Chapter 1

15 0 0
                                    










Hindi ko alam kung talaga bang may pagka-lampa ako o sadyang nahihilo pa ako dahil sa hangover ko, nagkalat kase yung mga gamit ko sa hallway ng madapa ako. Hindi ako agad nagising dahil lumabas nanaman ako kagabi. May head still hurts pero kiber lang, kakayanin kong umusad ngayong araw kahit gumapang nalang ako.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at isinalaksak lahat iyon sa aking totebag. Nagmadali na din akong pindutin ang button ng elevator para makababa agad.

"Good morning po Ma'am Liana" bati sa akin nung mabait na lady guard ng condominium. Ngumiti ako sa kanya at nagwave nalang dahil malalate na ako. Inayos ko pa yung buhok at palda ko bago ako tuluyang lumabas ng building.

Tumingin ako sa relo. 7:23am

My class starts at 8. Shit really happens when you have too much fun. May bawi talaga ng malala sayo kinabukasan. Tinignan ko yung Ride App ko sa phone, 3 mins pa bago dumating yung rider.

Nagbook lang ako ng motor ride kase di ko na afford mag-taxi or mag-kotse. Nag-angkas nalang ako dahil kapag motor, mabilis sumingit sa mga eskinita unlike kapag kotse pa, baka lalo lang akong matraffic sa daan.

Perfect attendance ako lagi at never akong nalalate, ayaw kase ng tatay ko ng late at ayaw niya rin ng pala-absent. Pero ewan ko ba bakit parang ang lakas ng amats ko kagabi.

Ilang minuto pa ay dumating na ang ride ko. "Kuya sa Santo Ro ka dumaan, pakibilisan na rin, late na kase ako." Hindi na ako masyadong nag-inarte at sinuot ko na rin ang helmet. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko, importante makapasok ako ng hindi late. Pinaharurot naman ni kuya rider yung motor niya dahil iyon din ang bilin ko.

"Salamat kuya, keep the change." binigyan ko siya ng one hundred pesos at inalis na yung helmet tsaka nagmadaling pumasok ng gate habang nagsusuot ng ID.

"Uyyy ganda, di ka yata maaga today." Pang-aasar pa sa akin ni Kuya Manolo, siya yung guard sa first gate at medyo close kami. "Nalate lang ng gising kuya." Nagscan lang ako ng ID at kumaway palayo sa kanya. Nagmamadali na din kase talaga ako dahil ng tignan ko ang relo ko ay 7:52 am na. Otso minutos nalang masasabon na ako ni Prof Gilbert. Ayoko pa naman ng subject niya.


Tumatakbo ako ng mahulog yung librong kinuha ko sa bag ko. "Watch where you're going." Medyo maarte pa yung boses na narinig ko. Hindi ko na siya masyadong pinansin dahil nagmamadali na talaga ako. Nagsorry nalang ako at tumakbo dahil any minute pa ay darating na ang professor ko.

2 minutes nalang, 8 am na. Prof Gilbert, wag ka muna darating.

Pagpasok ko sa classroom, ay siya ring pagpasok ni Prof Gilbert kaya dali-dali akong umupo sa likuran katabi ng upuan ni Andy. "Good morning class..." Hindi ko na masyadong narinig ang iba pang sinabi ni Prof dahil parang babarilin nako sa chika nitong si Andrea.

"Akala ko hindi ka na papasok, Miss Perfect Attendance. Magkakahimala na sana." Inaasar niya pa ako at sinikuhan.

"So? Bakit ka late?" Hirit niya pa. Hindi ako nakasagot dahil gusto kong magfocus sa dinidiscuss ni Prof. Ang hilig pa naman magpaquiz nito after class, ayoko mabokya.

Pero as usual, hindi naman ako tatantanan nitong si Andrea, hindi siya titigil hanggat walang chismis na nasasagap mula sa akin.

"Later Dy. Makinig ka muna." Sabi ko nalang sa kanya. Nakita ko pa siyang nagpuppy eyes sa akin. Kung di ko lang siya bestfriend, baka natusok ko na ng ballpen mata neto e. Ang chismosa kase.

Architecture students kami ni Andy. Bestfriends na kami nito simula highschool, madalas kami i-compare sa isa't isa dahil magkaiba talaga kami. I'm usually the nerd type, and the obedient one, dahil iyon ang gustong image ng tatay ko para sa akin. Limitado lang din kase talaga ang totoong nakakakilala sa ugali ko.

Sunset OrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon