11

21 4 0
                                    

MALOI

"Why do you have to wear a dress like that, Maloi?!?"

Tumingin ako kay Mikha na salubong ang kilay. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapairap dahil sa paraan ng pagtingin nya sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi naman nakakaeskandalo itong suot ko. Ilang pulgada lang ang iniangat nito mula sa aking tuhod pero kung tingnan nya ako para bang kita na ang kaluluwa ko. "Kung gusto mo huwag na lang akong sumama!" Naiinis kong maktol.

"Just go back inside your room and change!" She ordered while rolling her eyes.

"Seryoso ka ba?! Mikha Lim patatlong beses ko na'tong pinalitan!" Marahas kong sinuklay ang aking buhok at tiningnan siya ng masama.

"Just do what I say!" Bale wala niyang sabi saka ako tinalikuran.

Napabuga ako ng marahas na paghinga at nagpapadyak. "Bwisit talaga!!!!" Wala na akong nagawa at tumalikod na rin ako sa kanya saka muling pumasok sa loob ng kwarto. Bakit ba ako nakikipagtalo pa sa kanya? Wala rin namang kwenta dahil siya rin ang nasusunod palagi! Eh kung huwag ka na lang kayang sumama?!?! Umiling iling ako. "Hindi pwede! Si Miss Aiah ang pinag-uusapan dito!"

Binuksan kong muli ang aking closet saka pinasadahan ng tingin ang aking mga damit. "Ano bang dapat kong isuot?! Akala mo siya ang may birthday at siya ang nagdedecide kung anong dress code!" Napabuntong hininga na lang ako saka hinubad ang aking dress na suot at mabilis na nagpalit.

"Aren't you done?!" Nasa tono na ng boses na ni Mikha ang pagkainip.

"Ilang beses mo akong pinagpalit tapos ngayon nagmamadali ka?!" Padabog kong kinuha ang aking shoulder bag at cellphone saka lumabas ng kwarto. Nakita ko pa kung paano nya ako pinasadahan ng tingin. "Pagpalitin mo ako ulit Mikha Lim! Sinasabi ko sa'yo wala ng aalis ng condo na'to!!!" Puno ng pagbabanta kong asik sa kanya.

Nagsuot na lang ako ng skinny jeans at white floral blouse at pinaresan ko lang ito ng black boots na may takong para hindi naman ako manliit sa tabi nya. Mukha namang approve na sa kanya dahil wala na siyang sinabi. Lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa kamay. "Let's go."

Hindi na ako nagsalita at nagpatianod na lang sa kanya. Siya na rin ang nagdecide na magmaneho at hindi na ako nakipagtalo pa.

***

Medyo matao na sa restaurant na nirentahan 'di umano ni Miss Aiah nang makarating kami sa lugar. Nakikita ko na ang mangilan ngilang artista na obvious na malapit kay Miss Aiah.

Sinalubong agad kami ni Jhoanna na may malapad na ngiti. "Wow, just in time huh?" Kantyaw nya kay Mikha at humalik dito saka ako binalingan. "Oooohh, bakit naman nakasimangot ang beautiful friend ko?" Puno ng kahulugan niyang tanong.

Itinirik ko lang ang aking mga mata saka tiningnan ng masama si Mikha na hindi naman ako pinansin.

"I know the feeling my friend!" Makahulugang sabi ni Jhoanna sa akin saka umangkla sa aking braso kahit wala pa naman akong sinasabi. "I've been with her almost half of my life, Maloi. She's always like that!"

"Hindi mo pa nga alam ang story, nagrereact ka na agad!" Nakataas ang kilay ni Mikha saka tinanggal ang braso ni Jhoanna sa braso ko. "Let's go and greet the celebrant!"

"Mikha.." Mahina kong saway.

"What?!" She looked at me innocently. Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakaakbay nya sa akin.

"Maraming pwedeng makakita sa--"

"Don't tell me what to do, Maloi!" Mariin niyang putol sa sinasabi ko saka ako iginiya sa kinaroroonan ni Miss Aiah.

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now