Kabanata 6
Isip
"Gusto kong tapusin ang contract na meron ako sa trabahong ito." iyon agad ang sagot ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo bago sumeryoso ang mukha. Akala niya matatakot ako sa mga gagawin niya. Wala akong kinakatakutan! Hindi porket boss ko siya, papakialaman niya na ang buhay ko noon! Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa bar ni Tita X! Iyon ang hanap buhay ng tao pero pinasara niya! Saan nalang tatakbo yung mga katrabaho ko na nandoon?
"No." malamig niyang sagot.
Tumayo ako at dinuro ang kanyang dibdib.
"Magkano ang kailangan kong bayaran para ma-breached ang contract na yan ha!? Gusto kong umalis na dito!" singhal ko.
Ngumisi siya.
"Five million." maikling tugon.
Nalaglag ang panga ko. Fuck! Five million para ma-breached lang ang contract ko dito? Saan ako hahanap ng limang milyon na 'yon? Saan ko hahagilapin ang perang 'yon?
"Pwede bang mas m-mura?" nautal ako.
Humalakhak siya.
"What are you up to here? Elisha, you signed the contract without reading it?" he laughed.
Hinampas ko ang kanyang balikat.
"Huwag mo nga akong tawanan! Nakakainis ka!" I said vocally.
Kahit pa boss ko yan, wala akong pakialam! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin!
"You're funny kasi." sagot nito.
Umikot ang mata ko sa kanya. Bwesit! Porket anak ng mayaman, kung umasta talata akala mo pagmamay-ari ng mundo e!
Sa inis ko'y umalis ako at naghanda nalang ng pagkain niya. Nagugutom na siya kaya kailangan pagsilbihan ang hari!
Muli kong naisip ang pera. Malaki rin naman kasi ang sinasahod ko dito e. Malaki ang perang nakukuha ko sa pagta-trabaho dito. Hindi ko naman nakikita ang sahod sa bar ni Tita X compare dito. Kaya siguro, magtitiis muna ako ng ilang taon pa bago mag-resign.
Ganoon talaga pag-alipin tayo ng salapi. Walang nagagawa kundi manatili at magtiis. That's life!
Kung tatagal ako dito, makakaipon ako ng maraming pera tapos makakabili na ako ng sarili kong kotse tsaka bahay. Dati pa'y pangarap kong magkaroon ng sariling bahay. Kahit condo unit or bahay na pwede sa akin. Bonus nalang ang kotse no'n pero ngayon, I can sense and see that I can achieve that goal if I'm going to stay here for a while.
"Sir boss, handa na ang pagkain mo. Kumain ka na." tawag ko sa kanya.
He was reading a magazine in the sofa. Nang marinig ang tawag ko, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti. Sa isip ko'y umiikot ang mata sa kanyang mga ngiti. Parang nang-uurat lang e!
Well, wala naman talaga akong masabi sa mukha ni sir Rahim. He is really a total package. Plus, the money and fame. Kakaiba ang mukha niya sa lahat ng mga lalaking nakita at nakasalamuha ko.
Rahim has this very articulate figure of face. Kung ipagkukumpara ko siya sa mga models na nakikita ko sa TV or magazines, mas lamang siya. Kaya nasabi kong mas gwapo at matipuno talaga siya. Siraulo nga lang at minsan baliw.
"Where's your food?" aniya ng makitang siya lang ang may pagkain.
"Hindi ako gutom." sagot ko habang nakangiti.
Plastic! Ang galing ko talagang makipag-plastikan! Very orocan!
"Hmm. Get your food and share it with me here." tugon niya.
Napahinga ako. Ayokong makipagtalo pa kaya kumuha ako ng isang cup ng rice with ulam na masarap, syempre luto ko!
Umupo ako sa tabi niya at ngumiti ulit. Pumungay ang mata niya habang titig na titig sa akin.
"Ganda mo." aniya sa kanyang sarili.
Mas lalo akong ngumiti. Baliwin mo pa yan, Elisha! Para lumuhod yan!
"Thanks. Gwapo ka rin." nahihiya kong sagot.
He smiled purely. Gwapo nga talaga ang nilalang na 'to. Wala akong masabi sa kanyang mukha. May saltik nga lang minsan. Siguro ko kaya hindi na siya nasundan ng kapatid ng kanyang magulang kasi masakit na sa ulo itong si Rahim.
Sayang ang lahi!
"Huwag mo ng isipin na umalis at tapusin ang contract. It won't happen." he said while staring at me.
Ngumuso ako. Nanghihina naman ako sa mga mata niya! Parang kinukuha ang kaluluwa ko! Hindi ako sumagot at umiwas nalang ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Nakakapanghina ng katawan.
Tahimik kong inubos ang pagkain at sabay kaming natapos pa. Kinuha niya ang pinagkainan ko at siya na mismo ang naghugas ng mga iyon. Tinignan ko ang kanyang likod. Matangkad rin pala talaga siya.
He has slicked back and is a very masculine man. I remember the first time I was here, napulot ko yung ginamit niyang condom sa kwarto niya. Sobrang nakakadire 'yon pero tiniis ko kasi kailangan ko ng pera.
Saan niya kaya ginamit yung condom na yon? Sa babae kaya? Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil sa naiisip na rason kung bakit may condom sa kanyang kwarto.
Ibig sabihin, fuck boy siya? He let a woman visit here and he fuck it? Dito pa talaga sa kanyang penthouse? Kung maging girlfriend lang ako niyan tapos malaman kong may ganoon siyang past, parang hindi ko kayang isipin pa yon.
Well, I'm still a virgin. Gusto ko, kapag magkaroon ako ng boyfriend or husband, pareho kaming inosente sa ganoong bagay. Gusto kong ako ang una niya at siya rin ang una ko. Pero kung katulad nalang din ni Rahim, nevermind.
Ayoko ng sakit sa ulo. Kaya nga kahit sa bar ako nagta-trabaho noon, hindi talaga ako mabilis mahulog sa mga playboy at fucker doon. Landi-landi lang pero walang nagaganap na sensual part.
"Hey?"
Agad akong bumalik sa huwisyo. Tinignan ko si sir Rahim. Nakangisi na naman.
"Are you okay? Kinukuha ka na yata ng liwanag?" aniya sa natatawang boses.
Umiling ako at ngumisi na rin.
"Natulala lang naman e." sagot ko.
He shook his shoulder and then sighed.
"I'm going to stay in my room. Kung may kailangan ka, just tell me." aniya bago umalis.
Muli akong napag-isa at nag-isip na naman ng kung ano-ano. Kung saan talaga ako dinadala ng isip ko!
Sa huli, muli kong naisip si Madame X. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kung sakaling magkita kami. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Ang hirap at lumalabas na wala akong utang na loob sa kanya. Malaki rin kasi ang sira sa ulo ni sir Rahim e! Hindi naman siya pinapakialaman ng bar bakit kailangan niya pang ipasarado yon?
Mga mayayaman talaga kung ano-ano ang sumasagi sa isip at gagawin. Lalo pa 'tong boss ko! Bakit kaya hindi ako ginawang mayaman ni Lord? Baka kasi magastos ako in the future kaya dapat paghirapan ko bawat butil ng pera. Napailing-iling nalang ako sa sitwasyon ngayon at inisip ang pwedeng gawin sa oras na magkita kami ni Madame X.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomanceStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...