My classes went by pretty fast. I was with Andy the whole day except for one class. Sabay din kami naglunch at merienda.Last class ko na din yung kakatapos lang at nagliligpit na ako ng mga gamit. "Hey, uuwi ka na?" Tanong ko kay Andy. Umiling lang siya at ngumiti.
"May date ako." Proud pa siya.
"Sinong nalibog mo?" Pagbibiro ko sa kanya.
"Isang anghel" Kilig na kilig pa nga siya habang sinasabi iyon. Napairap lang ako. Minsan ang sarap din batukan nitong isang to e. Ang kulit.
"Wag kang iiyak sa akin kapag pinaiyak ka nyan ha. Sinasabi ko sayo Solene Andrea, babatukan talaga kita." Pagbabanta ko pa sa kanya.
"Sus violent mo naman sis. Date lang naman. Di ko pa naman jojowain." Sabi niya sa akin.
"Hindi nagpapatali si Cayden, Andy. Alam mo yun." Sagot ko sa kanya.
"Parang sinabi mo naman na hindi ko kaya si Cayden." Huh? Ganun ba impression niya sa sinabi ko? Gaga talaga to.
"Gaga. Ang ayoko lang iiyak ka dahil sa playboy na yun." Sabi ko sa kanya. I was just reminding her.
"Malay mo naman mapatino ko ang isang Cayden Theodore." Talagang di papaawat e no?
"You wish." Sabi ko sa kanya.
"Don't worry. Baka si Cayden pa paiyakin ko e." Jusko sa stado ni Cayden, baka bumalik kang naglulupasay sa akin.
"Bahala ka, Andrea. Basta sinabihan na kita. You don't know Cayden like I do." She's my bestfriend that's why I'm protecting her pero kung ayaw niya, wala naman akong magagawa. Heart over mind parin naman ang nauuna pagdating sa pag-ibig di ba.
Nagpapasalamat nalang ako, pinalaki akong robot ng tatay ko. Di pa naiinlove, puro libog lang.
"Don't judge Cayden too much, Lia. Baka kaya di ka pa naiinlove kase masyado kang judgemental." Nagpantig ang tenga ko sa komento niya.
"Are you hearing yourself, Andy?" Inis kong tanong sa kanya. I can take insults from anyone, but not from her.
"Of all people, ikaw talaga magsasabi sa akin nyan?" Dagdag ko pa.
"Totoo naman di ba? Judgemental ka naman talaga. Tignan mo si Jacob, obvious naman that he loves you pero you push him away kase feeling mo iiwan ka din niya sa ere just like what your dad is doing. Di ba pagiging judgemental yun? You jump into conclusions kahit walang basis." Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Eto ba effect ni Cayden kay Andy?
"You're way too out of line, Andrea." Seryoso kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis nalang. Parang any moment maiiyak na ako kapag narinig ko pa siyang magsalita.
Naglakad lang ako hanggang sa basement. Binuksan ko yung sasakyan ko at sumakay, pinaandar ko yung makina pero di ako umalis. Inis na inis ako sa sinabi ni Andy kaya naiyak nalang din ako.
I didn't know she sees me that way. Am I that cruel? Do I really judge people without basis?
Sinandal ko ang ulo ko sa manibela habang umiiyak. Baka kaya ako umiiyak kase totoo? I heard notifications from my phone. Hindi ko iyon pinansin.
I was just there. Crying.
Nang mahimasmasan ako, I saw it was already 15 minutes before 7. Nagpunas ako ng luha at umuwi na sa condo. I still need to fix myself.
Nadatnan ko sa unit si Jacob. Tinignan niya ako ng pumasok ako.
"I was texting you. Kakatapos lang ng class mo?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sunset Orange
Romance[Archanghel Series #1] Liana Arabella, is the obedient daughter. For her freedom, rule breaking isn't an option - this includes marrying the eldest son of her father's bestfriend, an Archanghel.