9

40 5 3
                                    

MALOI

Alam nyo iyong sinasabi nila na 'She fell first but he fell harder!' ? Siguro dapat ko ng isali ang sarili ko sa sinasabi nilang 'yan. Oo, umpisa ko pa lang na nakita si Mikha, nagustuhan ko na siya. Pero ibang sitwasyon 'yon noon. Dahil mas pinairal ko ang utak ko at ang kaalaman na hanggang pangarap ko lang ang isang kagaya nya.

But then, nagtapat siya ng nararamdaman niya kaya iyong damdamin ko sa kanya noong umpisa na itinago ko sa kasulok sulukang parte ng puso ko ay muling nabuklat. Mas matindi pa, mas lumala at mas lumalim.

Ngayon nasa punto na ako ng damdamin ko na araw-araw na lang gusto ko siyang makita. Ay hindi pala, araw araw pala na gusto ko siyang makasama, makausap, makaasaran, makatawanan, makayakapan– iyong tipong halos magkakapalit na kami ng mukha.

Pero syempre, hindi naman pwede 'yon. May sarili pa rin siyang buhay at ganon din ako. May career siya at ako naman kahit nagtatrabaho pa rin ako bilang PA nya, ay nag-aaral sa gabi.

"Hay Mikha Lim! Ano bang pinakain mo sa akin?!" Kausap ko sa picture nya na nasa cellphone ko.

"Huy! Bakit nagsasalita ka na naman dyang mag-isa!" Napatingin ako kay Maki na bahagya pang pinatid ang aking balikat upang makuha ang aking atensyon.

Umupo siya sa bakanteng silya na nasa aking tabi. Isa siya sa mga kaklase ko at nakagaanan ko agad ng loob. Tulad ko nagtatrabaho rin siya sa umaga. Iilan lang din kasi kaming estudyante na panggabi kaya agad ko rin siyang naging kaibigan.

"Yung idol mo na naman yan 'no?!" Kantyaw pa nya sa akin nang masulyapan nya sa aking cellphone ang mukha ni Mikha.

"Anong idol? Jowa ko kamo!" Binelatan ko lang siya saka itinago ang cellphone sa aking bag. Hinihintay namin ang aming instructor na mukhang balak na namang magpagawa lang ng activity dahil hindi pa rin siya dumarating hanggang ngayon.

Naghalumbaba siya sa harapan ko saka tumingin sa akin ng seryoso. "Alam mo, hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na girlfriend mo siya!"

Napaingos ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Oh bakit? Dahil ba sobrang ganda nya, tapos mayaman pa at sikat kaya hindi siya nababagay sa akin?! Langit siya at lupa ako ganon ba, ha Maki?!"

Marahan niya akong pinitik sa aking noo. "Tongeks! Hindi iyon ang ibig kong sabihin ha! Wala naman akong bad comment tungkol sa gf mo! Ang totoo nga nyan, isa siya sa mga hinahangaan kong artist. Talaga namang talented siya eh! Naks! Kinilig ka na naman para sa jowa mo!"

"Baliw! Malamang proud lang ako syempre!"

"Sus! Pero ang ibig kong sabihin, on your side ba. Iniisip ko na parang hindi katulad niya iyong nababagay sa'yo."

"At bakit?!" Kaya madali ko ring nakasundo itong si Maki dahil pranka siyang tao. Kung ano ang nasa isip niya sinasabi niya ng derecho.

Noong una, gusto nya akong ligawan. Crush na crush daw kasi niya ako noong first day nya akong nakita. Pero tinapat ko agad siya at sinabi ang tungkol sa amin ni Mikha. Akala ko iiwas siya, pero sinabi niya na tanggap naman daw nyang busted na sya, huwag ko lang daw ipagkait sa kanya kahit friendship lang.

"Ang tingin ko kasi talaga sa'yo, realistic na tao. I mean, para bang nakikita ko sa'yo iyong tipong simple ka lang mangarap. Na simpleng buhay lang naman ang gusto mo. Sure ka bang kaya mong mag-adjust sa mundo ni Mikha Lim mo?"

Napangiti ako saka mabilis na nag-iwas ng tingin. Kaya siguro magaan ang loob kong magsabi ng kahit ano kay Maki dahil madali lang nya akong nababasa. "Ewan ko, Maki. Ayoko na munang isipin 'yan sa ngayon. Ang totoo nyan, ramdam ko naman kay Mikha iyong sincerity nya, pero kapag sinasamahan ko siya sa mga shooting niya kung minsan hindi ko maiwasang manlumo. Iyong tipong ayun siya, nakatapos ng mag-aral, madami ng naipundar, maganda na ang career tapos ako heto pa lang! Iyong tipong palagi akong sinasampal ng katotohanan kung gaano kalayo ang agwat nya sa akin!"

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now