Kabanata 23

214 21 1
                                    

Kabanata 23

Wala





Ang alam ko, nasa maayos na kalagayan na kami ngayon. Masaya na ako dahil tinanggap nila si CK bilang pamilya nila. Iyon naman ang hangad ko nung una palang. Kahit hindi na ako tanggapin. Kahit hindi na ako yung makita nila basta maayos lang ang anak ko, masaya na ako.

Iyon dapat ang mangyari. But Rahim wants us to be back. He wants to start again. Hindi ko alam kung kaya ko ba? Kung hindi na ba ako masasaktan kapag pumayag ulit ako. Hindi natin masasabi na hindi na tayo masasaktan kung hindi natin susubukan. I have to try again. Para malaman ko kung worth it ba na bumalik ulit.

Kaya ngayon, after one month of trying, I can say that I'm really happy. Masaya ako na sinubukan ko. Masaya ako na muli kong binuksan ang puso ko. Masaya ako dahil naramdaman ko ulit ang naramdaman ko noon sa kanya. And that's what makes it worth it.

Ngayong araw, pupunta kami ng office niya dahil gustong makapunta doon ni CK. Sobra na silang attached sa isa't-isa at masaya ako dahil hindi nahirapan ang anak ko na mahalin ang kanyang Papa. Sobrang close na rin sa isa't-isa.

"Love, pagkatapos sa office, saan mo gusto pumunta?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, inaayos ko ang kanyang necktie.

"Kahit saan. Basta masaya lang si CK." tugon ko.

Nakatitig lang siya sa akin habang inaayos ko ang kanyang tie.

"Mall? Park?" he suggested.

"Pagkatapos sa office mo, kayong dalawa nalang ni CK ang mamasyal para magkaroon kayo ng bonding. Ihatid mo nalang ako dito sa bahay tapos maghahanda ako ng pagkain." tugon ko.

Hindi na kami nakatira sa penthouse niya. Isang mansyon ang pinagawa ni Rahim noon at para iyon sa amin. Malaki at maganda ang pagkakagawa ng mansyon. Nagustuhan ko 'yon at sobra akong masaya dahil umalis na kami sa penthouse na iyon.

"Sabagay, you've been with him for so long. Ihahatid kita dito tapos pupunta lang kami sa bahay ng magulang ko then uuwi na rin." he said softly.

I smiled. After fixing his necktie, he planted a soft kiss on my lips. After a month, we didn't do it. Hindi niya pa ulit ako nadadala sa kama. Hindi ko ba alam kung respeto niya 'yon sa akin o ayaw niya ng makipag-sex sa akin? Hindi ko iniisip yon, hindi ko naman habol ang pagiging talik lang pero nakakapagtaka, hindi pa naman ginawa ulit yon after years.

That's fine. Baka aware siyang mabuntis ulit ako kung makipagtalik siya sa akin. Baka ayaw niyang masundan muna si CK lalo pa't matagal silang hindi nagkita. I don't know. But I need to stop thinking about it. Masyadong nakakaubos ng lakas at dadagdag lang sa iniisip ko.

Nakangiti ang mga empleyado niya habang naglalakad kami papunta sa office niya. Lahat ay magaan habang pinagmamasdan kami. Hawak ni Rahim ang kamay ko habang karga ng isang kamay niya si CK. Ito ang unang araw na dinala niya kami dito. Kaya alam kong masaya ang anak namin ngayon habang nakatingin sa mga tao.

"Magandang araw sir at ma'am!" bati ng secretary niya.

Lalaki iyon at nakangiti sa amin. He opened the door for us. Ngumiti ako at pumasok na kami. Maraming nagbago sa kanyang opisina. Maluwag pa rin ito pero nag-iba yung interior design. Napansin ko rin ang isang painting na parang kamukha ko. Hindi ko lang alam kung ako ba iyon o baka hindi naman.

"Love, dito muna kayo ni CK. I'll finish the meeting immediately." paalam ni Rahim.

Ngumiti ako at lumapit siya para halikan ulit ako sa labi at si CK sa pisnge.

"Papa balik ka ha."

"Oo naman, baby. Aalis tayo mamaya pupunta tayo kay Lola at Lolo." he said softly to his son.

Ngumiti ito. Umalis na si Rahim at nagsimula sa kanyang meeting samantalang naiwan naman kami ni CK dito. Nung una tahimik pa siya kalaunan ay nilalaro na ang table ng kanyang Papa. Hinayaan ko kasi baka umiyak pero hindi naman kinalat ang mga papeles.

"Mama, sulat ako." aniya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng bond paper at ball pen para magsulat. Nag-isip naman ako sa lulutuing pagkain mamaya. Hindi ako sasama papunta sa kanyang magulang. Gusto ko rin magpahinga at manatili lang sa mansyon.

After one hour, dumating si Rahim at nakipagkulitan sa kanyang anak. Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalaro si CK sa kanyang Papa. Ang saya pala nilang pagmasdan kapag ganito sila. Nakakawala ng pagod at stress.

Kumain kami ng sabay-sabay at nabusog sa mga pagkain na inihanda. Masarap yung pagkain. Nagustuhan rin ni CK at lalo na yung spaghetti. Pagdating ng hapon, natapos ang meeting ni Rahim kaya pauwi na kami upang ihatid lang ako.

"Bakit di sama Mama?" si CK na nakanguso.

Nagmamaneho si Rahim at nakakandong si CK sa akin.

"Gusto ni Mama mag-stay sa bahay, baby." marahang sagot ni Rahim.

"Gusto ko Mama sama sa atin, Papa." hirit pa ng anak ko.

I sighed.

"Marami gagawin si Mama, anak. Sama ka kay Papa para makita si Lola at Lolo." maingat kong sagot.

Tumingin siya sa akin at ngumuso.

"Sige, Mama."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Ilang minuto lang naman ang biyahe pauwi sa mansyon. Nang makarating kami, ako nalang ang bumaba para diretso na sila sa pag-alis. Ngumiti ako kay CK at muli siyang hinalikan sa pisnge. Bumaba rin si Rahim at hinalikan ako sa labi ng marahan. Ngumiti ako.

"Mabilis lang kami ni Cynt doon. Uuwi rin kami agad." aniya sa marahan na boses.

I nodded.

"Maghihintay ako at mag-iingat kayo." tugon ko.

He smiled and then kiss my lips again. Nang matapos ay sumakay na siya at sabay kaway sa akin. Tumango ako at nakangiti lang hanggang sa umalis na sila. Napahinga ako ng malalim. Tinignan ang kotse na papalayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang nararamdaman ko ngayon. May nararamdaman akong kakaiba.

Mabigat. Parang may mangyayaring masama? Hindi ko mawari. Unti-unti nawala ang mabigat na nararamdaman at mabilis itong napalitan ng kaba. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? May mangyayari bang masama? Sana naman ay wala.






---
A.A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon