Kabanata 12
Kailangan
Paulit-ulit naming ginawa ni Rahim ang bagay na iyon. Alam kong nakakapagod pero masarap sa pakiramdam na ganoon pala ang experience. Ganoon pala kapag ramdam mo ang pag-iingat niya sa bawat ginagawa namin. And I could feel the beat in my heart now. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na sa tuwing ginagawa namin 'yon, ramdam ko ang kakaiba sa puso ko.
Natatakot ako. Saan nga ba ako natatakot? Takot aminin sa sarili na may nararamdaman na ako? Takot aminin sa sarili na gusto ko na rin 'yon? Saan ako takot? Hindi ko alam at hindi ko maibigay ang sagot sa kinatatakutan ko. Ang alam ko lang ay gusto ko ang ginagawa namin at ayokong matapos iyon.
"You really like it huh?" he said huskily.
After another hot moment, he cuddle. Mahilig pala siya sa ganito. Pagkatapos naming gawin yon, gusto niya matutulog kami na magkatabi. Gusto niya nauuna siyang magising sa akin kasi ayaw niyang gumigising na wala ako sa kanyang tabi. Sound funny pero nakakatakot kapag nagagalit siya.
After his works, maaga na yan umuuwi dahil maaga rin kami nauuwi sa kama niya. He's really handsome. Lalo pa't kapag pagkatapos namin magsiping, sobrang nagiging malambing siya sa akin. Hindi ko akalain na may ganitong side ng ugali si Rahim. At hindi ko rin akalain na lahat ng masasayang araw na kasama ko siya ay magwawakas rin pala.
Iyon ang mga alaala na dinala ko pagkatapos ng ilang taon. Dati akala ko, kapag magkaroon na ako ng maraming pera, magiging masaya ako. Iniisip ko na ang solusyon sa buhay ay pera lamang. Na kapag may marami akong pera, kaya kong maging masaya. Kaya kong mabuhay kahit sa pera lang.
But I was wrong. It's not the money. Hindi pala masaya kapag marami ka ng pera. Hindi pala masaya kapag ramdam mong may hinahanap ka pa sa sarili mo. May kulang pa. Yung buo na nararamdaman ko noon, nagkaroon na iyon ng kakulangan at hinahanap ko pa rin hanggang ngayon.
"Elisha, sigarilyo daw sa table na 'yon." sabi ni Aina.
Napatingin ako sa kasamahan ko. After working and being dismissed to Rahim's penthouse, dito ako dinala ng mga paa ko. Muli akong naging cigarette girl sa bar ni Madame X. Laking pasasalamat ko nga dahil tinanggap pa rin ako ni Tita pagkatapos ng nangyari sa amin noon.
Lumapit ako sa table na tinutukoy ni Aina. Mga businessman 'yon at alam kong mamahaling sigarilyo ang bibilhin nila. Ngumiti ako.
"Cigarettes?" nakangiti kong bungad sa kanila.
Agad akong nilingon ng mga lalaki. May nagbigay agad sa akin ng pera pambili ng sigarilyo. May mga tip iyon at tinanggap ko kasi kailangan kong magkaroon ng pera. May kailangan pa akong padalhan nito sa probinsya namin.
After that, nag-break muna ako saglit. Tinignan ko ang sarili sa salamin at ngumiti ng pagod. Kakatapos ko lang magtrabaho sa isang restaurant at sa tuwing gabi, sa bar ako ni Tita X nagsa-side job. Kulang ang sinasahod ko sa restaurant kaya kailangan kumayod ako ng husto. Hindi pwedeng hindi magtrabaho. Hindi na ako katulad noon na sa isang sahod lang, malaki ang kinakita.
Ngayon, everything is changed. I lost everything I have. I lost him. I lost the man I really loved.
Alam mo ang daya ng buhay. Tsaka mo lang mari-realize ang tao kung mawawala na sayo. Tsaka mo lang tatanggapin ang katotohanan na nahulog ka sa kanya. Tulad ko. I refuse it many times pero pagkatapos ng nangyari sa amin, mahal ko siya. Nahulog ako sa kanya. Natakot lang ako pero ang totoo, mahal ko siya. Hindi ang pera niya ang gusto ko. Hindi ang kayamanan niya ang gusto ko. I want him. Only him.
