KABANATA XI

28 19 0
                                    

The smell of medicine? Nasaan ako? Bakit tila may nararamdaman akong nakaturok sa mga katawan ko. Bakit tila may sumisigaw?

"Emi, iiwan mo ko sa mokong na to?"

"Emi, tulungan mo ko"

"Emi, make sure to hide yourself okay?"

'Parang awa niyo na po wag niyo pong papatayin si dad-'

Bang

'Emily, makinig ka. Wag na wag kang lalabas dito, okay? Naiintindihan mo? Promise mong aalagaan mo ang kapatid mo ha'

Bang

'Bitawan niyo si mama parang awa niyo na po, wag niyo pong-'

Bang

Bang

Bang

No, parang-awa niyo na po wag niyo pong kukunin ang pamilya ko, wag niyong ilayo sa akin ang mga kaibigan ko.

NO, PLEASE NO

"NOOO" bigla na lamang akong napabalikwas ng bangon, at ngayon ko lamang napansin na pawis na pawis ako ng dahil sa panaginip na iyon. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga dahil tila hinahabol na naman ako ng nakaraan ko. Napapahawak na lamang ako sa aking noo at hindi ko na rin naiwasan pang mapasabunot dahil sa takot.

Ngayon ko lang rin napansin na kanina pa pala tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Napatitig lamang ako sa aking mga kamay habang sunod-sunod na mga patak na luha ang bumabagsak, nakayuko ako habang naaalala ang sigaw ni Shy noon sa exit. Habang si Valle naman ay naliligo sa sarili nitong dugo, habang ako wala man lang akong nagawa.

Ang sakit na tila lahat nalang ng mga taong mahalaga sa akin ay tila inilalayo sa akin, tadhana nga naman oh. Napayakap na lamang ako sa aking sarili habang walang humpay ang luhang dumadaloy sa aking pisngi.

You know that I can't even show any emotions in front of them, but I want to hug them and tell them they're the most important people who have come into my life. If only I could turn back time, I hope to see you again. I replay those moments in my mind-the laughter, the shared secrets, the support during tough times. Every memory feels like a treasure that I wish I could hold onto forever.

Naputol na lamang ako sa aking pag-iisip nang biglang may pumasok, ngunit hindi ko alam kung sino nga ba ang pumasok. Tila nawawala pa rin ako sa aking isipan, at parang nagunaw na ang mundo para sa akin. Ang ingay sa paligid ay naglaho, at tanging ang tunog ng aking puso ang aking narinig, bumubulong sa akin na harapin ang mga taong narito.

"Emily Sandoval, or should I say Emily Schmidt?" Unti-unti akong napaangat ng ulo nang marinig ko ang pangalan na saad nito, at hindi ko na nagawang itanggi kung sino nga ba talaga ako. Napatitig lamang ako sa lalaking kaharap ko ngayon na hindi naman ito katandaan. Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. Kung hindi lamang namatay si dad, halos magkaedad lamang sila. Nais kong magsalita, ngunit ang mga salita ay naipit sa aking lalamunan, tila nag-aalangan sa mga emosyon na gusto kong ipahayag.

Napalingon rin ako sa mga lalaki mula sa likuran nito na nakasuot ng itim na formal attire, habang nakatikas ang mga ito at nakalagay ang mga kamay nila sa kanilang likuran. Ang kanilang mga tingin ay matalim, parang mga guwardiya na handang ipagtanggol ang kanilang lider. Ang atmosphere ay puno ng tensyon, at sa bawat segundo, parang may mga tanong na nag-aabang sa akin. Ano ang nais nilang malaman?

Sa gitna ng lahat ng ito, nais kong ipakita ang aking tunay na sarili, kahit gaano ito kahirap. Alam kong may mga sagot na kailangang ibigay, at mga alaala na kailangang harapin. Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, handa na akong lumaban para sa aking mga alaala at sa mga taong mahalaga sa akin.

A Royal Espionage (Reale Series #1)Where stories live. Discover now