Prologue

15 0 0
                                    










"Saavedra, paki submit nalang yung mga plates ninyo before 3pm." Utos ko sa class beadle ng section 3102. Third year architecture students ang hawak ko this year.

"Class dismissed." Dagdag ko pa ng makita ko ang oras. It's 11:25 am, isang klase nalang pala ang natitira sa schedule ko para sa araw na ito. Part-time professor lang naman din kase ako dito sa University. Gusto ko lang ng extra na pagkakakitaan, may sariling business din naman ako but I wanted to do this. Iba lang din kase yung feeling kapag nakikita ko yung mga estudyante.

"Ma'am Lia, di po ba talaga pwedeng extend kahit hangang 5pm lang po." Lumapit sa akin si Denisse. Hindi ko alam pero parang nahabag ako sa itsura niya. Late na siyang pumasok kanina sa klase ko at ang gulo pa ng ayos niya kanina. "Sige, sabihin mo kay Saavedra extend ko hanggang bukas ng 8am yung deadline niyo." Dagdag ko pa, I was feeling generous today. Pakiramdam ko may magandang mangyayari sa akin.

Ngumiti siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Parang ayaw mo yata, Ms. De Jesus?" Tanong ko sa kanya. Dali dali naman siyang tumakbo papunta sa classroom at mukhang masaya ang kanyang mga kaklase sa naging anunsyo niya. Rinig na rinig ang hiyawan nila hanggang sa hallway.

Hindi naman ako masyadong striktong prof, kung kaya ko naman iadjust yung binibigay kong deadlines sa kanila at may sobrang araw pa naman ay ginagawan ko ng paraan. Hindi ako madamot dahil napagdaanan ko rin ang struggles ng isang estudyante.

Hindi naman ako nalalate sa mga assignments, projects or plates ko noon pero iba pa rin kase yung struggle pag alam mong naghahabol ka ng mga deadlines. Parang lalong pumapangit yung kinalalabasan ng ginagawa mo, at ayoko ng ganung output - yung minadali, parang hindi pinagisipan.





Binabati lang ako ng mga estudyante sa hallway kapag nakakasalubong nila ako. Yung iba nga ata dito crush pa ako. Charot! Wag tayong masyadong assumera, nakamamatay.

"Ma'am Lia, may naghahanap po sa inyo kanina sa baba." Salubong sakin ng isang student sa hallway. Nagtaka ako wala naman akong appointment today at wala naman din abiso sa akin ang mga kaibigan ko na pupuntahan nila ako.

"Ahhh talaga? Sino daw?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi niya po binanggit e. Pero ang gwapo ma'am, parang artista." Pagbibiro niya pa. Gwapo? Nasaan? Char.

"Ahh ganun ba, baka parent ng student ko. Nasaan ba?" Sunod ko namang tanong sa kanya. Lumingon pa siya at nakita ko sa may elevator yung tinuro niyang gwapong lalake.

Sh*t. Halos mahulog ko yung mga gamit ko sa kaba. "Sige Allison, baba na ako. Magstairs nalang ako ha. Naiihi na kase ako e" Palusot ko at nagmadaling bumaba para bumalik na ng faculty. Hindi naman din totoo na naiihi na ako, gusto ko lang umiwas.


Kapag minamalas ka nga naman, natapilok pa ako habang papasok ng faculty room. Ang generous ko pa naman din kanina sa pagbibigay ng extension sa deadline ng plates dahil akala ko may magandang mangyayari sa akin today.

Puro kamasalan pala darating sa akin.

Nakita naman ako ni Jen, at mukhang kakatapos lang din ng klase niya. "Okay ka lang girl?" Tanong niya pa sa akin habang sabay kaming papasok ng faculty room.

"Anyare sayo?" Dagdag niya pa.