Pero hindi ko na 'yon mababalik pa. After years of fighting to live again, alam kong maraming nagbago na. Maraming nabago at hindi ko na maibabalik ang nakaraan namin.
"Hello? Mama?" tinawagan ko siya.
Napahinga ako ng malalim. Nakakapagod pala magtrabaho.
"Anak? Napatawag ka? Gabi na ah?"
"Kumusta dyan? Tulog na ba siya?" I asked my mother.
"Oo, nak. Mahimbing na ang tulog. Ikaw magpahinga ka na rin dyan." sagot ni Mama.
"Sige po. Tawag nalang po ako bukas kapag may oras."
"Mag-iingat ka palagi dyan." si Mama.
Ngumiti ako. Napagtapos ko ang mga kapatid ko. Yung naiwan kong sahod sa pagta-trabaho noon, iyon ang ginamit ko sa pag-aaral nila. At kahit papaano'y maayos na ang buhay nila sa probinsya. Kailangan ko rin kasing kumayod, may umaasang bata sa akin doon.
"Sigarilyo sir?" alok ko sa mga bagong dating sa bar.
May mga bumili sa akin at iba ay lasing na. May mga nakikita akong gumagawa ng milagro sa gilid-gilid. May rooms naman sa bar ni Tita X kaso kailangan kasama 'yon sa booking.
Patuloy pa rin naman ang pag-i-escort ng mga babae dito sa bar. May profiling na si Tita X. May high end girls at low end girls siya. Yung mga high end na babaeng escort, iyon ang kadalasang booking ng mga mayayamang negosyante. Minsan nagiging kabit pa. Yung mga low end na mga escort, iyon naman ang nabo-book lang sa bar mismo ni Tita.
I was not on the list. Ayaw pa rin ni Tita X na maging escort ako. Kahit nagkaroon siya ng sama ng loob sa akin noon, she remains professional. Kaya pagkatapos dito, matutulog lang ako ng ilang oras tapos papasok na ulit sa restaurant na regular duty ko. Gusto ni Mama umuwi nalang ako at doon nalang magtayo ng negosyo sa amin. Inisip kong kulang ang pera na naipon ko kaya hindi muna ako magsi-settle down sa probinsya.
Kulang pa ang ipon ko para sa aming dalawa. Bubukod na kasi ako dahil kaya naman na ng kapatid ko na sustentuhan ang pangangailangan ni Mama. Iyon ang naisip ko kapag malaki na ang ipon ko dito. Sa ngayon, hindi na muna.
"Hindi ka pa ba uuwi? Magpahinga ka na." si Tita X.
"Ayusin ko lang yung mga sigarilyo, Madame." sagot ko.
Tumingin siya sa akin. Matanda na si Tita X. Pero kahit ganito na siya ngayon, mabait pa rin yan sa akin. Hindi pa rin kami tinakwil na kanyang kadugo.
"Bakit hindi ka pa bumalik sa pag-aaral mo? Napagtapos mo na yung mga kapatid mo diba?" aniya habang nakatayo sa harap ko.
Closed na yung bar at naglilinis nalang kami sa loob. Nandito ako sa room namin at pumasok siya kaya nag-uusap na kami.
"Hindi pa kaya ng budget ko, Tita." mahina kong sagot.
She sighed deeply.
"Minsan, masarap maging madamot. Minsan masarap kalimutan ang lahat. I get your point here, Isha. Pero huwag mong isarado ang isip mo sa pag-aaral. Kailangan mo pa rin 'yon kaya kung may panahon ka pa, mag-aral ka." she advised.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Pagkatapos no'n, umuwi na ako sa apartment. Nilalakad ko lang ang apartment ko dahil ayokong mag taxi o jeep. Malapit lang naman. Kaya pang lakarin.
Tsaka kaya kumuha ako ng apartment na malapit sa bar ni Tita X at restaurant para hindi na ako gumastos sa pamasahe. Nagtitipid ako dahil kailangan kong mag-ipon pa ng pera.
Nang makarating sa apartment ko, mabilis akong nahiga sa maliit kong kama at napahinga ng malalim. After this long tiring day, kailangan ko na rin magpahinga muna. I set my alarm so that, I could wake before my duty.
---
A.A | Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomanceStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...