Kabanata 5
Crazy man
Hindi umuwi si Sir Rahim ng ilang araw sa kanyang condo. Kaya ngayon, nagtatanong ako sa aking sarili kung saan ba ito nagpunta. Gustuhin ko mang tanungin si Tita ay hindi ko magawa dahil sa una palang ay dapat alam ko kung nasaan ang amo ko. Hindi rin naman kasi siya nagpaalam sa akin! Tsaka nung umalis yon ay natutulog ako! Kaya paano ko malalaman kung saan siya pupunta!
Nakakainis! Dalawang araw na hindi siya umuwi. Paano nalang kung magtanong sa akin si Tita, anong isasagot ko? Sasabihin ko bang hindi ko alam kasi umalis ang kanyang unico hijo ng hindi nagpapaalam? Naku! Napakawalang kwenta ko naman na personal maid kung ganoon ang sasabihin ko! Buti nalang talaga at hindi tumatawag si Tita sa akin!
Napatingin ako sa cellphone ng umilaw, kunot-noo kong tinignan at nagtatanong bakit tumatawag si Madam X. Ganoon pa man, sinagot ko pa rin ang tawag.
"Hello, yes po, Madam X?" takang tanong ko.
"Tangina ka! Anong ginawa mo?" sigaw niyang sagot sa akin.
Nagtaka ako sa inasta ni Madam X. Makasigaw naman 'to!
"Bakit Madam? Anong problema?" kalmado kong tanong.
"Anong ano problema ha!? Shit ka, Elisha! Bakit mo sinabi sa Almuevo ang bar!?" singhal niya.
Nalaglag ang panga ko. What? Don't tell me? Shit! Is this my boss's fault? Did he really do it? At kaya ba hindi umuwi si Rahim dahil dito?
"B-bakit Tita Xenia? Anong nangyari?" I asked again, this time with a shaking voice.
"Pinasarado ang bar dahil kay Rahim Almuevo!? Alam mo bang maimpluwensya ang taong 'yon! Jusko! Tangina!" she shouts hysterically.
Napalunok ako. Ginawa nga niya! That brute! Pinasarado niya talaga ang bar ni Tita X! Oh shit! Anong gagawin ko ngayon? Ang bar na 'yon ang pangunahing negosyo ng Tita X ko! Saan siya kukuha ng panibagong negosyo at paano siya makakabangon?
"T-tita--"
"I help you with your life here, Elisha! Pero ganito ang ibabawi mo sa akin!? Really? I can't believe this!" she cried and end the call.
Natulala ako sa harap ng cellphone. Ngayon ko naramdaman ang awa sa Tita ko. It's her business! Business niya 'yon! She put her all efforts to build that business! At sa isang iglap ay nawala dahil kay Rahim! How can I explain to my Tita that it's not my intention to close her business?
Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking dalawang araw ko ng hinihintay at ang dahilan ng pagkasara ng bar ni Tita. He was wearing his black t-shirt and cargo pants. Ngumisi siya ng tumingin sa akin.
"Anong ginawa mo!?" sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya pero ngumisi pa rin.
"What?" he said innocently.
I gritted my teeth angrily. This fucking brute has the guts to act innocent after what he did to my Tita business!
Tumayo ako at sinugod siya. Hindi napigilan ang sarili at pinaghahampas ang kanyang dibdib. I poured all my anger while punching his chest. I even cried. Shit! This is frustrating me!
"B-bakit mo pinasarado ang bar ng Tita ko!? Anong ginawa mo? It's my Tita's business!" I shouted angrily.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at mahigpit akong pinigilan. He was strong. Matatalim ang mga mata na tumingin sa akin. Igting ang panga, walang bahid ng kasiyahan ang mukha niya.
"That business is unholy. It should be closed! And I told you, I will fucking do everything to make all your wrong past doings be burned to hell." aniya sa malamig na boses.
Nabitin sa ere ang sasabihin ko. Hinawakan niya ang panga ko at gigil na nilamon ang labi ko. Napanganga ako sa gulat at pagkatameme sa kanya. I couldn't move my body and I was like... hypnotized by his anger.
He deepen eating my lips. Lalo pa't sinisipsip niya ang dila ko. I tried to scourge his arms but I was too stunned to move or act. After a long deep kiss, humiwalay siya at ngumisi sa akin. Mga mata'y napupuno ng dilim, mukha'y bahid ng kaseryosohan.
"You are fucking mine the moment you signed the contract. And when I say mine, everything...body and souls, baby." in his deep baritone cold voice.
Binitawan niya ako at iniwan na tulala sa harap ng pinto. Narinig ko ang pagsarado ng kanyang kwarto. Nanginginig ako sa kaba at takot. Ibang-iba na Rahim ang nakita ko kanina. Nakakatakot. Nakakawala ng lakas. Nakakapanginig ng katawan.
Agad kong hinanap ang numero ni Tita Adah upang tawagan siya. Nanginginig pa rin ang kamay habang dina-dial ang number ng kanyang Mama. When she answered my call, my tears started to flow again.
"Hello? Yes, dear?" boses ni Tita Adah.
I tried to stop my tears.
"H-hello Tita! Gusto ko sana tapusin ang kontrata na pinirmahan ko--"
"Sorry? You mean, breached your contract as the personal maid of my son?" she interrupted me.
I nodded while my body was shaking.
"O-opo..."
She sighed heavily.
"I'm sorry for that, hija. But the contract is under my son. He will be the one to decide for that." aniya sa mahinang boses.
My chance of getting myself out of here is lost immediately.
"For that, you can talk to my son. Wala na akong karapatan para magdesisyon."
Hindi na ako nakasagot. I feel so numb. Wala na rin lumalabas sa bibig ko. I'm really scared now. I thought it was easy to tame her son. But I was wrong.
"I'm sorry hija." aniya and cut the line.
My tears flooded. Napalunok at napahinga ng malalim. Oh God! Ano 'tong pinasok ko? Bakit pumirma pa ako sa contract na 'yon? Kung umalis nalang kaya ako? Kung lumayo o magtago? Pero hanggang saan naman kaya ako tatakbo? Rahim Almuevo is very influential. Isang balita niya lang sa national TV, buong Pilipinas na ang makakaalam na wanted ako!
Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa ginawa niyang paghalik sa labi ko kanina. I think he bite my lips angrily. Ramdam ko ang hapdi sa tuwing nababasa ng laway.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya. I closed my eyes and sighed so heavily.
"I'm hungry. Do we have food here?" he said softly now.
Hinarap ko siya. Napahinga siya ng malalim at pinahid ang naiwang luha sa pisnge. He even touched my lips.
"Napasobra yata ang kagat ko sa labi mo. Is it hurt, hmm?" marahan niyang tanong.
What a crazy man! Kanina galit tapos ngayon nanglalambing.
---
Copyright © Alexxtott 2024
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomansaStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...