Kabanata 3
Baka
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga damit sa guest room na magiging kwarto ko dito, lumabas ako upang tignan ang kabuohan ng condo. Una, kailangan kong masanay dito upang hindi ako ma-intimidate kay Rahim. But honestly, hindi naman talaga nahihiya sa kanya. I feel so bossy here. Tsaka hindi ako takot kasi alam kong tama itong ginagawa ko.
Iibahin ko ang takbo ng buhay niya. Kung sila Ma'am Adah ay kinu-kunsinte ang pagiging tamad nitong anak nila, pwes hindi ko 'yon hahayaan. Kailangan kong maging bossy dito upang maturuan ng leksyon ang gwapong 'yon.
Naabutan ko siyang nasa sofa at nakaupo. May suot ng itim na sando at nanonood ng TV. Napatingin siya sa akin at mabilis na pumungay ang mga mata. Parang lasing ang hinayupak kong boss!
Ay Oo nga pala, lasing nga dahil inom ng inom kanina! Kaya pala mapupungay ang mga mata. Pero bakit parang iba ang emosyon ng mata niya. Hindi katulad nung mga lalaking nasa bar? Doon kasi sa bar, kapag lasing ang mga lalaki, alam kong lust ang nakikita nila sa akin. But this one...is different!
Sus, Elisha! Stop putting meaning about it! Stop being so comparable! Napailing-iling ako sa sarili at nagpatuloy sa pagbaba.
"May pagkain sa lamesa, kumain ka muna." marahan niyang sabi sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Aba'y pinagluto niya ba ako?
"Who cook it?" tanong ko.
He smiled happily.
"Your boss cook it. Don't worry, I will not deduct it to your salary." aniya sa natatawang boses.
Inirapan ko siya. Whatever! Mabuti nga't nagluto para naman may silbi! Wow ha, at least may alam siya sa pagluluto ng pagkain. Hindi ako mahihirapan kung ganito man siya.
Dumiretso ako sa kusina at tinignan ang pagkain. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakahain. Shit, ang sarap ng amoy! It was pizza. Ginawa niya habang nasa kwarto ako? Ang bilis niya namang magluto!
Kumuha ako ng isa at sinubukan kung masarap ba. Unang kagat, nalaglag agad ang panga kasi masarap nga talaga. Nyeta, may alam pala sa pagluluto ng pagkain e! Naubos ko agad ang isa kaya kumuha pa ako. Sunod-sunod ang kain ko hanggang sa maubos ang isang pizza. Lumapit ako sa ref at kumuha ng juice. Agad kong ininom at nabusog.
Solved ang gutom! Mabuti nalang at marunong magluto ang boss kong 'yon. Hindi ako mahihirapan sa pagluluto. After the dining, bumalik ako sa kanya upang mag-usap kami sa set-up namin dito.
Nakita ko siyang nakatutok sa panonood ng TV. Soccer yata ang pinapanood ng boss ko. Nang mapansin ako, bumaling sa akin ang makalaglag panga niyang mga mata.
"Naubos mo?" marahan niyang tanong.
Bagama't nahihiya, tumango pa rin ako kasi hindi ko naman ugaling hindi purihin ang mga ganoong bagay. It was really delicious.
"Oo, tsaka masarap." mahina kong sabi.
His lips purse for a moment.
"Masarap din ako, Elisha. Wanna try?" malandi niyang hirit.
Inirapan ko siya at pinakitaan ng masama kong ugali.
"Rule number 4, huwag akong lalandiin." paalala ko sa kanya.
He smirked sardonically.
"Alright. I'll note that." aniya sabay iling-iling.
I sighed. Umupo ako sa tabi niya at nagkatitigan kami. Ngumisi pa rin siya.
"Bakit?" tanong ko.
He shook his head while smirking flirtatiously.
"Ano ba? Bakit ka ngumi-ngisi ha?" asik ko.
Ngumisi pa rin kaya hinampas ko na talaga.
"Kapag hindi ka tumigil sa kakangisi mo, mapepektusan ka talaga sa akin, Rahim!" banta ko.
He stop and look at my eyes straightly.
"Ang sabi mo bawal kang landiin?" he said hoarsely.
Kumunot ang noo ko. Oo nga, rules ko pa nga 'yon e!
"Hindi ka naman siguro bingi ano?" sarkastiko kong sabi.
Ang gwapo-gwapo, bingi pala!
"Bakit ka tumatabi sa akin kung ayaw mong magpalandi, Elisha?" sa nakangisi niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the fuck? Parang tabi lang, nilalandi agad siya? Ano 'yon?
"Hoy hambog, hindi porket tinatabihan kita, nilalandi na kita! Tsaka nandito ako para pag-usapan natin ang magiging set-up dito!" hinihingal kong sagot sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ang hambog kong boss bago ngumisi.
"Huwag mong hahayaan na magkadikit tayo kung gusto mo pang maging birhen dito, Elisha." seryoso niyang sinabi.
Natigilan ako. Bakas ang pagiging seryoso sa mukha niya. Hindi rin ngumi-ngisi kaya kinabahan ako pero isinantabi ko lang 'yon.
"Ewan ko sayo. Ang dami mong dada dyan! Anyways, going back to the set-up, let's talk about it." I changed the topic.
He sighed. Muli kaming nagkatitigan at nasisiguro kong mapupungay talaga ang kanyang mga mata kapag nakatitig sa akin.
"Monday to Wednesday, nasa office ako. I'll work that day and that means, you have to be with me. You will be my personal assistant there. Every Thursday, I have a gym session so I need you there to give all my needs during session. In Friday to Saturday, I'll be here. Sunday, I'll always visit church. That's my schedule, Elisha." he said properly.
Napalunok ako habang nilalagay sa isip ang kanyang sinabi. Ibig sabihin, simula sa Lunes at Myerkules ay nasa office siya at kasama ako. Sa Huwebes naman ay gym session niya at kasama rin ako. Sa Byernes at Sabado ay nandito siya kaya dito rin ako. And last, tuwing linggo ay nasa simbahan siya?
Legit? Rahim Almuevo, pumupunta ng simbahan? Mabilis akong sinampal ng pagiging judgemental ko. Hindi porket mayaman, hindi na marunong bumalik at magbigay pugay sa Diyos. Napaka impossible lang pero nakaka amaze rin na malaman 'yon.
Good point to him!
"Iyon lang ang dapat mong gawin, Elisha. You don't really need to do hard things to earn money. Just always be with me all the time, and then everything is okay." he said sincerely.
Napalunok na naman ako. Napahinga ako at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit napapatigil ako sa kanya? Siguro dahil na-a-amaze lang ako sa kanya sa nalaman ko.
"I was hired to help you here. Gagawin ko ang dapat kong gawin dito, Rahim." malamig kong sabi.
Napahinga siya at tumango-tango. Tumayo ako at iniwan siya sa sofa. Kailangan kong pakinggan ang sarili. Baka nababaliw na ako.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomanceStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...