Kabanata 22
Again
Ang kapal nga siguro ng mukha ko para gawin 'yon sa harap ng magulang niya. In any instances, hindi iyon gagawin ng isang babae para lang magustuhan siya ng pamilya ng lalaking mahal niya. Mahirap nga siguro ipagsiksikan ang sarili sa mundong hindi kinabibilangan.
I grew up being so brave. I lost my father when I was a kid. Sobra kaming nahirapan ni Mama na ultimo pag-aaral ko ay itinigil para lang makatulong sa pamilya. It was so hard on my part since I am the older. Ngayon, iniisip ko palang ang magiging kinabukasan ni CK sa akin, sobrang hirap.
Emotionally, we can survive together, but financially, I know I cannot afford to give him the life he deserves. Kaya ngayon, ang tanging naiisip ko ay lumuhod sa harap nila, magmakaawa kung maaari para lang tanggapin nila si CK at maging parte ng kanilang pamilya. Kaya ko naman sigurong mabuhay kahit hindi kami magkasama ng anak ko diba? Kaya ko naman sigurong bumisita araw-araw kung pwede?
Gaslighting myself is fucking nuts! Sobrang hirap nga nung lumuwas ako ng Maynila para lang magtrabaho ulit kasi kailangan kong matugunan lahat ng pangangailangan ni CK. But this time, I can endure it. I will accept our fate.
"Hija, alam kong galit ka sa amin dahil sa nangyari noon." malumanay ang boses ni ma'am Adah.
Her husband still on her side. Rahim resemblance is very evident.
"We didn't believe you years ago. We let the bitch fooled us. At first, I was hesitant to believe because I know you cannot do that. Unang kita ko palang sayo noon, I know in my heart that you are kind. But as a mother, you cannot blame me to ignore those words I heard from them. I investigate, I let the bitch feed me with her lies. I try to ask my son, asking him if he can forgive you after what you did, and you know what he said?" she started to cry again.
Nakayakap pa rin sa akin si Rahim. This is very awkward but I find it very interesting at some point.
"He loves you so much that even you fooled him for his money and wealth, he can accept and forgive you wholeheartedly. Doon palang, naniwala na ako sa pagmamahal niya sayo. And I will never let myself intrude his love for you. I'm sorry for what happened years ago. I know, it caused you pain and heartbreak. It inks in your heart and mind. But I let you know, we accept you as our family, my grandson deserves a complete family." she said while smiling at me.
Suminghot ako habang dinadama ang sinasabi niya. It feels surreal. She is Adah Almuevo, mother of the man I dearly love, and here she is, telling me this kind words. It's overwhelming.
"Please, accept my son to your life again. He's been a pain in the ass on the past years and I don't want to take care of a monster." she laughed.
Inamoy-amoy ni Rahim ang buhok ko habang nakayakap pa rin sa akin sa likod ko. Mahigpit pa rin ang yakap ng kanyang braso sa baywang ko. Hirap kumawala.
"I'm sorry hija. We are really sorry." she said kindly.
I nodded and smiled. Hindi ako masamang tao. Gaya ng sabi ko, mahirap kami pero hindi tinuro sa amin ng magulang namin ang pagiging masamang tao. Tumalikod man ang mundo sa amin, iniwan man kami ng mga mahal namin, hindi pa rin kami nagtanim ng sama ng loob kasi alam namin na parte iyon ng buhay.
And with that, what happened years ago will be there, it will always be there, rotted and will never surface again. Hindi naman siguro masamang sumubok ulit? Kahit isa pa? Kahit ngayon lang? Kung mag-work, it would be great. If not, then fate does not work with us.
"You really love me?" iyon ang tanong sa akin ni Rahim nung naiwan kaming dalawa.
Umuwi na ang kanyang magulang, ang Mama at kapatid ko naman ay dumalaw muna kay Tita X at baka doon matulog pansamantala bago umuwi sa probinsya. Tulog na si CK at hindi na muna ginising ni Rahim.
"Look at me, Elisha. I'm asking you now, you love me?" he demands.
I sighed.
"Noon 'yon pero ngayon, parang hindi na." nakanguso kong sagot.
Mabilis kumunot ang noo niya at unti-unting dumilim ang mga mata kasabay sa pag-igting ng panga.
"What? You didn't love me now? Bakit? May bago ka na bang gusto? Sino? Yung manager ba ng restaurant na 'yon?" sunod-sunod niyang tanong.
Nagulantang ako sa sinabi niya. Bakit nasama pa dito si sir Austin?
"Tell me? You like that stick man? I will break his neck into pieces and then throw him out of this world——"
"Hindi ko gusto si Austin. Ano bang pinagsasabi mo huh? For your information, ikaw itong may fiance na diba? You like her fashion right? The design of your wedding with her right? Kaya bakit ka ganyan kung pwede naman akong magkagusto sa iba. I'm a single mom!" giit ko.
Kuyom na kuyom ang kanyang kamao ngayon at gusto na yatang sumapak ng mukha.
"You really like that skeleton man huh! Mag-resign ka na doon. Hindi ka na magta-trabaho pa doon——"
"Ano!? Wala kang karapatan mag demand sa akin ng ganyan! Ex-boyfriend na kita at Ama ka lang ng anak ko pero hindi mo ako kailangan sabihin——"
"I am the love of your life! I'm the only one for you! Walang sino man ang pwedeng magmahal at umagaw sayo!" lintanya niya.
Umiling-iling ako sa kanyang sinasabi. He didn't address about their wedding. He's trying to divert the topic to me.
"Napaka-demanding mo! Nakapa-bossy mo! Bakit hindi mo 'yan gawin sa fiance mo huh!? Tutal malapit na kayong ikasal diba?" I fireback.
"I will not marry that woman! Stop putting her on our conversation! We are talking about us!" sagot niya.
Hinampas-hampas ko siya sa balikat at dibdib. He let me do that. Sa inis ko at sa mga sinasabi niya, mas lalo niya pa akong ginalit. Yumakap siya sa akin hanggang sa mapahiga ako sa sofa at umibabaw siya.
"Baka gusto mong masundan si CK? Another one hmm?" he teased me.
"Ano ba!?" irita kong sagot.
"Papa bakit mo away si Mama?" maliit na boses at nagpatigil sa amin.
Gising na pala si Cynt! At nakita niyang nakadagan sa akin ang Papa niya.
"Oh baby, naglalaro lang kami ni Mama." sagot ni Rahim.
"Talaga? Sali ako Papa!" sagot nito at agad na tumakbo papunta sa amin.
Napailing si Rahim at sinalubong ng yakap ang kanyang anak bago sila maglaro. Nangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. Nakakawala ng pagod ang tawa ni CK habang kinikiliti siya ng kanyang Papa. It make sense now. Everything is making a sense now. And I know, this is worth trying again.
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love
RomantikStatus: Ongoing Start: November 16, 2022 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be process of hard work and sa...