siya saka naglakad paalis.
"Wait Yves! I thought we're going to play?"
Huminto naman si Yves saka siya binelatan. "Bleh! Paano ako makikipaglaro sa'yo inglis ka ng inglis!"
"What? Then you can just teach me how to speak tagalog. I know how to speak and to understand but I'm not as good as you!"
"'Bala ka dyan!" Muling naglakad palayo si Yves.
"Ha? Wait nga lang eh!" Nagmamaktol na humabol si Janna kay Yves saka siya pinigilan. "Hey!"
"Kapag tinuruan kita anong kapalit?"
Nagsalubong ang kilay ni Janna. "Why do you need to ask something in return?!"
"Okay! Sa iba ka na lang magpaturo!" Muli sanang tatalikod si Yves nang pigilan ulit siya ni Janna.
"Oo na nga! Okay okay! What do you want me to do?"
Lalong lumapad ang ngiti ni Yves. "Sige, tuturuan kitang magsalita ng tagalog at lagi lagi akong makikipaglaro sa'yo sa isang kondisyon!"
"What?" Humalukipkip si Janna saka napasimangot.
"Tutuparin mo ang lahat ng pangarap ko!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Janna. "Whaaaat? What do you think of me fairy God mother?!"
"Alam ko kasing mayaman ka! Madami kang pera kaya madali mo lang matutupad ang mga pangarap ko!"
"And why would I do that?!"
"Oh eh di huwag na nga!" Muling tumalikod si Yves at naglakad ulit.
Nagpapadyak naman si Janna saka naiinis na sumunod kay Yves. "Okay fine! What is your pangarap ba?"
Ngumiti ng malapad si Yves saka nagtatakbo!
"Hey! Where are you going?!"
Sinenyasan ni Yves si Janna na sumunod sa kanya. "Halikaaa! Bilisan mo Janna!!!"
Ngumiti naman si Janna saka mabilis na tumakbo sa direksyon ng batang babae. Habol nya ang kanyang hininga nang huminto sila sa isang malaking puno kung saan may isang bahay kubo sa taas nito.
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
Fiksi PenggemarMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
