After the slightly heated conversation namin ni Jacob ay tahimik lang kaming pareho. Siya na ang nagluto since ako naman daw ang naggrocery.Kumuha nalang ako ng libro at nagbasa. Minsan sinusulyapan ko siya habang nagluluto.
"Do you want some mashed potatoes?" Tanong niya sa akin.
"Sure." Sabi ko nalang.
Nagpatuloy lang siya, after awhile ay niyaya na niya akong kumain. Umupo ako sa harap niya at kinuha ang mga kubyertos.
The food looks good.
"Kumain ka ng marami. You look thin." Utos niya pa sakin ng pagpalitin niya ang plato namin, yung binigay niya at may laman ng steak na nakacut na tsaka mashed potatoes.
"Ang dami naman." Pagrereklamo ko. Tinignan niya lang ako pero di na siya nagsalita.
"Thanks." Sabi ko pa rin sa kanya, baka isipin nito I'm not grateful.
Tahimik lang kami the whole time na kumakain kami. Baka ganito na din kase talaga kami, magbabangayan one moment tapos hindi magpapansinan pagkatapos.
Nauna ulit siyang natapos sa akin. Hintay niya lang akong matapos at kinuha niya yung pinagkainan ko. Napataas naman ang kilay ko dahil sa ginawa niya.
"Sabi ko kapag ikaw ang nagluto, ako maghuhugas." Sabi ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghuhugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan namin.
"Jacob Paul, hindi ka ba talaga makikinig sakin?!" Inis kong sabi sa kanya. Tumigil siya at tinignan lang ako.
"Naiinis ka kapag hindi ako nakikinig sayo? Imagine my frustration kapag ikaw ang hindi nakikinig sa akin." Inis niya ding sagot sa akin.
Nainis ako sa sinabi niya pero it was slightly true. Most of the time, hindi ko siya pinakikinggan.
"Fine." Sabi ko nalang at pumasok sa kwarto. Bahala siya.
Humiga at tinakpan ng unan yung mukha ko. Naiinis ako kay Jace. Bakit feeling ko naooverpower na niya ako e hindi naman kami ganito dati? Arghh.
Nagising nalang ako sa tawag ng pinsan ko.
GIANNA MAUREEN
calling...[ACCEPT] [DECLINE]
Sinagot ko agad yung tawag ni Mau. "Hey." Matamlay kong bungad sa kanya.
"Parang sakto yung pagtawag ko. Wanna hang out?" Tanong naman niya sa akin.
Tinignan ko ang orasan sa may sidetable. "Kagigising ko lang, Maureen." Iritable kong sagot sa kanya.
"Club K tayo. Sige na! Sumama kna. G daw si Andy, tsaka kasama mo naman ako." Pag-aya niya pa sa akin.
"Gamitin mo naman si Bella. Baka nangangalawang na e." Pang-iinis niya pa sa akin.
Napairap ako sa sinabi niya. Hinamon pa ako neto.
"Gago. Baka ikaw na tong nangangalawang. Tuyot na tuyot na ata halaman mo e." Balik kong pang-iinis sa kanya. Halos isang taon na din kase ng maghiwalay sila ng ex niya.
Yun nga din siguro ang rason bakit umalis siya e. She never told me the reason bakit siya lumayo, basta isang araw nakatanggap nalang ako ng tawag niya na uuwi muna siya ng US. Her dad is there, hiwalay kase parents niya.
"Wag mo ibalik sa akin. Ano? Tara na. Di ko alam KJ ka na pala ngayon." For sure iniinis lang ako netong si Maureen.
"Tangina. Oo na. Magkita nalang tayo doon." Nagpaalam na ako at binaba yung tawag. Tumayo ako para pumasok sa walk in ng pumasok si Jace sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/379386585-288-k134340.jpg)
BINABASA MO ANG
Sunset Orange
Romance[Archanghel Series #1] Liana Arabella, is the obedient daughter. For her freedom, rule breaking isn't an option - this includes marrying the eldest son of her father's bestfriend, an Archanghel.