Tumayo ako para pumasok sa kwarto, kinuha ko yung regalo ko kay Leo pati na rin yung bag ko."Let's go." Pag-aya ko kay Jacob.
Hindi siya nagsalita pero sinunod niya ang gusto ko. Kinuha niya lang yung susi sa lamesa at lumabas na sa unit ko, sumunod nalang din ako sa kanya.
Habang naghihintay kami sa elevator, tinanong ko siya.
"Are you mad?"
Umiling lang siya. Hindi siya nagsasalita habang pababa kami sa basement. He just unlocked my car at pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi na rin niya ako hinintay sumakay at pumunta na siya sa kabila para sumakay. He immediately started the engine ng makasakay ako ng mabuti. I closed the door and put on the seatbelt.
"Hey? Are you okay?" Pagtatanong ko naman sa kanya. Tumango lang siya at nagmaneho, nakita ko pang chineck niya ang phone niya at nagtext.
Hindi ko na siya inusisa dahil baka magaway lang din kami pag nagkataon.
Hindi nalang din ako umimik sa buong byahe namin.
Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong ako ni Andy. She was there already, and she's with Cayden and JP too.
Nagbeso ako sa kanya pati na rin kila Cayden and JP.
"Chris didn't come?" Tanong ko kay Cayden.
"He's here somewhere. Baka kasama ni Dad." Sagot naman niya. Medyo madami na palang tao. It's almost 3pm palang pero parang kalahati na yung mga bisita.
Well, ayaw nga pala ng late ng dad ko.
"Hey, can you come with me? I'll just greet Leo." Sabi ko kay Andy, tumango siya at sumama sa akin. Iniwan ko muna sila Cayden and JP, nilingon ko si Jacob, he had a different aura kaninang nasa sasakyan kami, ngayon tumatawa na siya.
"Cayden picked you up?" Tanong ko ng hilain ko si Andy.
Bago pa siya magsalita ay nakuha ko na ang sagot ko dahil sa sobrang kilig ng itsura niya. "Ano ba nakita mo kay Cayden? E babaero yun." Dagdag ko pa.
"I don't know. Basta gusto ko lang siya. Wag mo muna basagin trip ko pwede?" Sabi niya sa akin. Pumasok kami sa loob ng bahay at dumiretso ako sa kwarto ni Leo. Nandoon si Dad and Tita Marie.
Napaatras ako ng konti ng makita ko na nagaabot siya ng regalo sa kapatid ko. "Happy Birthday, son." Niyakap niya pa ito at inabot ang regalo. Leo immediately opened the gift, it was a brand new playstation 5.
Tuwang tuwa si Leo sa natanggap. "Don't play too much, okay?" Sabi naman ni Tita Marie but my dad butt in.
"It's okay, Hon. Leo can manage, right anak? He's been doing great at school." I wish he had the same treatment with me. With Leo, he doesn't have high expectations. He can even do everything he wants without Dad getting mad.
Lagi niya itong pinagbibigyan. Isasara ko na sana ang pinto ng makita ako ni Leo. "Ate! You're here!" Tumakbo pa siya papunta sa akin at niyakap ako.
"Where's my gift ate?" Sabi niya sa akin. Ibinigay ko naman agad ang regalo niya.
"Happy Birthday, Leo." Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Nagtama ang mga mata namin ni Daddy.
"Nandito ka na pala." Malamig niyang sabi sa akin. Tumango lang ako at bumeso sa kanya, ganun din kay Tita Marie.
"Good evening, Dad, Tita Marie." Sabi ko.
"Good evening po Tito, Tita." Pagbati naman ni Andy sa kanila. Kumaway lang sila kay Andy.
BINABASA MO ANG
Sunset Orange
Romance[Archanghel Series #1] Liana Arabella, is the obedient daughter. For her freedom, rule breaking isn't an option - this includes marrying the eldest son of her father's bestfriend, an Archanghel.