Chapter 3

11 0 0
                                    

~

GC: ARCHANGHEL BOYS

Cayden
Galit nanaman sayo misis mo, Jace.

JP
Ano ba kase iniisip mo kuya? Sabi ko sayo lambingin mo.
Bakit mo binato?
Sige ka matauhan yun, matanggal helmet niya.

Cayden
Gago ka, JP. Wala nga siyang helmet kaya beastmode. Wahahaha

Jace
Shut up. Nasaan ba si Chris, siya lang matinong kausap dito e.
Inom tayo mamaya.

Cayden
Libre mo tol?

Chris
Anyare?

JP
Beastmode si Madam Liana kay Kuya.

Jace
Lakas mo mang-asar no JP? Mamaya ka sakin.
Libre ko naman lagi di ba. Walang bago.
Sige puntahan ko muna misis ko.

~





Hindi pa rin mawala sa isip ko yung huling sinabi ni Jace. Parang pati mga sinasabi ng prof ko hindi ko na maintindihan.

Just try, Ari. For me.

Just try, Ari. For me.

Just try, Ari. For me.

Just try, Ari. For me.

Nakuha ko pang isulat iyon sa notebook ko.

Jacob and I, we're childhood friends.

No, scratch that.

We were never friends. He's just the eldest son of my dad's best friend, and his mom's a dear old friend of Tita Marie. Actually baka nga si Tita Stella pa ang dahilan kung bakit nakilala ni dad si Tita Marie e.

Jace and I, we're practically engage since we were kids. Kahit noong buhay pa si mommy, Dad and Tito Fred has been arranging for us to be married. But I promised myself never to be involved with Jacob, romantically.

Highschool palang kami ni Jace nang simulan niya akong ipursue, yes nagpapacute siya sa akin nung mga bata pa kami but I thought it was just a crush at his end. Never did I imagine he'd eventually pursue me talaga, or maybe he did that because his dad wanted him to do it too.

Hindi rin naman sikreto that my dad loves the idea that I will become an Archanghel someday. Ano bang silbi ko sa tatay ko di ba, I am no longer a Peñafrancia when I get married. Baka gusto niya lang ng dagdag yaman at kapangyarihan kaya niya ako gustong ipakasal sa isang Archanghel.

The Archanghels were the richest in the province. Governor ng probinsya namin si Tito Fred, and who knows, baka governor in the making din si Jacob in the future. He's the eldest and let's say well-bred among the four.

And besides, I just don't like the idea. I can never imagine myself to be a wife of a damn politician. No offense sa tatay ko, pero di lang talaga pangpulitiko ang beauty ko.

"Liana." Rinig kong tawag sa akin ng isa kong kaklase.

"Are you okay? Parang kanina kapa tulala." Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya at nagtaka.

"Partners tayo sa project." Sabi niya pa.

"Ahhh. Okayokay." Sagot ko naman. Ano kaseng pangalan nito? I forgot her name. She seems nice, wala naman din ako kiber kung sino maging partner ko. Wala naman kase si Andy dito kaya kahit sino ay pwede.

"I'm sorry, ano bang topic?" Tinanong ko nalang siya while trying to figure out kung anong pangalan ang nakalagay sa ID niya. Sinilip ko iyon. Manuel ang last name.

Sunset OrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon