13

386 19 0
                                        

MALOI

"Maloiiiiii!"

"Oohh?" Nangunot ang noo ko sa sigaw ni Mikha pero hindi ko naman siya nilingon dahil alam kong nakahiga na siya sa kama sa kwarto.

"What are you doing?"

"Naghuhugas ako ng plato."

"I'm sleepy na. Aren't you coming?"

Napangiti ako habang naiiling. "Oo. Susunod na ako. Tatapusin ko lang 'to."

"Ookkaaay.." Pakinig ko pa pati ang paghikab nya. "Make it fast ha? I love you.."

"Okay po. Love you."

"Whaaaat??"

I rolled my eyes kahit pa nga alam ko namang hindi kami magkaharap at hindi nya makikita. "Sabi ko I love you too!" Ang daming arte sa buhay. Gusto parati buo, parehas lang namang love.

"Good. I'll sleep na ha? Come fast."

"Okay okay!" Naiiling kong sabi saka tinuyo ng towel ang aking mga kamay. Napahinga ako ng malalim saka naglakad sa may sofa at naupo.

Isinandig ko ang aking ulo sa may sandalan at blankong napatingin sa ceiling.

"Do you know what you're getting yourself at, Hija?"

Napatingin ako ng derecho sa mga mata ng ama ni Mikha Lim. Kasalukuyan kaming nakaupo sa two seater table na nasa pool area ng kanilang mansyon at kakatapos lang naming mag dinner. Naiwan kaming dalawa ng lalaking Lim dahil inaya ni Madam ang kanyang anak sa library at may nais daw itong i-discuss sa dalaga. Kahit alam kong ayaw akong iwan ni Mikha wala naman siyang nagawa dahil mukhang ang intensyon talaga ng mag asawa ay makausap ako ng lalaking Lim ng mag-isa.

Mahinahon lang naman ang tono ng pananalita ng lalaki at kalmado lang ang ekspresyon ng kanyang mukha pero hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan ng sobra. "H-Hindi k-ko po kayo maintindihan S-Sir.."

He smiled and looked straight to my eyes. "Let me get it straight to you, hija." Sumimsim muna siya sa kanyang iniinom na tsaa bago nagpatuloy. "I don't care who ever my children wants to date. Me and her Mom are already in the generation where we accept everything if it means it will make them happy."

Napangiti ako ng matipid. Kahit paano nabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil sa aking mga narinig. Pero sigurado akong hindi pa rito nagtatapos ang lahat.

"Have Mikha told you about her case?"

Makahulugan akong tiningnan ng ama ni Mikha. Tila ba may gusto siyang makita mula sa aking mga mata. Napakagat labi ako at marahang tumango.

"Kung ang ibig nyo pong sabihin ay ang tungkol sa pagkakaroon ni Mikha ng BPD..." Nagkibit balikat ako at saka matapang na sinalubong ang kanyang tingin. "Nabanggit na po niya ito sa akin."

He creased his brows and nodded. "I see.." Hindi ko tuloy matantya kung ano bang ibig sabihin ng ekspresyon nya ngayon. "She seems to trust you enough para sabihin niya ang tungkol sa 'sitwasyon' nya."

Tumango tango ako sa kanya at saka bahagyang ikinuwento ang unang nangyaring outburst kay Mikha.

After that night, dinala ako ni Mikha sa private clinic ng kanyang Psychiatrist early in the morning. Punong puno ng katanungan ang utak ko noon pero ipinaliwanag nito sa akin kung ano ang ibig sabihin ng BPD at ang kinalaman nito kay Mikha.

"Borderline personality disorder (BPD) is a complex condition. It affects how a person feels about themselves and others. BPD is characterized by intense, unstable emotions and relationships as well as insecurity and self-doubt. BPD makes everything about a person feel unstable, ranging from moods, thinking behavior, relationships, and sometimes identity. People with this condition have described BPD as the feeling of having an exposed nerve ending, essentially leaving someone to be easily triggered by small thing."

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now