Mag-4am in the morning na nang malingat ako sa pagkakatulog.Hindi ko man namalayan na nakatulog na rin pala ako sa kakaiyak mula kanina. Pinagmasdan ko lang matulog si Jacob na ngayon ay katabi ko.
Nakaramdam ako ng lungkot ng pagmasdan ko ang maamong niyang mukha. Halong hiya at lungkot ang nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang sinapit ko kagabi sa restaurant.
Ramdam na ramdam ko pa rin sa pisngi ko yung pagdapo ng kamay ni Daddy.
Ever since mom died, ganun na yung naging treatment niya sa akin. I felt na parang hindi na anak ang trato niya sa akin. Sometimes, pati ako, sinisisi ko na sarili ko kahit wala naman akong maalala.
One morning, I just woke up crying and they told me na mommy died already. Ang mas nakakalungkot pa, hindi ko naman alam kung ano ba talagang nangyari.
Basta ang alam ko lang, mom died on the night of my 7th birthday.
Hindi na rin ako makatulog kaya bumangon na rin ako at pumunta sa kitchen. I got some milk and made some grilled cheese sandwich, umupo sa couch at nagbasa nalang ng libro habang hinihintay mag-alas sais.
"Ang aga mo nagising." Napalingon ako ng biglang magsalita si Jacob habang sinasara ang pinto ng kwarto.
Parang lumukso ang puso ko sa kaba.
"Nakakagulat ka naman." Sabi ko sa kanya. Medyo may pagkamagugulatin din kase talaga ako. Namana ko to kay mommy e, I would always sneak up on her at gugulatin siya. Buti nalang walang sakit sa puso noon ang mommy ko.
"I'm sorry. I didn't mean to scare you." Sabi niya. Kinuha niya yung sandwich sa coffee table at tumabi sakin.
"What are you reading?" Tanong niya sa akin at kinagat pa yung sandwich.
"That's mine." Sabi ko sa kanya at agad din naman niyang isinubo yung sandwich sa akin.
Kinagat ko iyon at bigla niya din kinagat yung kabilang dulo. Namula naman ang pisngi ko ng magtama ng kaunti ang aming mga labi.
Ngumiti siya sa akin at binatukan ko siya gamit ng librong binabasa ko.
"Aray. Ang violent mo naman love." Pagbibiro niya pa sa akin.
"Sorry." Maikling sabi ko sa kanya. I felt guilty ng konti.
"I was just joking." Sabi niya pa.
"What time is your class?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko ang wall clock at chineck ang oras.
5:43am
"I have a 7:30am class. Ikaw?" Balik kong tanong sa kanya.
"Sige sabay na tayo. I have a 8am class." Sagot niya sa akin. Tumango ako at inabot yung baso ng gatas para inumin.
"Mauna na ako maligo." Sabi ko sa kanya.
"Sure." Sagot niya lang sa akin.
Mag-aalas siete na ng makarating kami sa campus. Medyo maaga kaming dumating kaya dumiretso kami sa café para doon nalang din tumambay. Di pa din kase siya nagaalmusal kaya sabi ko doon nalang.
I saw Andrea pero iniwasan ko lang siya ng tingin at hinila papasok si Jacob.
"Isn't that Andy?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at dumiretso sa counter.
"Ano gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw." Bulong niya pa.
Pinalo ko siya sa braso. "Gago. Yung seryoso." Binigay ko yung menu sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/379386585-288-k134340.jpg)
BINABASA MO ANG
Sunset Orange
Romance[Archanghel Series #1] Liana Arabella, is the obedient daughter. For her freedom, rule breaking isn't an option - this includes marrying the eldest son of her father's bestfriend, an Archanghel.