CHAPTER 1: Blue Dress

2.2K 27 0
                                    

Halos ilang buwan pa lang ako sa Pre-med na kinukuha ko ay pakiramdam ko susuko na ako. Hindi ko kinakaya ang mga pinag-aaralan namin. Buti nalang ay may naging kaibigan ako dito.

Nag puppy eyes ako saka pinagsaklop ang dalawang kamay ko, "Jameson...Sige na please, Ikaw na sumagot nitong assignment na to..Hindi ko na kaya"

"Tigilan mo ako Camilla Luna...Hirap na hirap narin ako sa Assignment na yan"Natatawang sagot niya.

Nakaupo kami sa students area ng university habang inaantay matapos amg vacant namin. May mga tables and chairs dito at hindi mainit dahil maraming puno ang lugar, Tanaw rin ang malawak na football field na akala mo maraming oras ang mga estudyante dito para makapag laro pa.

"Nakakainis ka naman.."saad ko saka inumpisahang gawin ang assignment na pagkahirap-hirap.

Inagaw ni Jameson ang papel na hawak ko, "Akin na nga yan! Kawawa ka naman...Kunin mo nalang sandwich sa bag ko kainin mo" sabi niya saka inumpisahang magsulat sa papel ko.

Sinunod ko ang sinabi niya. Kinuha ko sa bag niya ang sandwich na sinasabi niya saka inumpisahang kainin habang pinapanood siya.

Pinunasan niya ang Mayonnaise sa gilid ng aking labi, "Ang balahura kumain ah"

Nginitian ko nalang siya, "magsagot ka lang diyan."

Natapos ang araw na masakit ang ulo ko. Buong akala ko matalino na ako , hindi pa pala This Pre-Med really humbled me.Mabuti nalang andyan si Jameson para tulungan ako. Dahil kung hindi lagot nanaman ako kay Mommy.

"Kamusta ang Future Doctor namin?" Bungad ni Mommy nang makauwi ako sa bahay.

Gusto kong sabihin na hindi ko na din alam, kung humihinga nalang ba ako sa mga oras na ito.

"Naeenjoy ko naman po ang mga pinag-aaralan Mommy "nakangiting sagot ko.

Kung pwede lang sabihing hindi ko na alam kung kaya ko paba.

She nod, "Don't forget the party you need to attend tonight Camilla Luna"

Nakaramdam ako ng pagod lalo dahil kailangan ko pa magreview para sa test para bukas.

"Do I really need to be there Mommy? I still-"

Hindi pa ako tapos sa explanations ko ay sumabat kaagad siya, "Shut It Camilla Luna, You really need to be there, Maraming influential na tao doon lalo na mga Doctors, You need to be friends with them" Saad ni Mommy habang umiinom ng Wine.

"Okay po Mommy, Mag-prepare na po ako."

"Wear Blue dress Camilla Luna." Paalala pa niya.

Pagod na pagod akong pumanik sa kwarto saka naligo kahit hindi pa nakakapag pahinga.

As Mommy wants, I wear sky blue Corset Top, White trouser and a pair of white stilettos. My Mother arranged my Wardrobe for me. Kahit hindi ko gusto ang style ay sinusuot ko parin dahil ayaw kong makarinig ng kung ano-ano kay Mommy.

Tumayo si Mommy nang masilayan akong pababa ng hagdan, "Perfect! Blue Aesthetics is your style, Ang galing kong mamili" Naglakad siya papunta saakin.

"Pupunta rin po ba si Daddy?"

"Tayong dalawa lang, Tulog na rin ang kuya mo...And Change your lipstick it's..." napangiwi si Mommy habang tinitignan ang aking mukha, "Horrendous, I'm sorry..stop using Nude lipstick, hindi bagay sayo"dagdag pa niya.

I really love the way I looked tonight but Mommy said its Horrendous so I need to change my Lipstick. So I tried Gradient lipstick this time and She approved it.

"You have to look perfectly beautiful infront of them, And...Don't make any kind of mistake Camilla Luna."

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon kahit hindi ko alam kung Paanong hindi dapat ako magkamali sa mga galaw ko.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon