MALOI
Napalunok ako at pasimpleng inilibot ang aking tingin sa loob ng opisina ni Mikha. Everything about the office screams money, power and authority.
Ang dami na rin nga palang nagbago. Bagamat may mga appearances pa rin si Mikha Lim sa entertainment industry, hindi na siya ganoon ka-active at mas tuon na ang atensyon nya ngayon sa business partnership nila ni Jho. Ang RL Talent Management Agency. Recently ko lang din nalaman na sila pala ang may-ari nito. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng Mikha na nakilala ko three years ago—bago ko siya iniwan.
Oo, iniwan ko siya. Ang tanga tanga ko 'di ba?
"Look whose here?! I was never really surprise to see you at all! But I never expected to see you this soon!" Puno ng sarkasmo ang tinig niya. Hindi nawala sa pansin ko ang pagkuyom niya ng dalawa nyang kamay at ang pagtitimpi sa kanyang boses.
Wala ng dahilan para masorpresa pa ako sa ganitong reaksyon mula kay Mikha. At hindi na rin nakakapagtaka pa na hindi na rin siya nagulat na nakatayo ako ngayon sa kanyang harapan.
Hindi ko tuloy naiwasang mahigit ang aking hininga nang mabungaran ko siya ngayon. Kahit binabalot na ng kaba ang dibdib ko, kompyansa naman ako sa sarili ko na hindi ako magagawang saktan ni Mikha.
Talaga ba Maloi? Kahit tatlong taon na rin ang lumipas?
"A-Alam m-mo n-naman n-na siguro ang dahilan ng pagpunta ko rito, M-Mikha.."
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka napailing-iling. Tumayo siya sa kanyang office chair saka dahan-dahang naglakad palapit sa akin.
Gusto kong maiyak ngayong kaharap ko na ulit siya. Kahit napapanood ko siya sa TV, iba pa rin talaga ang pakiramdam ngayong magkaharap na kami. Lalo siyang pinaganda ng panahon. Pero parang may kulang. Ang mga mata niyang ang lalim tumingin —na puno ng pagsuyo at pagmamahal kapag napapatitig sa akin— ngayon ay puno na ng galit at poot.
"I don't know from where you're getting the guts to even show up yourself in front of me!" She said angrily and snorted.
"Mikha, h-hindi ako nagpun--"
"I don't give a fucking damn for whatever shit that you're going to tell me!!!" Sigaw nya dahilan para mapasinghap ako. "Get out!" Itinuro nya ang pinto habang napapatiim bagang. "Get out of here before I do something beyond my control!"
Napapikit ako ng mariin saka humugot ng malalim na hininga. Hindi ka pwedeng umuwi nang wala kang nahihitang kahit ano, Maloi! Sumagi sa utak ko ang mukha ni Sheena.
"Shee, bakit ka umiiyak??" Agad kong sinalubong ng yakap si Sheena. Para siyang bata at humagulhol ng malakas sa aking balikat.
"A-Ate M-Maloi, b-binawi n-nila a-ang k-kontrata k-ko.."
"Ano?!" Nagsalubong ang aking kilay saka siya hinawakan sa magkabilang balikat at pilit pinaharap sa akin. Pinunasan ko ang kanyang mukha na basang basa ng luha.
Nag audition sa isang talent agency si Sheena. She already passed the three screenings at ang pagkakaalam ko ay contract signing na siya.
Choreographer/Back up dancer ang magiging trabaho niya. Para sa kanya hindi lang ito tungkol sa pagkita nya ng pera kung hindi para na rin sa pangarap nya. Ang tagal tagal na niyang hinintay ang break na ito.
"Pero bakit? Akala ko ba okay na ang lahat? Saka nakausap ko rin si Colet ah. Sabi niya na sure na raw na tanggap ka 'di ba?" At sino bang mag-aakala na isa si Colet sa mga critics kung saan nag audition si Sheena. Pero bago ko pa man malaman 'yon, talagang naipasa na ni Sheena ang three phases ng screening. Kaya ang pagkakapasa ni Sheena ay bunga talaga ng hardwork nya. Nagulat na nga lang din ako na lumipat na pala ng talent agency si Colet.
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
Fiksi PenggemarMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
