"Is she okay, Vivian?" Rinig kong tanong ni Tita Marie.
Naramdaman ko naman na may nakahawak sa mga kamay ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko."She'll be okay for now, Marie. But I suggest she sees a specialist. Baka may underlying cause kung bakit siya nahimatay kanina." Dinig kong sabi ni Doc Vivian. She's a friend of Tita Marie.
"Love, you're awake." Sabi sa akin ni Jacob. He kissed my forehead.
Lumapit naman sa akin si Tita Marie ng makita niyang gising na ako. I slowly scanned the room. Everyone was there except Dad and Tito Fred.
Inalalayan akong tumayo ni Jace. "I'm okay, Jace." Bulong ko sa kanya. Niyakap ako ni Tita Marie.
"You should take care of yourself properly, Lia. We were scared, akala namin kung napano ka na." Sabi niya pa sa akin. Natakot ba talaga sila? Si dad ba natakot din?
"I told you awhile ago that you're pale. Hindi ka nakikinig sa akin." Sabi ni Maureen.
"You just stay here for tonight, Lia." Suggestion naman ni Tita Marie. Nilingon ko si Jacob, at mukhang nagets naman niya na ayoko sa bahay na ito.
"It's okay Tita. I'll bring Ari home, and I'll stay with her until she gets better." Pagsusuggest niya kay Tita Marie.
"Don't worry about her, Tita. Kayang kaya na alagaan ni Jacob si Lia." Panggagatong pa ni Maureen sa suggestion ni Jace.
"Fine. But you call me when you get home, okay?" Paghingi niya ng assurance kay Jace.
Tumango na din ako. At nagpatulong tumayo kila Andy. Hinawakan naman ni Jace ang kamay ko. Nilingon ko si Leo at Tita Marie.
"I'm sorry I ruined your party, Leo." Paghingi ko ng dispensa sa kanilang dalawa.
"It's okay ate. I was tired anyway." Pagbibiro niya pa kaya natawa nalang sila Cayden at JP.
Nginitian ako ni Tita Marie, "It's okay, Lia. I just hope you'll feel better." Hinalikan niya pa ako sa pisngi at pinaalalayan na ako kay Jace.
"You take good care of Lia, Jace." Sabi naman ni Tita Stella sa kanya.
"I'm really sorry, Tita Stella." Sabi ko pa.
"Ano ka ba Lia, it's nothing. The important thing is maging okay ka. Don't worry, Jacob will surely take care of you. And please don't call me Tita anymore. Mama will do" Sagot naman niya sa akin. Ngumiti nalang ako at nagpaalam naman ni Jace sa kanya.
"We'll go ahead, guys. I'm sure everyone's exhausted already." Sabi niya pa. Lumapit sa akin si Mau and Andy at niyakap ako.
"You call me when you get home, okay?" Pagaalalang bilin sa akin ni Maureen.
"Itext mo rin ako babae ka." Sabi naman sa akin ni Andy.
"Guys, mauna na kami sa inyo. Andy isasabay ka pauwi ni Cayden." Sabi ni Jace kay Andy, ngumisi naman ako kay Andy. Aba hanggang sa huli nakapaglandi pa ang gaga.
"As for you?" Lumingon si Jace kay Mau.
"Don't need to worry about me, Jace. I can take care of myself." Sabi naman ni Maureen sa kanya.
"Akala ko gusto mo rin magpahatid. Ipapasabay sana kita kay JP or if gusto mo tawagan ko ex mo." Pabulong niyang biro kay Maureen pero sympre dahil chismosa parin ako narinig ko. Namula naman ang gaga.
"Gago." Sabi niya pa.
Bineso na nila ako at lumabas na kami. Inalalayan ako ni Jace, inalis din pala niya yung heels ko kaya nakatsinelas nalang ako ngayon.
I saw Dad sa may sala pero hindi ko nalang siya pinansin. He was talking to Tito Fred, tanging si Jace nalang ang nagsalita para sa aming dalawa.
"We'll go ahead, Dad." Sabi ko nalang sa kanya. Hindi siya umimik pero tumango siya.
BINABASA MO ANG
Sunset Orange
Romance[Archanghel Series #1] Liana Arabella, is the obedient daughter. For her freedom, rule breaking isn't an option - this includes marrying the eldest son of her father's bestfriend, an Archanghel.