Kabanata 21
Never
"Ma!" narinig kong sigaw ni CK.
Agad akong napatingin sa kanya na naghihintay sa sofa. Hindi ko pinansin ang mga nandoon at mabilis na tinakbo ang distansya naming dalawa. Mahigpit kong niyakap ang anak ko. Malaki na siya at sobrang guwapo. Kamukha rin talaga siya ni Rahim.
"Miss you so much." tumulo ang luha ko.
After working here, ngayon ko lang ulit siya nakita. Hindi kasi ako nakakauwi sa amin dahil kailangan kong magtrabaho dito. So
Sobrang ang daming pinagbago sa anak ko."Mama sakay ako airplane punta dito hihihi. Mama siya lalaki kuha sa akin sa broom-broom." sabi ni CK at tinuro ang kanyang Papa.
Nakatingin lang sa amin si Rahim at namumula ang kanyang mata. Napahinga pa ito ng malalim bago ngumiti at tumulo ang luha. Agad siyang lumuhod sa harap ng kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit. Umatras ako para bigyan sila ng oras.
"Mama! Yakap ako! Sino 'to Mama?" naguguluhan na tanong ni CK.
Malungkot akong ngumiti para sa anak ko. Kasalanan ko ba kung bakit hindi niya kilala ang Papa niya? Masama ba akong Ina? Hindi ko naman kasi alam na dadating ang panahon na ito. At akala ko wala namang pakialam si Rahim kaya hindi ko siya pinakilala sa kanyang anak. Ang sakit pala marinig mismo kay CK na hindi niya kilala ang Papa niya.
Is it my fault? Akala ko kasi wala na siyang pakialam sa amin. Akala ko ayaw niyang makilala ang anak niya kasi kinasusuklaman niya ako. Akala ko okay lang kung hindi siya makilala ni CK. Mali ba ako? Mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang naging desisyon?
"Sino ka po? Bakit yakap mo ako?" si CK sa kanyang Papa.
Nakatitig lang si Rahim sa mukha ng kanyang anak habang umiiyak. Nakita ko naman na pinunasan ni CK ang luha ng kanyang Papa gamit ang kanyang kamay.
"Bakit ka umiiyak po? Ako iiyak lang kapag si Mama hindi uuwi." pagki-kwento ni CK.
Umiling si Rahim at hinalikan ang kanyang anak sa noo. Muli niya itong niyakap ng mahigpit at nanatiling ganoon. Napatingin ako sa paligid, natigilan ng makita si ma'am Adah kasama ang kanyang asawa at si Mama pati ang dalawa kong kapatid. Nandito pala sila? Hindi ko manlang nakita.
Nakatingin sa akin si ma'am Adah ng malungkot. Nakayakap sa baywang nito ang asawa. Hindi ako ngumiti dahil naiilang ako sa nangyari noon. Baka isipin niya magpabuntis ako para lang magkaroon kami ng ugnayan ulit ni Rahim. Ayokong isipin niya 'yon lalo pa't nandito na si CK.
Okay lang kung ako ang sabihin nila ng mga masasakit na salita huwag lang ang anak ko. Kung hindi nila tanggap si CK, okay lang, kaya ko naman buhayin at alagaan ang anak ko. I will not force them to like and love my son.
"Huwag ka na po iyak ha. Iiyak rin ako kapag iiyak ka." narinig kong sabi ni CK sa kanyang Papa.
Tumango ito at hinawakan ang mukha ng kanyang anak. Ang sarap lang makita na ganyang silang dalawa. Ramdam kong gusto ni Rahim na makilala siya ni CK. Hindi niya kukunin sa amin kung hindi importante sa kanya ang kanyang anak.
"Hindi na ako iiyak. Ayaw ng baby ko umiiyak si Papa?" marahang sagot ni Rahim.
Kumunot ang noo ni CK at tumingin sa akin.
"Mama, gusto niya siya maging Papa ko! Pwede po ba 'yon?" inosenteng tanong ni CK sa akin.
I smiled sadly.
"S-siya Papa mo, baby." mahina kong sagot.
Ngumiti si CK at napatingin sa Papa niya.
"Kaya pala tulad kami mukha. Saan ka pumunta Papa? Bakit ngayon ka lang umuwi?" he asked his father.
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomanceStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...