10

27 4 0
                                    

MIKHA

'Baby, kainin mo ito lahat ha? And drink the juice that I made for you. I love you. ~M'

Nakangiti kong binuksan ang lunch box na niready kaninang umaga ni Maloi. Mas lalo pang lumapad ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang laman nito. Vegetable salad, rice, salmon with gravy sauce.

"Wow parang ang sarap nyan ah!"

"Yeah!" Masigla kong sabi. Nabura ang ngiti sa aking labi nang matunghayan ko si Aiah. Nakatingin din siya sa lunch box ko.

"Luto ng PA mo?"

Napatikhim ako at pilit na ngumiti. "Yap! Luto ni Maloi!" I said proudly while correcting what she said. I don't like it when people see Maloi as my PA, 'cause she's more than that. If only they knew.

"Swerte mo rin kay Maloi 'no? Talagang alagang alaga ka nya." Umupo siya sa tabi ko saka napatikhim. "So what's your plan after our shoot?"

Since our first appearance together in that game show, the public love our chemistry (by which, I don't really understand dahil nagpapaka totoo lang naman ako kapag nagkakasama kami). Parang naging big break sa aming dalawa dahil dumagsa ang mga offers and some projects na malimit kaming magkasama. Now, may shoot kami for a T.V. commercial para sa isang product.

"I'm not really sure. I need to double check with Jho." Speaking of my manager/bestfriend, where is she?

"I asked her when I bumped into her sa studio. After nito free na raw iyong sched mo."

"Really?" Muli ko ng tinakpan ang lunch box saka ito ibinalik sa loob ng bag. Mamaya ko na lang ito kakainin. "Finally! I can go home early!" Should I surprise Maloi? Maybe I can reserved a restaurant and we'll have dinner outside?

"Would you like to come with me? As my plus one? Please???" Pinagsalikop pa ni Aiah ang dalawa nyang palad at yumukod habang nagpapa-awa effect. "One of my friends is getting married. Ayoko sanang umattend mag-isa. I'm not really that good at getting along with people."

Tipid akong ngumiti saka siya sinulyapan. I won't deny the fact that Aiah is a beauty. I don't even have any complain about her personality and attitude. Ni hindi ko siya nakitang nagalit o nainis kahit kanino simula noong nakilala ko siya. Palagi lang siyang nakangiti.

But I love Maloi. And I don't want to give her any more reasons to cry about the closeness that I have with Aiah. Kahit wala namang dapat ipag-alala pa si Maloi, still, hanggang pwede kong maiwasan, iiwas na ako. Dahil hindi ko gustong makita na malungkot o umiiyak siya.

"Baby, I'm back!" Inilibot ko ang tingin sa loob ng aking condo upang hanapin si Maloi. "Maloi baby, where are you?" Ibinaba ko sa kitchen top ang pinabili niyang stocks ng grocery.

I went for a run. At nang tanungin ko siya kung gusto nyang sumama, tinatamad daw siya. Instead nagbilin na lang siya na dumaan daw ako saglit sa grocery dahil magluluto raw siya. It's Saturday and it's our lazy day! Gusto ko sanang magdate kami, kaso sabi ulit nya, dito na lang muna raw kami sa condo at ipagluluto na lang nya ako.

"A-Andyan ka na?" Sigaw nya mula sa kanyang kwarto.

"Yes! I bought everything you need!" Hinubad ko lang ang aking running shoes saka ito inilagay sa shoe rack. If it were my old self, I will just throw it anywhere. But I don't want to hear Maloi's golden voice when she rant about my habit. "What are you doing?"

"Maligo ka na ng derecho! Huwag kang papasok dito sa k-kwarto!"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Why?" Of course mas lalo akong na-curious kaya naman naglakad pa rin ako papunta sa kwarto nya. "What's going on?"

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now