Nilapag ko ang  mga gamit ko sa lamesa at umupo ako sa swivel chair sa may cubicle ko para makahinga ng maayos at para narin icheck yung paa ko. Hingal mula sa pagbaba at halong pagod na rin ang naramdaman ng aking mga paa lalo na't natapilok pa ako.

"I just need water, Jen. Nagstairs kase ako. Sira elev sa kabilang building tapos natapilok pa ako pag pasok ng faculty." Medyo sinungaling ka girl. Di sira elevator. Ayaw mo lang mag-elevator dahil baka may makasalubong ka.

Pero sympre tinanggap naman niya yung excuse ko.

"O sige, try mo i-cold compress para hindi mamaga. Punta muna akong canteen, may papabili ka ba?" Sabi niya pa, ngumiti nalang ako at inabutan siya ng fifty pesos.

"Mineral water lang. Thank you, Jen." Dagdag ko pa.

"Try mo rin mag-lipstick girl, ang putla mo." Dagdag niya pa. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, at totoo ngang halos wala ng kulay iyon.

Kinuha ko yung make-up kit sa bag ko at nag-lagay muli ng kolorete sa mukha.

"Ari." halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalang iyon. Limitado lang ang may alam sa pangalang iyon at hindi iyon ang gamit ko sa trabaho.

Tangina, bukod sa mga tao sa bahay, at kay mommy, siya nalang talaga ang tumatawag sa akin ng pangalang iyon. Ngayon ko na nga lang ulit narinig ang pangalan na iyon.

Lia lang ang usual na tawag sa akin ng mga estudyante at mga katrabaho ko. Kahit sa firm, Liana din ang tawag sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang lumingon ako.

Isang Archanghel. Lord kukunin mo na ba ako? Buti sana kung si Angel Gabriel or si Angel Michael ang nakita ko.

P*ta, hindi anghel e. Demonyo, engkanto, multo.


Multo ng nakaraan na ayaw akong lubayan at pakawalan.


"Ms. Francisco, sabi nitong si Architect ay kilala ka niya kaya sinamahan ko na siya rito sa faculty room. Mukhang may kailangan ata siya sa iyo. Ano nga ulit ang pangalan mo iho?" Nilingon siya ng dean namin.

"Architect Jacob Paul Guzman Archanghel." rinig na rinig ko yung mababa niyang boses. Imposibleng di mo naman siya kilala dean. Isa siyang Archanghel.



Nagkatinginan kami, anong ginagawa mo dito, Jace.

"Mauuna na ako sa iyo, Architect. Madami pa akong gagawin sa office." Pagpapaalam ni Dean Pascual sa kanya. Tumango ito at ngumiti, dahan dahan naman niya akong nilapitan.


"Pinahirapan mo ako. I didn't think you'd use your mother's last name." Sabi niya sa akin.

"How are you, love?" dagdag niya pa habang nakangiti, buti nalang at nakalabas na si Dean. Lalo siyang lumapit sa akin at hinila ang kamay ko. Nakita kong sinulyapan niya pa ang palasingsingan ko na para bang may hinahanap.

"What are you doing here, Jacob?" Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at umiwas ng tingin.

Para bang ini-inis talaga ako nitong si Jacob dahil hindi agad kumibo. Tumalikod nalamang ako at nagpanggap na inaayos ang aking mga gamit para sa susunod na klase.


"Can't I look for my wife? " Natigilan ako sa tanong niya. Kumunot ang aking noo at sinulyapan siyang muli.

"You're not even wearing your ring, my love." bulong niya pa sa akin. Nakakalokong ngiti ang nakita ko sa kanyang mga labi. Wtf, Jace. You're such an a-hole.

"Cut to the chase, Archanghel." Sabi ko sa kanya.


"Come back to me." He held my chin and I met his eyes.

"You already lost me, Jace." Bulong ko.

"I'm still your husband. You're still married to me." Sabi niya pa.

"I don't recall." Pagdepensa ko.





"I'll make you." Dagdag niya pa.

Sunset OrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon